Sa dami naming pinag usapan ni Sydrex,di ko na namalayan na nandito na pala kami sa tapat ng bahay.Nauna ako sakanila para buksan ang gate.Pagka bukas ko ng gate ay agad kong tinawag si kuya.
"Kuyaaaaaaa." sigaw ko
Walang sumasagot.Malamang na tulog yun sa kwarto niya.Pinaupo ko muna ang apat tyaka ako umakyat sa kwarto niya.
"Kuya?" katok ko.
"Pasok." sabi niya
"Kuya may bisita ka.Hinihintay ka nila sa baba." dumungaw lang ako sa pintuan niya para masabi yun.Mag sasalita pa sana siya pero agad ko na ding sinara ang pinto.Syempre mag tatanong tanong pa yun,mas mabuti kung bumaba siya at silipin niya.
Pagkasara ko ng pintuan ay dumiretso na ko sa kwarto para mag bihis.Pagkatapos ko mag bihis ay tumungo nako sa baba.
Naabutan ko sila kuya na nag tatawan.Talaga sigurong miss na miss nila ang isat isa.
"Ehem!Anong meryenda ang gusto niyo?" pag iistorbo ko sa kanila.
"May pagkain dun sa kusina.Iready mo na lang." sabi ni kuya jc.
Tumalikod nako at nag tungong kusina.Tinimpla ko yung juice na nasa lamesa at nag hanap ng pagkain na pwede nilang imeryenda.Siguro ay kaka grocery lang ni kuya kanina.
Pagkatapos ko ihanda ang kakainin nila ay nilagay ko na ito sa sala.Nakita ko naman silang nag momovie marathon.
Di ko na lang sila pinakealaman at umakyat na sa kwarto ko.Agad ko namang kinuha ang cellphone ko at nag fb para malibang ang sarili.
May nakita akong 2 friend request. Nang makita kong sina Demi at Sabrina ito ay inaccept ko agad.
Dumaan ang mga araw ay hindi pa din magkasundo ang dalawa kong lukaret na kaybigan pero kahit papaano ay nagiging close naman ito.Sila Simon naman ay madalas na sa bahay dahil lagi nilang dinadalaw si kuya.Minsan naman ay lumalabas sila dahil may lakad daw.
Si Sydrex naman ay tinutuloy pa din ang pag hohokage kay Demi.Lalo namang naiinggit si Sab sakanya dahil ng minsang nag papansin daw si Sab kay Clark ay diniretso daw siya na hindi daw siya type nito.Kaya panay ang pag mumukmok nito sakin dahil sa nangyaring pag reject sakanya.
Buwan na ng July.Ibig sabihin ay nutrition month na.Marami nanamang activities at program na magaganap sa school.
Busy kami sa pag gawa ngayun ng booth namin.May mangyayari kasing contest bawat section.Pagandahan ng booth pero ang designe ay mga gulay o prutas at bawat section ay may representative na ms. And mr. Nutrition month.Napag isipan naman ng klase namin na si Demi at Sydrex ang isali.Dahil bukod sa maganda't gwapo sila,may talent si sydrex at magaling naman sa pag rampa si Demi.
Busyng busy ang lahat sa pag aayos.Bukas na kasi ang program ng nutrition month at kaylangan naming pagbutihin ang pag aayos ng booth.
Ako,sabrina,Clark,Edge,Simon,at ang isa pa naming kaklase na si Jazmine ang incharge sa pag eentertain bukas ng mga pupunta sa booth.Habang ang iba naman naming kaklase ay incharge sa pag aayos.At ang iba pa ay gumawa ng banner para sa representative namin.
"Demi!Halika mag break ka muna!" sigaw ko.Nabuhayan naman siya ng loob at tyaka tumakbo sakin sabay irap sa baklang nag tuturo sa kanya.
Pano ba naman kasi,gustong gusto niya ng mag pahinga pero ayaw ng bakla dahil kaylangan niya pa daw mag practice ng maigi.Kumuha kasi kami ng pwedeng mag turo sa kanya mag model.Mommy niya ang kumuha sa bakla kaya may pagka istrikto talaga.
Binigay ko sakanya ang tubig na dala ko tyaka sandwich pagka lapit niya.
"Thank god at tinakas mo na ko dun sa baklang yon Jamie!Wth?Ayaw niya kong tantanan!" sabi niya sabay kagat sa sandwich na dala ko
"Haha ganun talaga demi.Kaylangan mo syempreng mamaster ang pag lalakad mo para siguradong panalo." sabi ko sakanya.
"No need Jamie.Yakang yaka ko naman yan!Ewan ko ba kay mommy at naisipan pang kumuha ng trainer ko." sabi niya kahit punong puno ang bibig.