"Okay by the way class i am Liam Laurent.You can call me Sir Liam." Sabay sulat niya ng kanyang pangalan sa whiteboard. "Ako muna ang magiging teacher niyo sa filipino pansamantala.Nabanggit na naman siguro sainyo ni sir kung bakit siya nag retire diba?" Nagpalakad lakad pa siya sa harapan habang nag sasalita.Yung iba ko namang mga kaklase na babae ay kilig na kilig.
"Well,hindi ko major ang filipino kaya dapat hinay hinay lang tayo." Lumalabas ang dimples niya habang nag sasalita
"Pero wag kayong mag alala,di pako mag uumpisang mag turo ngayun.Siguro ay ichecheck ko muna ang attendance niyo." sambit pa niya
Wala akong ginawa sa klase ni sir liam kundi tumahimik at mag pigil ng kilig.Kaylangan kong hindi mag pahalata dahil mahirap na,baka malaman niya pa.
"Ms.Medina?" Napatayo ako sa pag tawag niya sakin. "Tila wala ka ata sa sarili mo ngayun?Sabi ko itaas lang ang kamay hindi tumayo."Pag sasabi pa niya
"Ayy,sorry po sir." Umupo na lang ako sa kahihiyan.Haaaaay,umayos ka nga jamie!Nawawala ka nanaman sa sarili mo eh
"So you're Ms.Medina huh?" Ngisi niya.Shocks!Wag mo ngang ilabas ang dimples mo sir.Mas lalo akong naiinlove ehNakatutok lang ako sa libro ko hanggang matapos ang klase ni sir.Actually di naman talaga siya nag klase,nag sabi lang siya ng kung ano ano.Pag kalabas niya ng classroom namin ay nakahinga ako ng maluwag.Hay salamat,naka hinga din.
Uwian na.Wala namang masyadong pinapagawa ang mga teacher.Nag papasulat lang sila.
Lumabas na ko ng classroom pagkatapos ko iligpit ang mga gamit ko.Ngayun ako dadaan sa library dahil hindi ako nakakuha ng libro kanina.
Naalala ko nanaman yung lalaking naka bunggo ko kanina.Ewan ko ba kung bakit ang weird niya.Pagkatapos kong kumuha ng napiling libro ay lumabas nako ng library.
Maglalakad na lang ako hanggang sa sakayan ng jeep.Naglalakad nako sa corridor ng may nakabunggo nanaman ako.Ay wow.Hindi na lang sila dalawa kundi apat na. "Mukhang napapadalas na po yata ang pag bunggo niyo sakin mister!" untag ko sa lalaking medyo kulot ang buhok na nakasuot ng black na damit. "Hindi ko alam kung bingi ka ba o bulag." Biro ko pa.Nabigla yata siya sa sinabi ko dahil sa pag laki ng mata niya.Tumawa naman yung kasama niyang dalawang lalaki na nasa likuran niya.Isang maputing singkit na nakasuot ng color grey na sweater at ang isa naman ay naka suot ng uniform. "Ayos Simon!May naka tapat ka ata hahahahaha." tawa ng isa.So simon pala ang pangalan ng isang to.
Sumeryoso lang ang mukha ni Simon at parang walang balak na umalis sa harapan ko. "Ayy hehe,joke lang.Di ka naman mabiro.Sige una na ko." Yumuko ako at dumaan sa gitna nila.Buti naman at pinadaan nila ako.Akala ko e isasalvage nila ako dahil sa tingin ko,masungit ang taong simon na yun.
Bago pako tuluyang umalis ay nag babye pa sakin si boy chinito. "Bye miss Jamie!Ingat ka" Pag papa cute niya.Haha masyado naman syang pa cute sakin char.
Lumingon lang ako sakanila at tumalikod na.Wala akong balak na makipag kaybigan sakanila lalo nat mukhang playboy pa ang dalawa sakanila.
Pagkauwi ko sa bahay ay dumiretso na agad ako sa kwarto para magpahinga.Wala si papa,mamaya pa ata ang uwi niya galing trabaho.At si kuya? Hay ewan ko dun kung saan yun.
Humiga ako sa kama habang iniisip ang nangyari sa second day ko.Ang saya ko ngayun dahil kay sir Liam.Di ko alam bakit nag kakaganto ako sakanya kahit ang sungit sungit niya.
Napahinto ako sa aking pag mumuni muni ng biglang tumunog ang cellphone ko.Pagkatingin ko dito ay unknown number.Napahinto ako at napaisip kung sino ang tumatawag saakin.