Entry #15

0 0 0
                                    

Napalingon si kuya ng maagaw namin ang atensyon niya.Tumaas ang kanyang kilay ng makita niya kami.

"Uhm.May pupuntahan kami kuya Jc." sabi ni Alex habang naka ngiti.

"Pupuntahan?Gabi?" sabi niya habang nananatili pa ding nakataas ang kanyang kilay.

"Sabi na eh,di tayo papayagan niyan" bulong ko kay Alex.Siniko niya lang at di pinansin.

"Kuya Jc naman.Your so kj!Girls night out! Haha may celebration sa bahay nila Demi at kaylangan naming pumunta." full of confidence niyang sabi.

"Gabi?Ipag pabukas niyo na lang yan Alex,madilim na." sabi niya sabay baling ulit sa cp niya.

"Duuuh!It's girls night out kuya!Night,ibig sabihin gabi." pinag diinan niya talaga ang salitang NIGHT.

Hindi sumagot si kuya at naka tutok lang siya sa cp niya.Habang kami?Andito,naka tayo habang nag hihintay.

"Okay then,hatid ko na kayo." tatayo na sana siya ng pinigilan siya ni Alex.

"No need kuya.We can manage,may kotse ako." sabi niya sabay taas mg susi.

Napakunot lang ang noo ni kuya sandali tyaka tumayo at lumapit saamin.

"Jamie?May tiwala ako sayo ah.Hindi uuwi si papa ngayun dahil ot nanaman siya sa trabaho.Ako ang malalagot kapag may nangyaring di maganda sa inyo.So please Jamie?" pag bibilin sakin ni kuya.

"Yes kuya.Behave ako" sabi ko

"Okay.Mag ingat kayo ah." sabi niya tyaka bumalik sa inuupuan niya.

Lumabas na kami ng bahay at sumakay na ng kotse.
"Wow Alex!Napapayag mo si kuya ng ganun ganon lang? Haha bilib na talaga ako sayo" biro ko sa kanya pagka sakay sa passenger seat.

"Ako pa ba?Ayaw mo kasing maniwala sa napaka ganda mong pinsan eh." ngisi niya.Haha hangin talaga

Nag text sakin si Sab na nandun na daw sila sa park at kami na lang daw ang hinihintay.Sa sobrang excited naman makita ni Alex si Clark ay pinaharurot nito ang sasakyan kahit labag sa kalooban ko.

Pagka dating namin ay bumaba muna kami at nandatnan namin silang apat na naka upo sa bench.

"Kanina pa kayo?" masiglang tanong ni Alex pagka lapit namin.Hindi ko alam kung sino ang tinatanong niya.Kung si Demi ba o si Clark.Pano ba naman kasi,kay Clark siya naka tingin.

"Hindi naman.Mga 10 mins ganon?" sagot ni Demi.

Sumulyap naman ako kay Simon na kasalukuyan ding naka tingin sakin.Naka shorts lang siya pero di ko alam bat ang lakas ng dating niya.

"Sila Sydrex asan?" pag oopen ko ng topic.

"Nasa bahay nila,kasama si Edge.Busy sila sa pag preprepare eh." sagot ni Simon

"Ahhh.Di pa tayo aalis?" tanong ko ulit
Sakto namang umupo si Alex sa bakanteng space sa tabi ni Clark.At oo,napansin ko agad yun.

"Oo lika na!Kanina pa nga ako nilalamig dito eh,kakahintay sainyo!" padabog na tumayo si Sab sabay irap.Hahaha selos alert nanaman siya if i know.

Tumayo na din si Demi at Simon dahilan para tumayo na din si Clark.
"Anobayan!Kakaupo ko lang eh!" pag mamaktol ni Alex.

"Let's go?" hindi pinansin ni Sab ang sinabi ni Alex at derederetso ng pumunta sa motor na dala nila.

Hahakbang na din sana ako para mag lakad ng pigilan ako ni Simon.
"Jamie." hawak niya sa braso ko.

"Suotin mo to,malamig na." sabay hubad ng suot niyang jacket at pinatong sa balikat ko.

Nagulat naman ako sa ginawa niya.Hindi ko expect to.Hinila niya ko sa motor niya at binigay ang helmet.

"Sakin ka na din sumabay." sabi niya habang nakatitig sakin.Omegesh.Feeling ko namumula na ang pisngi ko.

Till I Met You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon