AN: ayun update ulit walang masyadong ginagawa eh XD salamat nga pala sa mga nagbabasa at nagtitiyaga sa story kong ito..XD
so here goes nothing :))
----------------------------------------------------
Chapter 6
Alex's POV
Galit pa rin kaya sakin si Cath? Sana hindi na. Ang tanga ko kasi eh! Sino ba naman kasi may sabi na uminom ako! Bwisit! Si Dennis may kasalanan nito eh. Bakit ba kasi nagkagusto dun si Cath.
Ang aga kong nagising ngayon. Parang hindi ako. XD Since maaga pa 4 pa lang naman eh. Bumili ako ng pagkain sa palengeke. Para mamaya kapag nagbeach kami. Kung magkakabati kami ngayong araw na toh. Hindi naman ako matitiis nun.
Bumili din ako ng vodka kaso konti lang. Ayaw ni Cath na umiinom ng alak. Although gusto niyang uminom pinipigilan naman siya ng utak niya. Gulo no? XD Ayaw din niya na umiinom ako. Ewan ko ba kung bakit pero masunurin naman ako. Kagabi lang ulit ako uminom. Pasaway ba? Yan ang mundo ko :)
Isang oras at kalahati din ako bumibili ng pagkain. Grabe dami kong nabili. Sana kasya to sa trunk ng kotse ko. Bahala na nga. Dinala ko lahat ng napamili ko sa kotse tapos bumalik na ako sa Hotel. Magsusunrise na pala. Gising na kaya si Cath?
Pagbalilk ko sa hotel. Nagpatulong ako sa bellboy na dalhin yung mga pinamili ko sa kwarto. May ref naman dun. Akala ko tulog pa si Cath so nagdahandahan ako baka kasi magising yun pala wala na. pagtingin ko sa kama niya wala na siya dun. Saan kaya magpupunta yun? Siguro nasa labas lang naman siya.
After kong ayusin lahat ng nabili ko. Sinubukan kong hanapin si Cath. Hala! Malapit na magsunrise. Kailangan ko na mahanap si Cath para sabay kami manood ng sunrise. Pumunta ako sa may tabing dagat kung sakaling nandun siya. At ayun nga nandun nga siya. kumukuha ng mga litrato. Hindi ko mapigilan mapasmile. Magagawa niya kayang tandaan ako kapag nasa Australia siya? Hay...
Naglakad ako papunta sa kanya pero may nakita akong humarang sa view na pinipicturan ni Cath. So nainis ako. Pero bakit ganun parang close sila nung lalaking yun. Pinagpatuloy ko ang paglalakad ko.
Nung makarating na ko doon. Alam kong alam ni Cath na nandun na ko pero hindi niya ko pinapansin. Yung kausap niya laging napapatingin sakin. Parang pamilyang yung muhka niya. Parang siya yung kausap ni Cath kagabi. Hindi pa rin ako pinapansin ni CAth. Argh!!! Alex kalma lang. Wag kang bibigay.
"Dude pwedeng hiramin tong kausap mo. Kahit saglit lang maguusap lang naman kami eh. Sorry ah kung naistorbo ko kayo."
Ngumiti lang siya at nagnod. After niyang magnod hinala ko na palayo si Cath. Pumunta kami sa lugar na kaming dalawa lang. Nung makarating kami sa dapat naming puntahan. Nagsimula siyang magsalita.
"Anung kailangan mo Alex?"
"Forgiveness. Mas kailangan ko yun."
"Wow! lakas mangarap. Feeling mo naman sa lahat ng ginawa mo mapapatawad kita. Alam mo hindi mo lang ako masigawan kagabi kasi lasing ka eh."
"Hindi ako lasing. Oo nakainom nga ako pero nakadalawang bote lang ako kasi alam kong magagalit ka."
"Alam mo naman pala na magagalit ako. Bakit mo pa ginawa?"
Hindi na ko makasagot. Hindi ko naman masabi na nagseselos ako. Magkasama na nga kaming dalawa tapos maghahanap pa siya ng wala.
"Tsaka hindi ka na nahiya dun kay Paul. Hinila mo ko kagabi kausap ko yung tao tapos bigla kang nanghihila. Ano ako pagmamayari mo?!"
Ah...Siya pala yun kaya pala namumukaan ko siya. Siya yung lalaking kakamayan ni Cath dapat kung hindi ko siya hinila.
"Bestfriend kita as long na magkasama tayo. Responsibilidad kita. Baka mamaya kung anu mangyari sayo."
"Bestfriend hindi girlfriend. Anung tingin mo sakin 10 years old. 18 na ko Alex kaya ko na sarili ko."
"Bakit hindi ba pwede na alagaan kita na parang girlfriend ko?"
"HUH?!!"
Anak ng tupa naman oh!!! Alex magisip ka nga muna bago ka magsalita. HUHUHU T.T Bakit ko nasabi yun. Now i'm dead. Lord Help me.
"Wala! Kung ayaw mo kong patawarin dahil sa simpleng dahilan na yan. pero please lang kahit ngayong araw lang na toh. Magenjoy ka. Kahit ngayon lang."
"Bakit tingin mo ba makakapagenjoy ba ko sa lagay na toh? Sinira mo na yung Labas ko with Dennis kahapon. Tapos ikaw din ang sumira ng araw ko! Sa tingin mo ba gaganda ba ang araw na ito sa ginawa mo sakin. Grabe ka Alex. Kahit gaano ka pa katalino hinding hindi mo magegets ang mararmdaman ko ngayon. yung pakirandam na masiraan ng araw!"
Tahimik na lang ako. Shitness!! Ganun ba talaga ang ginagaawa ko sa kanya. Wala na ba akong nagawng tama para lang matuwa siya. Feeling ko tuloy ako na ang pinaka worst na tao sa mundo dahil sa pinaggagawa ko sa kanya.
Napatungo na lang ako. Hindi ko na kayang sumagot dahil lahat ng sinasabi niya ay totoo. Masakit man tanggapin pero kailangan eh. Ako naman ang may kasalanan eh.
"Anu Alex? Ako na lang ba lagi ang magaalala sayo? Ako na lang ba lagi ang iintindi? Alex alam mo bang nakakapagod na?"
Putcha! Tama na! Ayoko na ng ganito. Ngayon lang nangyari samin toh. Ngayon lang kami nagaway ng ganitong katindi. Although hindi niya ko sinusumbatan pero parang ganun na rin ang nangyayari.
Totoong siya lagi ang nagaalala, siya ang umiintindi. Pero bakit hindi niya sinabi na pagod na siya. Bakit ngayon lang niya naisipang sabihin? Dahil ba sa nangyayari? o dahil sa manhid na ko?
"Putcha! Alex anu ba?! Ako na lang ba ang magsasalita dito?! Hindi kana ba magsasalita dyan?!"
AHHHHH!!!! Hindi ko na kaya to. Binuhat ko siya at binababa lahat ng gadgets sa buhanginan. tinanggal ko yung tsinelas niya at yung akin. Dinala ko siya sa dagat.
"Alex!!! Anu ba!!"
"..."
Hinagis ko siya sa may dagat. Medyo mababaw lang ang pinuntahan namin. Nakaahon na si Cath.
"Anu bang prob-"
Hindi ko na pipigilan sarili ko ngayon. My feelings will overcome. Without thinking i kissed my bestfriend. Hindi ko siya hinalikan dahil sa gusto ko siyang tumahimik. Ginawa ko yun dahil mahal ko na siya. Mahal na mahal ko na siya.
Siya yung sinasabi ni Dennis na first year crush ko. Actually Dennis is my former bestfriend nagmalabuan kami kaya ayun hindi ko na siya bestfriend. Hindi ko niligawan si Cath dahil natatkot akong mawala yung 11 years na pagiging bestfriend namin.
Tumigil ako sa paghalik. Napatungo na alng siya. Muhakng mangyayari yung kinatatkutan ko ah. Alex think first will you!! Maiilang na sayo si Cath si ginagawa mo eh.
"Ahhh..Sorry ang ingay mo kasi eh." Ganda ng palusot mo.
Bwisit luma na yan eh!! Ang tanga mo Alex!! Tumalikod ako. Hindi ko naman magalw yung katawan ko. Tapos mayamaya naringi ko siyang nagsosob. Hala! Umiiyak na siya? Shitness naman!!
Lumapit ako sa kanya lalo kaso parang nagaalangan pa ko dahil sa karumaldumal na ginawa ko sa kanya kanina. Naman eh! Hindi kasi nagiisip muna eh.
"Ahh..Cath...Ano...Uhmm..."
Anak ng tupa naman oh! Alex umayos ka! Wala akong masbi nu ba yan! Since wala nang ibang paraan o palusot na masasabi. Gawin na ang dapat gawin. Sabihin na ang dapat sabihin. Wag sana unahan ng takot. Huhuhu T.T
-------------------------------------------------------------
AN: okay good part agad? hehehe joke panimula pa lang po yan XD
ang corny talaga ng gawa ko pambata T.T
salamat sa mga nagbabasa ^^
BINABASA MO ANG
We belong together??
Teen Fictionkapag ba naging karelasyon mo ang kaibigang sobrang lapit sayo kaya ko kayang patunayan na kahit anung mangyari...you will still be belong to each other??