Pagka dating palang sa school ay wala nakong sinayang na oras kundi tumakbo sa classroom ko.Pagka dating ko palang sa room ay saktong nag umpisa na ang teacher namin na mag lecture.
Ayy wow!Center of attraction ang lola mo.Ugh i hate this feeling pa naman. "Goodmorning maam,sorry i'm late." Napapikit ako ng mariin dahil akala ko ay sisigawan ako nito. "Okay Ms.Medina,come in.Next time ayoko na ng may ma late sa klase ko." Woah!Akala ko sisigawan na ko nun.Buti na lang at goodmood ang teacher ko ngayon.
Dumiretso na ko sa upuan ko sa bandang likuran dahil kanina pako naaasiwa sa mga titig ng kaklase ko.If i know kaya lang naman nila ako tinitigan dahil ang panget ng itsura ko ngayun.Imagine tumakbo ako hanggang 3rd floor.Pshh,di pako nag ayos dahil sa pag mamadali ko kanina.
Umupo nako sa upuan ko ng marating ko ito.Ito ang gusto kong pwesto para malapit sa bintana.Hindi kasi mainit at pwede ka pang makasilay sa labas kapag wala kang magawa.
Nag lecture lang at nag pasulat ang teacher namin pagkatapos ay break time na.Lumabas na ko ng classroom para mag tungo sa canteen.Kanina pa kasi nag wawala ang mga bulate saking tiyan.Di kasi ako nag almusal kanina maliban sa isang pirasong tinapay na kinain ko sa jeep kanina habang nakikipag siksikan.
Pagkadating ko sa canteen ay bumili lang ako ng isang tuna sandwich at isang mineral bottle.Hahanap na lang ako ng magandang lugar na pwede akong makakain ng maayos.
Sa likod na lang ako ng school kakain dahil payapa at maganda ang simoy ng hangin doon.Sana lang ay walang ibang nakatambay.
Umupo ako sa mga damuhan tyaka kumain.Haaaay,ang ganda talaga pag tahimik at walang masyadong tao.Mas komportable ako
Saktong malapit na ang time pagkatapos kong kumain.Tamang tama na lang para mag lakad papunta saking room.
May 5 mins pako kaya dadaan muna akong library.Tutal madadaanan ko din naman ito bago ang classroom namin.Gusto kong mag hanap ng bagong libro dahil tapos ko ng basahin yung kinuha ko ding libro dito nung isang araw.
Pagpasok ko ng library ay may naka bunggo pakong dalawang lalaki. So weird.Nastar struck ata sakin si kuya haha.Well,di kasi siya umalis sa pwestp niya at tila nagulat pa ng makita ako.Oo na,if i know nagulat nanaman siya sa itsura ko.Di pa kasi ako nakakapag ayos simula kanina.
"Uhm.Hello.Okay ka lang po?" tanong ko sabay pag wagayway ng isa kong kamay sa tapat ng mukha niya.Hindi pa din siya umalis sa pwesto niya nanatiling ganun ang pwesto.
Nilagpasan ko na lang sila dahil hindi ko maintindihan ang mga mukha nila.Ayy wow!Para namang sobrang pangit ko kaya sila nagulat at natulala.Naconciuos tuloy ako sa sarili ko.
Maghahanap pa lang sana ako ng libro ng maalala ko na 5 mins na lang pala ang natitirang oras para dumaan dito.
Hindi na ako kumuha ng libro dahil late na ko.Ang sungit pa naman ng teacher namin ngayun.
Dinalian ko na mag lakad para makarating na sa classroom.Pagka dating ko sa classroom,hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.
Like omgeee.Nananaginip lang ba ako?Okay,kaylangan kong kalmahin ang sarili ko.
Pagkapasok ko pa lang ng room ay nakatingin na sakin ang mga kaklase ko. "Sorry sir,im late." Dumeretso ako sa upuan ko habang nakayuko.
"Goodmorning!Sana sa susunod na klase ko dito ay wala ng malelate!May punishment pag may nalate pa.20 push ups,wala akong paki kong lalaki ka man o babae" Sabay tingin sakin.Ugh!Bakit ang sungit mo sir?Di porket gwapo ka.Napayuko na lang ako sa kahihiyan dahil feeling ko nakatingin na silang lahat saken.