"Ako nga pala si Demi.Demi Clair Bonifacio." sabi niya tyaka inilahad ang kamay.
"Jamie Medina." sabi ko sakanya habang tinanggap ang kanyang kamay.
"At siya naman si Sabrina.Bestfriend ko" sabi ko ulit.
"Hi Sabrina." bati ni demi.Nginitian lang siya ni Sab.Haha alam ko naman na pilit lang ang ngiti niya.
"Transferee ka dito?" tanong ko sakanya.
"Yep.Biglaan nga eh." sabi niya
"Ah kaya pala parang ngayun lang kita nakita." sabi ko pa.
Nag kwentuhan lang kaming tatlo buong klase dahil wala ang teacher namin sa Mapeh.
"Jamie oh.Yung notebook mo" sabi ni Sydrex sabay abot ng notebook.
"Thank you ahh.Oh!Transferee ka miss?Sydrex nga pala,ikaw si?" sabi ni sydrex na aakmaing hawakan sana ang kanyang kamay pero hindi natuloy dahil sa pag palo ko dito.
"Hep.Pwede ba Sydrex,wag ka ng mang hokage.Bumalik ka na sa upuan mo." sabi ko
"Grabe ka naman sakin Jamie.Makaalis na nga lang.Bye miss. " sabi niya bago umalis sa harapan namin na siyang kinainis naman ni Sab.
"Yung totoo?Saang lupalop ka bang galing babae ka?" sabi niya kay demi.
"Sabrina!" Saway ko.
"Nakakainis!Buti pa sya pinansin sya ni Sydrex! E ako? Hanggang ngayun di pako pinapansin ng Clark ko!" sabi niya habang nag cross arms
"You know what Sab-"
"Don't call me Sab.We're not close!" sabay irap niya kay Demi.
"Okay.Alam mo Ms.Sabrina,sa lahi kasi yan.Kung talagang maganda ka,maraming lalaking lalapit sayo at sila mismo ang lalapit.Kaya wag ka ng mag taka kung walang lumalapit sayo." sabay kindat niya kay sab.Hahaha if i know inaasar niya lang lalo si Sabrina.Si Sabrina kasi eh,masyadong pikon
"How dare you!Sinasabi mo bang pangit ako?" Inis na sabi ni sab
"ooops.Wala akong sinasabi." sabi pa ni demi
"Heeeeeeep.Tama na yan.Mabuti pa lumabas muna tayo sab,gusto mong juice lika bili tayo.Wait lang demi ah." sabi ko sakanya
"Okie.Take your time sweetie." malambing niyang sabi sakin.
Hinila ko na si sab sa labas.
"Di ko talaga feel yang Demi na yan ah!!Bwisit sya akala mo kung sinong maganda!" umuusok na ilong na sabi ni Sab
"Chill ka nga lang sab.Ano ba kasing ikinagagalit mo sa kanya.She's a nice girl kaya." sabi ko sakanya
"Sayo oo! Pero para sakin hindi!Hindi ko feel yang babae na yan!Pano kung agawin ka niya saken? Edi wala nakong bestfriend?Nako hindi ako papayag don no!" sabi niya with matching actions pa
Natawa naman ako sa inaasta ng bestfriend ko
"Sab,she's a good friend.At sinisigurado ko sayo na hindi mangyayari yung iniisip mo.Just trust me.Okay?" sabi ko sakanya habang naka ngiti.
Nag isip muna siya ng matagal bago nag salita ulit.
"Okay then,your my bestfriend so i trust you." sabi niya.
Niyakap ko siya tyaka kami dumiretso sa canteen para bumili ng makakain.Pagkatapos ay bumalik na kami sa room at nadatnan si demi na hinaharot ni Sydrex.Habang ang tatlo naman ay nasa likod at nag uusap usap.
"Jamie!" Tawag sakin ni Clark pagka pasok pa lang namin ng classroom
"Malapit na ang liga samin.Tanong mo si Jc kung sasali pa ba siya sa team namin." sabi ni Simon pagka lapit ko sakanila.
"huh?Kilala niyo si kuya Jc?" tanong ko sakanya
"Common sense naman Jamie.Syempre oo" pabirong sabi ni Clark.
"Eto ang number ko" sabay abot ni edge ng maliit na papel.
"Itext moko pag pumayag siya." sambit pa niya.
Kinuha ko ang maliit na papel na binigay niya tyaka tinignan.Number lang ang naka sulat dito.
"Okay." Sabi ko tyaka tumalikod na.
"J-Jamie!" tawag ulit sakin ni Simon.
Hinarap ko ito ng may pag tataka sa mukha.
"Hintayin mo kami mamaya.Sabay sabay na lang tayo pumunta sa bahay niyo." sabi niya tyaka yumuko na ulit.