Entry #16

0 0 0
                                    

Inabot niya sakin ang helmet nito.
"Uhm wait.Alex!" tawag ko dito

"Oo jan kana sumabay!" sabi niya sabay pasok sa kotse.Si Demi daw ang isasabay niya.

Samantalang si Sab naman daw ang kasama ni Clark.If i know ay kilig na kilig nanaman ang babaeng yun.

"Humawak ka sakin ah." sabi niya pagka sakay sa motor.Sumakay na din ako sa likod niya tsaka humawak sa kanyang balikat.

"Wag jan,dito." sabi niya sabay hawak sa kamay ko at ipinulupot sa bewang ko.

Bibitaw sana ako nang bigla niyang pina harurot ang motor.Wala na tuloy akong nagawa kundi yumakap na ng tuluyan sa kanya.

Wala pang 10 mins,nakarating na kami agad sa bahay nila Sydrex.Maganda ito.May second floor at color pink.Mahilig siguro ang mama ni Sydrex sa pink.

Bumaba na ko sa motor at inalis ang helmet sa ulo ko.
"Grabe Simon!Ang bilis bilis mo magpa takbo !" bulyaw ko agad dito sabay hampas sa braso niya.

"Kaya nga sabi ko kumapit ka sakin diba?" sabi niya sabay hawak sa kamay ko dahilan para tumigil ako sa pag palo sa kanya.

Nanatili siyang naka titig sakin habang naka ngiti.Biglang bumilis ang pag tibok ng puso ko sa ginagawa niya dahil hanggang ngayun hawak pa rin niya ang kamay ko.

"Tara na sa loob?" lalo siyang ngumiti at hinigit nako paloob.Hindi naman siya mahilig mang higit no?

Pagpasok namin sa loob ay nandun na silang lahat.Nandito din pala ang iba naming kaklase,akala ko ay kami kami lang.Napatingin silang lahat samin ng maka pasok kami.

Tinanggal ko agad ang kamay ko na hawak pa din niya,kaya pala sila mga nakatingin.Umalis nako sa tabi niya at tumabi kay Alex sa sofa.Agad naman niya kong siniko at binigyan ng makahulugang tingin.

Tinaasan ko lang siya ng kilay at di na pinansin.Kumuha lang ako ng inumin sa lamesa at nakinig na lang sa mga pinag kukwentuhan nila.

Si Sab at Demi naman ay magkatabi sa kabilang sofa kasama si Sydrex at ang isa pang lalaki na di ko kilala.Bali ganiti ang position namin

Sab-Demi-Sydrex-Evan         
       Clark-edge-Simon        ako-alex

Bali tatlong sofa meron sila Sydrex.Yung iba naman naming kaklase ay naka upo lang sa single na upuan.Mag kakalapit lang ang sofa na inuupuan namin kaya di kami mag kalayo ni simon ng inuupuan.

"By the way guys,kaya pala may gathering tayo ngayun dahil may special tayong kasama dito" sabi ni Sydrex habang natatawa.

"This is Evan guys!Our beloved friend from France!" sabi pa niya sabay taas ng wine na hawak niya.

Nanatili naman siyang naka upo habang umiinom din ng wine.Habang sila Simon ay nag kukwentuhan.

"Infairness ha,hindi lang pala ako ang bisita dito.Pati din pala si Evan." bulong ni Alex
"And wow!Ang gwapo niya." sabay hawi pa niya ng kanyang buhok.

Nagsimula ng mag uwian ang mga kaklase namin dahil alas nuwebe na.Kaya ang nangyari ay kami na lang 9 ang natira.Medyo may tama na din ang mga lalaki maliban kay Edge,sa tingin ko ay di naman siya malakas uminom kaya disiya masyadong tinablan.

"Uhm,girls?Ang tahimik niyo ata?Haha as Sydrex said,i'm Evan.And you are?" mapupungay na ang mata niya habang nag sasalita.Nag hihintay siyang isa samin ang sumagot

"And i'm Alexis,nice to meet you." sabi naman agad ni Alex.
"At ikaw naman si?" tanong niya sakin.

"Jamie Medina." pag ngiti ko sa kanya.Ayoko naman siyang entertainen no.Mahirap na at lasing pa siya.

"Oh." yun lang nasabi niya at bumaling naman siya kela Sab.Nag pakilala lang din sila at nag kwentuhan na.Hindi ko alam kung nahihiya ba si sab o nag papa cute kay Evan.Haha the way she talks tho.Mamapansin mo naman kasi

"So baka next week na ko maka transfer sa school niyo." sabi pa ni Evan

"Ay oh?Edi maganda,sana ay maging mag kakaklase tayo." masiglang sabi ni Sab.Sabi na ehh,may something.

Nag usap usap pa kami nila Alex ng konti,ng mabaling ang tingin ko kela Sab.Nagulat na lang ako ng nag palit na ng pwesto si Sydrex at Sab.Kaya ang nangyari ay magkatabi na sa sofa si Sab at Evan.Nakooooo,baka kung anong gawin niya sa bestfriend ko lalo na't lasing siya.

Tatayo na sana ako ng bigla akong pinigilan ni Simon sa kamay.Napa tingin naman ako sa kanya habang naka taas ang isang kilay.

Till I Met You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon