Entry #13

0 0 0
                                    

Nilapag ni Fiona isa isa ang mga order namin tyaka umupo.

"Nag paplano na kami ni Fiona na mag trasfer na dito." nakangiting sabi niya. "Right Fiona?"

"Uhuh!" sabi niya habang ngumuya ng kanyang kinakain.

"Edi maganda.Siguradong matutuwa si papa niyan." sabay subo ng kanin.

Nag kwentuhan lang kami habang kumakain tatlo.Andami nga  nilang kinuwento na moments daw nila sa Australia.

Pagkatapos kumain ay namili pa kami ng mga damit tyaka nag libot libot.Hapon na ng matapos kami kaya napagisipan namin bumalik sa school dahil paniguradong tapos na ang program.

Pagka dating sa school ay nakita ko na agad si Demi na may hawak na flowers at may suot na korona kasama si Sab na dala naman ang kanyang trophy.

Lumapit agad ako sa kanila tyaka sila niyakap.

"Nanalo kaa?" sigaw ko habang hawak hawak ang kanyang mukha.

"Obvious ba?" Ngisi niya habang pataas taas ang kanyang kilay.

"Waaaaaaah Demi! Sabi na mananalo ka eh!Ikaw pa ba?" pag tatalon ko sa tuwa.

"Halika at pipicturan kita." sabay tutok ng camera sakanya.

Ngumiti naman siya at nag pose na mala beauty queen.

"Ewan ko sayo Jamie at bigla ka na lang nawala.Di mo tuloy sila nakita ni Sydrex na tumaas ng stage." saad ni Sab.

"Oo nga eh.By the way guys,siya si Alexis.Pinsan ko." hinila ko si Alex sa tabi ko.

"And this is Fiona Marqueza,kaybigan ni Alex na taga Australia." sabay hila ko din sakanya
"Pero simula ngayun,kaybigan na natin siya." sabi ko pa

Nag hugis O naman ang bunganga ng dalawa kong kaybigan.

"Hi Alexis and Fiona!I'm Sabrina,Jamie's bestfriend." masiglang sabi ni Sab.

"Tagalog sila Sab kaya wag ka ng trying hard jan." sabi ko sabay tawa.

"Demi Clair Bonifacio!Nice to meet you" masigla niya ding sabi.

Nang pagkatapos nilang mag pakilala sa isa't isa ay napansin kong nag sisimula na silang mag uwian.Nahagip naman ng mata ko sila Sydrex dala ang kanyang trophy at nag sisigawan pa.

Iniwan ko silang apat na nag kukwentuhan tyaka sinalubong sila Sydrex.

"Congrats Sydrex!Galing mo!" bati ko sakanya ng naka ngiti.

"Anong magaling ka jan!Di nga kita nakita na nanuod eh" kunwaring pag tatampo niya.

"Grabeeee!May pinuntahan lang kasi ako saglit." sabi ko sa kanya.

Nakita ko naman sila Sab na papalapit samin.
"Oo nga pala,may ipapakilala ako sainyo." sabi ko.

"Alexis and Fiona? Mga kaklase ko.Si Sydrex,Clark,Edge at si Simon." turo ko sakanila

"Hi guys!Nice meeting you!" sabi ni Alex samantalang si Fiona ay ngumiti lang.May pagka mahiyain talaga si Fiona.

Nag usap usap lang kami,medyo close na din naman sila.Nahahalata ko na nga si Clark na laging tumitingin sa pinsan ko eh.Makatitig kasi wagas.Napansin ko naman na napansin din ni Sab ang pag titig ni Clark kay Alex.Malamang na nag seselos na yan.

Si Sydrex naman ay panay pa din ang pag landi kay Demi,hindi nako mag tataka kung isang araw ay sila na.Si Edge?Ayun,tahimik lang na naka salpak ang earphone sa kanyang mga tainga.
Si Fiona naman ay tahimik lang na nakikitawa sa mga kalokohan nila.

"Saan ka pumunta kanina?" nagulat ako dahil nandito na pala si Simon sa tabi ko.

"Wala.Sinamahan ko lang silang lumabas." hindi ko alam bakit ilang ako sakanya.Siguro ay pag nagtagal ay masasanay din ako.

"Sama kayo samin?" sabi niya.

"H-huh?Saan?" tanong ko.

"May celebration sa bahay nila Sydrex.Pumunta kayo nila Demi para makisalo.Mamaya maya pa naman." sabi niya.

"Uhm.Try kong mag paalam-"

"Sure Simon!Pupunta kami don't worry." pag puputol ni Alex sa sasabihin ko.

"Sige.Kita kita na lang tayo sa park,aantayin namin kayo dun." sabi pa niya.

"Suuuure!" masayang sabi ni Alex.

Mag didilim na kaya nauna na silang umalis at kaming mga babae na lang ang natitira dito.

Till I Met You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon