Entry #8

1 0 0
                                    

Uwian na.Idadaan ko muna itong mga notebook na chineck ko sa cubicle ni sir Liam.

Kasalukuyan akong pinagpapawisan ngayun at the same time kinakabahan dahil kakausapin ko nanaman si sir Liam.

Nandito na ko ngayun sa tapat ng cubicle ni sir.Inhaaaaale,exhaaaale.Kaya mo yan Jamie!Aja!

Pagpasok ko,naabutan ko si sir na abala sa pag gawa ng lesson plan niya.

"Ehem.Sir?" Pag tawag ko sa kanya.

Napalingon naman siya sakin.

"Natapos mo ba lahat Ms.Medina?" sabi niya.

"Ahh opo sir.Tapos na po lahat." sabi ko.Palihim akong napangiti ng nakita kong lumabas ang kaniyang mga dimple kahit di naman siya ngumingiti.

"Good.Dahil responsable ka namang istudyante,simula ngayun ikaw na ang magiging secretary ko sa klase niyo.Okay Jamie?" sabi niya habang nakakunot ang noo.

"Uhm.Sige po sir!" sabi ko ulit.

"Sige you may go.Mag ingat ka sa pag uwi." sabi niya tyaka tumutok na ulit sa ginagawa niya.

Lumabas ako ng cubicle ni sir ng lutang.Anong sabi ni sir?Mag ingat daw ako?

Halos mag tatalon talon na ko sa sobrang kilig.Di ko alam bakit tinamaan ako kay sir ng ganito.

Ayy oo nga pala.Umuwi na ang dalawa kong kaybigan na lukaret.

Si Demi ay sinundo ng service niya at si Sabrina naman ay pinauna ko na.Sakto namang nag text ang mommy niya na may pupuntahan sila kaya kaylangan niya na ding mag madali at hindi nako maantay.

Dumiretso nako sa court at kasalukuyan namang nakita ko ang apat na naghihintay.

Bakas sa mukha nila ang pagka inip.Paano ba naman kasi,nakalimutan ko na kasabay ko nga pala sila umuwi.

"Guys?" Pagtawag ko sa kanila.Sabay silang lumingon sakin.

"Jamie?Saan ka bang lapalop pumunta?Kanina  pa kami nag hihintay dito alam mo yun?" pag mamaktol ni Sydrex

"Hala sorry.Nawala kasi sa isip ko na kasabay ko pala kayo." sabi ko sakanila

"Saan ka ba kasi galing?" seryosong tanong ni Simon

"Uhm.Binigay ko pa kay Sir Liam yung mga notebooks." sagot ko

"Ng ganun katagal?" pag tatanong pa ni Sydrex

"Oo." tipid kong sagot

Napatunganga lang sila sa sinabi ko.Ewan ko ba sakanila at bakit ganyan ang inaasta nila.

"Ano guys?Lets go?" tanong ko.

Di na sila sumagot at nag lakad na lang.Nauna sila samantalang nag papahuli naman si Sydrex para sabayan ako.

Oo mag lalakad lang daw kami.Ewan ko sakanila bat gusto nila mag lakad lang.Sabi kong mag jeep na lang kami pero ayaw nila.

Kung ano ano lang pinag kukwento ni Sydrex.Mema kwento lang para hindi boring ang pag lalakad.

Nakikita ko naman si Simon na pa sulyap sulyap samin.Kapag nakikita naman niya kong nakatingin ay umiiwas agad siya.

"Sydrex?" tawag ko sakanya

"Oww?" sagot niya habang may tina type sa phone niya

"Kilala niyo pala si kuya no?Pano niyo siya nakilala?" tanong ko

"Kababata namin siya." sagot niya

"Kababata niyo?Pero paanong-"

"Nung nasa side ka ng mama mo,mag kakasama na kami.Nagka hiwa hiwalay lang kami ng pumuntang ibang bansa si Evan." pag putol niya sa sasabihin ko dapat.

"Evan? Sino naman yun?" taka kong tanong

"Isa pa naming tropa.Anim kaming mag kakatropa.Si Evan ang pinaka close ng kuya mo saaming lima.Kaya nang nag ibang bansa si Evan ay sakto namang lumipat ng school ang kuya mo kaya kaming apat ang natirang mag kakasama." sabi niya.

"Kaya heto kami ngayun at dadalaw sa kuya mo.Kahit papaano namiss din namin yung mokong na yun." dagdag pa niya.

Till I Met You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon