Entry #18

0 0 0
                                    

Pagka labas ni Edge sa kwarto ay kinuha ko agad ang cp ko tyaka tinext si Kuya Jc.

To:Kuya
Kuya dito na kami pinatulog ng mama ni Demi sa kanila,masyado na daw kasing gabi.Wag kang mag alala dahil bukas ng maaga ay uuwi na kami.

Pagka send ko dito ay lumingon naman ako kay Alex na kasalukuyang mahimbing ang tulog.Hayss Alex,lagot tayo kay kuya bukas nitooo.

Bumukas ang pintuan at pumasok sila Sab at Demi.Pumunta sila sa kabilang kama at umupo.

"Pinayagan ba kayo?" tanong ko sa kanila

"Nag text na kami kela mama na dito matutulog ngayun." sabi ni Sab
"Kayo?" tanong pa nito.

"Namomroblema nga ako ngayun eh.Si alex kasi pasaway." sabi ko sabay sulyap kay Alex

"Malakas din pala ang tama nito ni alex no?" natatawang sabi ni Sab.

"Sinabi mo pa." sabi ko.

"Oo nga pala Sab.May dapat ka pa atang ikwento samin?" sabi ko kay Sab

"H-huh?Ano nanaman yun Jamie." naka ngusong sabi ni Sab.

"Pwede ba Sab! Kilala kita no!" sabi ko pa

"E ano ba dapat ikwento ko?" kinikilig niyang sabi habang umayos na ng higa.

"Kamusta kayo ni Evan?" tanong ko sakanya.

"Uhm.Mabait siya,sweet at.." pinatay na ni Demi ang ilaw tyaka humiga na hinihintay din ang kwento ni Sab.

"Gwapoooo." kinikilig niyang sabi.
Humagalpak naman kami sa tawa ni Demi.Pano ba naman kasi,ngayun lang siya kinilig ng ganyan haha.

"At ano namang ibig sabihin niyan Sab?Akala ko ba kay Clark ka lang?" pang aasar na tanong ni Demi

" Ayoko munang mag expect no.And about Clark?Tss tingin ko naman ay hindi ako ang gusto niya.Si Alex,si alex ang gusto niya." matamlay na sabi ni Sab.

"Wala naman akong magagawa eh.Haha!I'm so so so tired guyssss.Let's sleep na" sabi niya pa.

Tulog na sila pero di pa din ako maka tulog.Iniisip ko pa din kasi yung nangyari kanina.Kung bakit ginawa ni Simon yun.Ewan,pero iba kasi ang nararamdaman ko sa kanya.

Naalala ko ang kwento sakin dati ni mama nang bata pa ako,pag narinig mo daw na tumibok ng sobrang lakas ang puso mo.Yung tipong wala kang maririnig at tibok ng puso mo lang ang naririnig mo sa lalaking kasama mo,ibig sabihin ay inlove ka na sakanya.
Naramdaman niya daw kasi yun kay papa dati ng mag kakilala sila sa isang bar.

Napatakip ako sa bibig ko ng maalala ko ang nangyari kanina.Nung hinawakan ni Simon ang mukha ko,lumakas ang tibok ng puso ko.
And every time na kinakausap niya ko ay nangyayari to.Ugh,what is the meaning of this?

Dahil hindi ako maka tulog ay tumayo ako at lumabas ng kwarto.
Bababa na lang ako para uminom ng tubig.Pag kababa ko ay naabutan ko si Edge na naka upo sa sofa.

Di pa siya tulog?
Napatingin siya sa kinatatayuan ko ng mapansin niya ko.

"Bat di ka pa natutulog?" naka kunot ang noo niya.

"Uhm.Di ako makatulog eh." binuksan ko ang ref at kumuha ako ng malamig na tubig

"At bakit naman?Gabing gabi na" lumapit siya at umupo sa counter.

"E ikaw?Bat di ka pa natutulog?" balik tanong ko sa kanya.

"Tsk.Wala,may iniisip lang." nag lagay din siya ng tubig sa baso tyaka uminom.

Till I Met You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon