"Jan Alexis!" sigaw ko sa pangalan niya
"What?" iritang tanong niya.Ayaw niya kasing tinatawag siyang Jan Alexis,ang baduy daw kasi.Mas gusto pa daw na tawagin siyang Alex or Alexis wag lang daw Jan.
"Alam mo ba yang mga sinasabi mo?Di pa tayo nag papa alam kay kuya,hindi tayo papayagan non!" sabi ko sa kanya
"Jamie Andi!Hindi na tayo bata no!Ano ka 12 years old?" sabi niya habang tumitirik ang mata.
"At isa pa,ako ang bahala kay kuya Jc,kaya chill ka lang jan." dagdag niya habang tumataas baba ang kilay.
"Hays.Bahala ka Alex!" sabi ko sakanya.
Napag isipan na din naming umuwi dahil palubog na talaga ang araw.Nag hiwahiwaly na kami nila Sab at Demi sa sakayan ng jeep.Wala silang sundo ngayun kaya mag cocomute sila.
Si Fiona naman daw ay didiretso sa tita niya,hindi niya daw sure kung makakasama siya mamaya dahil pagod daw siya.
Naka sakay na kaming dalawa ni Alex sa jeep at wala siyang ginawa kundi mag kwento.
"Ang you know what Jamie?I think inlove na ulit ako." nagulat ako sa sinabi niya at napatingin sa kanya.
Pano ba naman kasi,kaka break lang nila ng ex niya last month tapos ganto ang sasabihin niya sakin ngayun.Samantalang pa emote emote pa siya sakin dati sa phone.
"Okay ka lang?" sarcastic kong sabi sakanya.
"Oo naman.Ikaw,okay ka lang?" balik niyang tanong sakin.Napairap na lang ako sa kanya.
"Anong pangalan niya ulit?Clark ba yun? Hihi." sabi niya habang kinikilig.
"Kaylangan kong mag pa ganda mamaya ng todo." dagdag pa niya sabay hair flip.Haaaaaaaaay,nababaliw nanaman ang pinsan ko.
Pagka dating namin sa bahay ay dumiretso agad si Alex sa kwarto.Nadatnan naman namin si kuya na nanunuod ng tv habang naka tutok sa kanyang cellphone.
"Hi kuya!" bati ko sakanya.Di ko na hinintay ang sagot niya kasi kahit anong hintay ko jan ay hindi din ako papansinin niyan kaya tumaas na lang ako sa kwarto.
Nadatnan ko naman si Alexis na abala sa pag pili ng susuotin niya para mamaya.6:30 pa naman daw ang simula kaya may oras pa para makapag ayos.
"Alexis,wala ka na sa Australia.Kaya maging simple ka lang kung ayaw mo pag tinginan ka dun." sabi ko habang naka pamewang sa harap niya.
"Tyaka isa pa,di pa tayo nakaka pag paalam no!" dagdag ko
"No worries Andi!Chill ka lang pwede?Dami mong pinoproblema alam mo yon?" sabi niya habang pinoproblema pa din ang susuotin niya.
"Mag ayos ka na jan,sige na." sabi niya pa
Wala akong nagawa kundi pumili na din ng susuotin ko.Nag suot lang ako ng high waisted pants tyaka plain black vneck,tinerno ko naman dito ang superstar ko na regalo sakin dati ni mama.
Nag lagay lang ako ng konting blush on sa mukha tyaka light lip stick at eyebrow liner.Tinali ko pataas ang buhaghag kong buhok at ayan,okay na ko.
Sumulyap ako kay Alex kung tapos na din ba siyang mag ayos.At wow,todo paganda ang lola niyo.Naka suot siya ng hanging blouse at ripped shorts,tinerno niya dito ang favorite boots niya.
"Alex?Seriously?" pag taas ko ng kilay sa kanya.
"What?Diba sabi mo wala nako sa Australia?Kaya eto,nag papaka simple ako." sabi niya sabay suot ng choker sa leeg.Pagka tapos ay kinuha niya ang kanyang jacket sa kama at tyaka tinali sa bewang.
"Haha simple?Sige pagbigyan." sabi ko sabay dampot sa shoulder bag ko at bumaba na.
Pagbaba namin ay nandun pa din si kuya na nanunuod.Siniko ko naman si Alex para siya na ang mag paalam.Tutal sabi naman niya ay siya ang bahala.
"Ehem!" pag kukuha ng atensyon ni Alex kay kuya.