Entry #19

0 0 0
                                    

"Iniisip?Marami ka atang problema." biro ko sa kanya.Umupo din ako sa sa tapat niya.

Nag kwentuhan lang kami ni Edge hanggang sa dalawin na din kaming dalawa ng antok kaya napag isipan na na naming matulog.

Kinabukasan

Pag gising ko ay umaga na.Sinulyapan ko ang phone ko at napag tanto na mag aalas onse na pala ng tanghali.Nakoooo Jamie lagot ka talaga sa kuya mo!

Wala na sila Alex,Sab at Demi.Malamang na nasa baba na ang mga yun..

Nag hilamos muna ako at bumaba.Naabutan ko naman sila sa kusinang lahat na nag aalmusal nadin habang nag tatawanan.

"Oh!Gising na pala ang sleeping beauty natin" bungad agad ni Sydrex sakin.

Di ko siya pinansin at pumunta kay Alex

"Alex!Bat di moko ginising?Anong oras na oh!" bulyaw ko agad sakanya

"Nako Jamie tigilan moko ha!Ginigising ka namin kanina pero ayaw mo magising!" umirap siya sakin tyaka kumagat ng tinapay.

"Tsk!Pano na tayo niyan kay kuya!" pag mamaktol ko sa kanya

"Pwede ba Jamie kumain ka muna?Umagang umaga tinotopak ka nanaman" sabi ni Alex.

Umupo ako sa tabi niya at nag timpla ng kape.Napatingin naman ako kay Simon na kasalukuyang humihigop ng kape,sakto namang dumapo ang tingin niya sakin.Umiwas na lang ako ng tingin.

Naa alala ko lang kasi yung nangyari kagabi tuwing nakikita siya.Baka nga nagawa niya lang yun dahil lasing siya eh,kaya imposibleng di niyang maalala yun.Para sakin ay wala lang yun sa kanya.Hayss,wag ka ng umasa Jamie.

Kumain lang ako tyaka umalis na din dun sa kusina.Dumiretso na lang ako sa taas para mag ayos ng itsura ko dahil wala na kong panahon para makipag sayahan sakanila dahil hindi ko alam ang sasabihin kay kuya mamaya.

Nag hilamosang ulit ako at nag ayos ng sarili,pagka tapos ay bumaba na din para yayain ng umuwi si Alex.

Nadatnan ko naman silang naka upo sa sofa at nag kukwentuhan.
"Alex?! Wala ka talagang plano umuwi no?" pam bubulabog ko sa kanila.

Paano ba naman kasi,kausap niya si Clark at mag ka tabi pa sila.Kilig na kilig pa ang lola niyo.

"Jamie? Maaga pa oh!" reklamo niya
"Alex pleaseeeee?!" bulyaw ko sakanya.Samantalang sila naman ay naka tingin lang.Wala na kong pakialam basta ang gusto ko ay makauwi na.

"Okay fine!" tumayo na siya at kinuha ang bag niya.
"Sorry guys pero we need to go na talaga." pag iinarte pa ni Alex sa kanila.

Tumayo na din naman si Demi at Sab dahil uuwi na din sila.Maiiwan naman daw ang mga lalaki dahil mamaya pa daw sila uuwi.

"Sabay na kami Jamie!" sabi nila Sab.

"Sure." sagot ko agad. "Sydrex,thanks sa food ah." sabi ko dito ng inihatid nila kami sa gate.
Tumango lang si Sydrex at bumaling na ulit ang tingin kay Demi.

Si Evan naman ay kausap si Sab,bumabanat nanaman yata bago mag paalam.Haha
Si Clark?Ayun ngiting ngiti na nakikipag landian pa sa pinsan ko.Kilig na kilig naman ito.

Si Edge naman ay tahimik lang na nakatayo.
Lumapit naman sakin si Simon.
"Ingat kayo ah?" sabi sakin nito
"Uhm,salamat." hanggang ngayon ay naiilang pa din ako sa kanya.

Till I Met You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon