Pagkatapos nila mag pakilala ay dumiretso na sila sa kanya kanya nilang upuan.And guess what?Sa likod ko ang upuan nila.Ano pa nga ba ang magagawa ko eh yun na lang ang natitirang bakante para sa kanila maliban sa isa ding bakanteng upuan na nasa tabi ko.
Nagulat na lang ako ng may biglang umupo sa tabi ko.
"Hi Jamie,ako nga pala si Sabrina.Sab for short." Maamo ang mukha niya at mukha naman siyang friendly dahil palagi siyang naka ngiti.
"Hello Sab." Hiya kong sabi sakanya.Di naman kasi ako ganun ka friendly.Maliban na lang sa pinsan kong baliw.
"Wag ka ng mahiya sakin Jamie.Napapansin ko kasi na tilang wala kang kaybigan kaya naisipan kong lumapit sayo.Wag kang mag alala,simula ngayun bestie na tayo." Masigla niyang sabi sakin habang nakangiti.Sa sobrang ngiti niya tuloy ay nawawala na ang ang kanyang mata.
"Ayy hehe. Sige,kung yan ang gusto mo." Ngumiti na din ako sakanya.Mabuti na din yun,para naman may ka close ako dito sa room hindi yung puro libro lang ang inaatupag ko.
Hindi naman ako matalino,sadyang mahilig lang talaga ako mag basa ng libro.Hindi din naman ako nerd.
Kakatapos lang mag turo ng teacher namin at recess na.Niligpit ko na ang mga gamit ko na naka kalat.Kaylangan kong maaga ngayun para maaga din akong makabalik.Mahirap na at baka malate pako kay sir liam ko.Haha
"Jamie,sabay na tayong mag recess." Sambit niya pagkatapos ligpitin ang kanyang gamit.
"Ayy sige.Hintayin mo na lang ako sa labas Sab.Tatapusin ko lang to." Sabi ko habang naglilipit.
"Hindi,hintayin na kita." sabi niya habang kinikilig
Parang alam ko na ata kung bakit gusto niyang maghintay.Ngumiti ako sakanya ng nakakaloko sabay tingin sa likuran ko.
Nakita ko ang apat na nakaupo at tila walang planong mag recess.
"Hi Jamie!Tulungan na kita?" nakangiting sambit ni Sydrex.Psh chickboy talaga.If i know nangtitrip lang siya.
"No thanks." Pilit akong ngumiti sakanya
Nakita ko namang napa sulyap si Edge samin pero agad niyang binawi ito at sinuot ulit ang kanyang earphone na nakasabit sa kanyang tainga.
Napangisi naman si Clark dahil sa pag tanggi ko kay Sydrex.
"Wow drex!First time ka atang na reject ngayun ng isang babae ah!" Tawa ni Clark.
"Psh.G*go!" sabay bato ng notebook kay Clark.
Padabog naman na tumayo si Simon at lumabas.Nairita siguro dahil nawala ang kanyang antok dahil sa pag iingay ng dalawa.Pano ba naman kasi,buong klase ay wala siyang ginawa kundi matulog.
Kinalabit ko si Sab para makuha ko ang kanyang atensyon na kasalukuyang nakatuon ang pansin kay Clark.Ngayun alam ko na kung sino ang natitipuan niya.
"Halika na Sab?" pag aaya ko sa kanya.
"Ay sige" lumabas na kami at dumiretso sa canteen.
"Uhm.Jamie?Kilala ka pala nila Sydrex?" nahihiya niyang tanong.If i know gusto niya lang iopen ang topic about Clark.
"Hindi naman." nakapila na kami sa canteen
"Pero kilala ka nila no?" sabi pa niya.
"Sab? Umamin ka na nga.Si Clark ba ang gusto mong tanungin?" pabiro kong sabi sakanya.
"Hala,hindi ah." namula siya sa pag banggit ko ng pangalan ni Clark.
"Halata ka na Sab.Don't deny it!Haha" pang aasar ko pa sakanya.
"Okay okay." Pag buntong hininga niya "Masyado bang halata?"
"Medyo?Haha" lalo ko pang pang aasar.
"Jamie naman!" Sabay palo sa braso ko
"Oo sab!Pano ba naman kasi,kung maka titig ka kay Clark wagas.Haha" sabi ko.
Pagkatapos namin maka bili ay dumiretso na kami sa room.Dun na lang kami kakain para di kami malate.
"Huhu.Nahalata niya kaya?" pag mamaktol niya sakin.
"Hindi naman siguro.Sa susunod kasi wag ka ng mag pahalata.Control your feelings haha." sabi ko.
Pag pasok namin sa room ay wala ang apat.Umupo kami sa upuan namin atsaka kumain.
"E ikaw Jamie?Sino ang natitipuan mo?" pag oopen ng topic ni Sab habang humihigop ng binili niyang orange juice.
Nabulunan ako sa pag tatanong niya. "Hah?Ako?Haha anokaba wala." pag tatanggi ko
"Oy oy Jamie! Umamin ka na nga! Wag mo ng ikaila!Alam ko meron eh." paniningkit niya ng mata.
Hindi na namin natuloy ang usapan dahil pumasok na si sir Liam.Tinago ko na ang pagkain ko sa bag.
"Goodmorning Class." malalim ang boses ni sir kaya mas lalo akong naiinlove.
Binati din namin siya tyaka umupo.Sakto naman na pumasok ang apat.