"Hello?" Pag sagot ko sa tumawag.
"Jaaaaaaaamiiieeeee!Huhu imissyou so so muuuuch!" Parang kilala ko na ata kung sino tong mega phone na to
"Alex?Is that you?Imiiiisyou tooo!" "How are you?I'm so so so so excited to see you sooooon!"
"What?Totooo?Wheeeen?" "Secret muna cuzzie!Sige may klase pa ko Andiloves.Take care okay?Loveyou,seeyou!" Pinatay niya na ang linya.Btw,she's Alexis Medina.My oh so hot cousin.Oo pinsan ko ang foreigner na lukaret na yon.She's been on Australia in 6 years.Kaya matagal na kaming di nag kikita at sobrang miss ko na sya.Natawag tawag naman siya sakin pero wth?Ngayun lang siya ulit tumawag after 2 months -.-
Dun siya nag aaral since grade school.At di nako mag tataka kung pag uwi niya ay eenglish english siya saken.
Sa sobrang kakaisip ko ay di ko na namalayan na naka tulog na pala ako.
Maaga ako nagising at napag desisyunan ko ng bumaba para mag luto ng umagahan.Pagkababa ko ay nadatnan ko na wala pang gising.Malamang na tulog pa sila.
Kumuha lang ako ng madaling lutuin para sa almusal.Pagkatapos ko magluto ay inihanda ko na ito sa lamesa at dumiretso na ulit sa taas para maligo.
Pagkatapos kong mag ready ay bumaba na ulit ako para kumain.Nadatnan ko na ang dalawa na kumakain na.
"Maaga ka atang nagising ngayun bunso." Ngisi ng aking kuya.Di ko na lang siya pinansin at umupo na lang para kumain.Ganyan kami ka sweet ng kuya ko.
"Goodmorning papa!" Masigla kong bati kay papa.
"Ouch!Wala manlang akong goodmorniiing?" Kunwaring pagtatampo ni kuya.
"Goodmorning kuyaaaaaa!" Pag bati ko din sa kanya habang nakangising aso.
"Kamusta school Jamie?" Sabat ni papa sabay inom ng kanyang kape.
"Uhm.Okay naman po pa."Pag sagot ko.
"Oo nga po pala pa.Tumawag po si Alex sakin,at sabi niya may plano daw siyang mag bakasyon dito sa bahay." Sambit ko kay papa na kasalukuyang nagbabasa ng dyaryo.
"Talaga?Maganda yan,para may kasama ka na dito sa bahay kapag may lakad kaming dalawa ng kuya Jc mo."
Inubos ko na ang kinakain ko at umalis na.Mahirap na at baka malate pako.
Pagkadating ko sa school ay dumiretso na ako sa room ko.And thank god,wala pa ang teacher namin.Akala ko ay malelate nanaman ako.
Halos kalahating oras na ang nakakalipas pero wala pa din ang teacher namin.Maya maya ay bumukas na ang pinto at pumasok na siya.
"Okay class,sorry i'm late.Marami kasi akong inisikaso sa office na dapat madaliin.Oh by the way may bago pala kayong mga kaklase." Nag bulong bulongan ang mga kaklase ko kung sino sa palagay nila ang bago naming kaklase.
"Okay boys,you may come in." Pumasok ang apat na istudyante sa loob.Blanko ang mukha nila at tila walang pakialam sa presensya ng mga kaklase ko na kilig na kilig sa kanila.
"So class,sila ang mga bago niyong kaklase.Boys,introduce yourself to them." Pag sabi ng teacher namin sakanila.
Unang humakbang sa harap si boy chinito.
"Sydrex Collins nga pala." Sabay kindat niya sa mga babaeng nasa harapan.Halos mamatay naman sa kilig ang kaklase ko na akala no kinidlatan ng kidlat.
Sunod naman na nag pakilala ang isang lalaki na kulay brown ang buhok na mukhang chickboy din dahil sa kanyang mga ngiti.
"Clark Lee at your service." Sabi niya suot ang malaki niyang ngiti na akala mo'y mapupunit na sa sobrang lawak.Nag tilian din ang mga kaklase ko na akala mo ay mamatay na.
Naagaw naman ang aking pansin ng humakbang ang isang lalaking maputi.Maputi naman talaga silang lahat pero para sakin ay siya pinaka maputi dahil tingin ko ay mahilig siya sa puti.Mababase mo naman kasi sa kanyang pananamit.
"Edge Sy." Tipid niyang pag sabi.Feeling ko ay siya ang pinaka tahimik sa kanila.Sa mukha mo palang kasi makikita kung madaldal siyang tao o hindi.Seryoso ang mukha niya at feeling ko ay isa siyang misteryosong lalaki.Kahit papaano ay may nahuhumaling din sakanya kahit mukha siyang masungit.
Habang na starstruck ako sakanya ay nahuli ko siyang napatingin sakin.Ng nakita niya kong nakatingin ay umiwas siya.
"And you Mr?" Tanong ni maam sa huling lalaki.Siya na lang kasi ang hindi pa nag papakilala.
"Psh.Simon" Ayy wow.Kung si Edge ay matipid na mag salita,pano pa kaya siya.Mukhang di talaga siya interesado mag pakilala sa bago niyang mga kaklase.
Sabay sabay na nagtilian ang mga kaklase ko.Oo nga pala,Simon pala ang pangalan niya.I almost forgot.