chapter 21: problems all the way..

73 0 0
                                    

Chapter 21

5:00 am 

*ring ring!* 

Umaga na?! Parang kakatulog ko lang ah. Biglang may kumakatok na sa pinto ko. Hindi pa rin ako tumayo. INaantok pa ko eh. Bumukas yung pinto. May tumabi sakin. Shempre alam ko na kung sino.

"Mahal gising na 5 na oh."

"Bakit ang aga mo naman?"

"Kasi i want to make sure na hindi ka malalate ng gising."

"Kailangan pa ba yun?"

"Shempre naman noh. Gising na dali."

"Inaantok pa ko mahal eh."

"IIwan kita. Mauuna na ko sa school. Bye."

Tumayo siyang bigla sa higaan at narinig ko yung pinto dahan dahang bumubukas.

"Eto na! Eto na tatayo na." sabi ko.

"Hopia! Saglit lang." 

NIyakap niya ko. Nagsmile siya sakin.

"Good Morning kiss ko?" nagpout siya.

"Maya na hindi pa ko nagtotoothbrush. Hindi pa nga ako naghihilamos eh."

"Cheeks lang. Dali."

Cheeks lang pala eh. KIniss ko sa cheeks. Pero imbis na sa cheeks tumama yung labi ko sa labi niya tumama.

"Mahal youre cheating! Sabi mo cheeks lang." sabi ko.

"Hehehe"

"Daya mo ah!"

Hinampas ko yung braso niya. Naligo na ko. Bumaba naman na siya kaya mabilis na kong nakapagbihis ng uniform. BUmaba agad ako pagkaayos ko sa sarili ko. Andito na pla sila Nathan. Ang aga talaga nambulabog tong si Alex.

"Good morning sis!" bati sakin ni Kuya.

"Good Morning bro!" sabi ko.

"Kumain na kayo. Baka malate kayo sa flag ceremony pagalitan pa kayo ng terror niyong principal."

Maaga nga pla flag ceremony ngayon. First day of school eh. Nasa school na kaya si Carmela? Tagal ko nang hindi nakita yung babaeng yun ah.

Pagkatapos namin kumain. Naghanda na kami para sa pagpasok. Sobrang excited si Gaile pumasok.

"Kuya Alex! Malayo pa ba?" sabi ni gaile.

"Kuya ka ng kuya eh. Ilang months nga lang pagitan natin."

Nagdadrive siya ngaun. Shempre ako ang katabi.

"Mas matanda ka pa rin."

"Anu nga pala section mo gaile?" tanong ko.

"Section 4 yang si Gaile." sabi ni Alex.

"Magkaklase kayo ni Nathan?" tanong ko.

"Hindi ah. Section 2 yang si Gaile." sabi ni Nathan

"Anu ba talaga?" sabi ko.

"Section 2 ako Ate Cath. Classmate ko ata si Leo." sabi ni gaile

"Bakit hindi ka napunta sa section 1?" tanong ni Alex

"Hindi ko reach ang katalinuhan mo Kuya Alex."

"Hindi talaga. Eto lang katabi ko umaabot sa katalinuhan ko eh."

Nginitian niya ko. Nagpapark na kami sa may parking lot ng school. Unang lumabas sina Gaile.

"Mahal, sila na ba?" tanong ko.

"Ewan ko dun sa dalawang yun. Magsasabi naman yun kapag sila na eh."

"Sige na nga. Tara na"

Pumasok kami sa classroom ng magkaholding hands. Tinawag agad ako ni Carmela.

"Bhestie!"

"Oi musta?"

Bumitaw ako kay Alex. Pumunta siya sa classroom ni Gaile. Protective masyado sa pinsan.

"Saan pupunta yun?" tanong ni Carmela.

"Kay Gaile siguro. Langya kang babae ka namiss kita!"

Niyakap ko si Carmela. Sabay na rin dumating si Alex.

"Ilang araw kayong hindi nagkita?" rinig kong tanong ni Alex samin.

"Mga isang linggo din." sabi ni Carmela.

"Baka naman hindi mo na bitawan kamy niyang mahal ko."

"Hindi na talga. Bukas mo na hawakan o kaya mamaya. Namiss ko toh eh." 

"Ang daya ah. Pero sige Pagbibigyan kita ngayon. Kamusta si Leo nga pala."

"Ayun nakahilata sa kama niya maghapon."

"Bakit anu nangyari kay Leo?" tanong ko.

"Nagkatrangkaso nung sabado. Hanggang ngayon Trinatrangkaso pa rin." sabi ni Carmela.

"Bakit anu ba ginawa niya?"

"Nagpagod masyado. Ayun sakit ang inabot. Pero sabi niya medyo okay naman na daw siya. Kaya bukas papasok na daw siya."

"Ahh..."

Buong araw nga hawak ni Carmela kamay ko. Talagang hindi binitawan. Buti na lang at good mood tong si Alex.

"Catherine!" sino?!

Tumalikod ako at nakita ko si Dennis tinatawag ako. Himala buhay papala toh. Ay I mean. Close papala kami. Nalipat kasi sa Section 2 tong si Dennis eh. Paano bumaba ang grade.

"Hi! Musta?"

Alam kong nasa likod ko lang si Alex. At feel na fell ko na nagiiba na ang aura niya. Hinawakan ko ng mahigpit kamay ni Carmela.

"Pakisilip nga si Mahal baka biglang magwala yan." bulong ko kay Carmela.

Sinunod naman niya ko. Bigla siyang bumalik ng tingin sakin.

"Muhkang mainit na ang ulo." sabi ni Carmela.

"Patay!"

Tumingin ako kay Dennis sabay ngiti. Nginitian naman niya ko.

"Ah Dennis sige una na kami."

"Teka sandali may itatanong lang ako."

Hinawakan niya braso ko. Patay na talaga. Tinignan ko si Alex. Pinipigilan na siya ni Nathan lumapit sakin. Hindi kaya ni Nathan si Alex!

"Pwedeng next time na lang? Nagmamadali kasi kami eh."

"Ah ganun ba? Sige. Next time na lang siguro."

Umalis na kami ni Carmela. BUmitaw ako saglit sa kanya. Lumapit ako kay Alex.

"Kalma lang Mahal." sabi ko paglapit ko sa kanya

 Hindi niya ko pinansin. Ay nagtampo agad. Bilis naman magtampo nito. Parang kanina lang eh good mood siya ngayon bad mood na.

"Mahal."

Ayaw niya talaga akong kausapin. Bahala ka nga dyan kung ayaw mo d wag. BUmalik ako sa classroom ng magisa. Nagpaalam naman ako kay Carmela na mauuna na ko. Pumayag naman siya. So tumambay na lang ako sa room. Hindi na rin ako kumain. Nawala na ko sa mood eh.

"Cath?"

Nakatungo ako sa desk ko. Magisa lang ako sa room. Kung sino man yung tumatawag sakin pwedeng wag ngayon WALA AKO SA MOOD!

"Cath."

Naiinis na ko ah. Tumingala ako para tignan kung sino yung nambubulabog sakin. Oh Sh*t!!

"Dennis?!"

--------------------------------------------------

AN: sensya natagalan madaming inasikaso eh. XD 

comments and vote na lang po ^^

We belong together??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon