Why did it end up this way?! Kawawa naman si Dennis dun. Iniwan kong magisa at naghihintay. Ayaw man lang sakin patawagan ni Alex. So tinext ko na lang siya. Hay sana hindi siya magalit sakin. Bakit ba kasi nauwi sa ganito toh eh. huhuhuhu
*flashback*
"Hoy! Alex kumalma ka nga! Baka masun-"
Hinila niya ko palabas ng school.
"Alex!"
Oo tama yan! Wag mo akong pansinin. Hindi ko mahablot yung kamay ko. Grabe ang higpit humawak nito ah.
"Alex anu ba bitawan mo nga ako!"
"Eh kung ayoko may magagawa ka?!"
"Meron!!"
"Sige anu?!"
"Una hahablotin ko yung kamay ko tapos..."
Nahablot ko sa wakas yung kamay ko.
"...tatakbo ako palayo sayo!!!"
Tumakbo ako palayo. Pero hindi ako nakalayo. Hulaan niyo kung bakit. Niyakap niya agad ako. I didn't see that one coming.
"Alex..."
"Please ngayon lang pagbigyan mo na ko. Ngayon lang ako hihingi ng ganitong kalaking favor sayo. Please pagbigyan mo na ko."
Inaaamin ko eto na ang pinakawierd na nasabi ni Alex sa buong pagsasama namin. Si Alex ba talaga toh? bakit hindi ako makagalaw ?! huhuhu.. Puso ko ang lakas ng tibok. Shitness anu ba naman tong puso ko!!
Nakapatong ang ulo ni Alex sa balikat ko. Bhala na nga kung anung mangyari.
*end of flashback*
Nauwi sa pagsama sa kanya. pero grabe ang wierd niya ngayon ah. may payakap yakap effect kapa. sa tuwing natatandaan ko yun hindi mapigilan nung puso ko ang tumibok na mabilis. Baka mamaya may kung ano na kong maramdaman dito sa bestfriend ko. OH NO!! This is a disaster!
"Cath?"
"Hmm?"
"May gusto kaba kay Dennis?"
Napatingin ako sa kanya pero kahit nakatagilid siya hindi ko mabasa yung reaction nung muhka niya. Sasagutin ko ba o hindi?
"Silence means yes, Cath."
"Bakit mo ba natanong?"
"Wala lang."
"Anu kaya yun."
Nakita ko siyang ngumiti. Bakit parang iba yung ngiti niya. Parang nakakaloko. Tatahimik na nga lang ako. Actually kanina pa kami nasa daan at hindi ko alam kung saan kami pupunta.
"San ba tayo pupunta?" kakasabi ko lang na tatahimik ako eh.
"Basta!"
"Nagtatanong lang ako galit agad."
Hindi siya sumagot. humarap na lang ako sa harap at this time hindi na talaga ako magsasalita.
After ng mga ilang oras nakarating din kami sa pupuntahan namin. Ten ang uwian namin 11:30 kami umalis ng school at ngayon 12:20 na. Dito lang kami pupunta?!
"Kakain muna tayo."
"Alex sagutin mo nga ako san ba talaga tayo pupunta? Yung matino ah."
"Hindi ba pwedeng pumasok muna tayo sa loob at doon tayo magusap?"
"Hindi sagutin mo ko ngayon na."
Umiling siya at lumapit sakin at saka ako hinila papasok. Ilang beses na ko hinihila nito ah. Hindi ba siya nagsasawa kakahila? Nakahanap agad kami ng mauupuan.
BINABASA MO ANG
We belong together??
Fiksi Remajakapag ba naging karelasyon mo ang kaibigang sobrang lapit sayo kaya ko kayang patunayan na kahit anung mangyari...you will still be belong to each other??