chapter 11 : i hate being alone!! >.<

83 1 0
                                    

AN: ang bilis kong magupdate noh XD weekends kasi wlang iniwang gawin yung mga prof hehehe....

well enjoy this chaptie :)

---------------------------------------------------------

Chapter 11

ALEX'S POV

It's been 1 week. Anu kaya ginagawa niya? Miss ko na siya. Hay....

"Alex!!!"

"Huh?"

"Dude your spacing out!" sabi ni leonard.

Section 2 siya. Sensya na mahilig talaga kaming magenglish mayaman kasi eh. haha yabang ko. XD

"Oo nga kanina ka pa ganyan." sabi ni Nathan.

Kaibigan ko din tong siraulong to. Section 4 siya. Hindi siya mahilig magaral kaya laging napagiiwanan. 

Anyway nakatambay lang kami sa bahay nila Leo. Naglalaro ng Xbox niya. Nanonood lang ako wala sa mood maglaro eh.

"Alex alm mo tawagan mo na. Hindi yung nagkakaganyan ka." sabi ni leo

"Kaya nga tsaka hindi ba siya nagoopen sa MSN?" sabi ni Nathan.

"Hindi siya nagoopen eh baka walang internet. Iba gamit niyang number dun."

"Edi humanap ka ng paraan. Wag lang yung gusto mong sumunod."

"Bakit? Pwedeng pwede naman akong sumunod ah."

"Sira ka ba?! Ayaw nga niyang sumunod ka di ba?"

Si Leo talaga oh! Parang mas matalino pa sakin. 

"Baka manlalalaki kaya ayaw kang pasunurin."

Parehas naming binatukan si Nathan. Kung pwede nga lang sapakin eh.

"Siraulo ka Nathan! Magirlfriend ka na nga!" sabi ni Leo.

"Kailangan talaga maggirlfriend para maintindihan?!"

"OO!!" sabay naming sabi ni Leo.

Biglang may nagdoorbell. Tatayo na sana si Leo. Pero...

"Ako na!" sabi ko.

"Okay."

Tinuloy lang nila yung nilalaro nila. Si Carmela lang pala. Si Carmela gf ni Leo. 

"Hi!" sabi niya

"Hello!" sabi ko.

"Si Leo?"

"Andun naglalaro kasama si Nathan. Pasok ka."

Pumasok siya sa loob. Sabay kaming pumunta sa living room nila. Serious sa paglalro sila Nathan nang....

"Babe!!" sabi ni Carmela.

Napalingon si Leo at nanlaki ang mata. Hindi expected? Haha lagot  kang bata ka. XD

"Babe? Bakit ka nandito?"

"May batas na ba na bawal kitang dalawin? Tsaka bakit ka naglalaro?"

"Anu ako may sakit para dalawin? Bakit masama bakasyon naman ah."

Akala ko pa naman mabait na boyfrend tong si Leo yun pala may pagkapasaway din minsan.

"Ah ganun? Sige alis na lang ako."

"Babe! Babe! Joke lang. Eto naman."

Huhuhu ang sweet nila. Naiinggit ako. T.T Sana andito na lang siya. Lalo ko siyang namimiss. T.T

"Nga pala. Alex tumawag sakin si Cath. Magonline ka daw ng 4 pm today."

Si Cath tumawag? Paanong nalaman ni Carmela number niya? Tsaka bakit siya ang tatawagan ni Cath.

"Alam mo number niya?!" sabi ko.

"Malamang! Kakasabi ko lang tumawag d ba? Hindi mo daw kasi sinasagot tawag niya kaya ako na lang tinawagan niya."

"Eh wala naman akong narereceive na tawag mula sa kanya eh. Tsaka d ba new number niya dun?"

"Oo nga. Kanina lang tumawag sakin si Cath. Dala mo ba phone mo?"

"Oo naman."

"Tignan mo kaya."

Tinignan ko yng phone ko. Wow! 5 missed calls from unknown number. Siya kaya toh. May text pa eh. 

To : Mr. Seloso

Ayaw mong sagutin yung tawag ko T.T how sad naman...

Anyway Hon magonline ka mamayang 4 pm hah.. wait kita...I love you...

From: Cath

Siya nga! Bakit hindi ko naririnig yung phone ko nung tumatawag siya? BUmalik na sa paglalaro sina Nathan. Tinuturuan ni Leo si Carmela maglaro. Huhuhuhu T.T Naiingit talaga ako. Kailan kaya siya babalik dito.

Medyo nasa mood na ko at nakipaglaro sa kanila. Ang tagal ng oras 8 pa lang ng umaga eh. Sana mag 4 na gusto ko nang kausapin si Cath. Sobrang miss ko na siya.

---------------------------------------------------------------

AN: ang ikli niya..sorry po writer's block na po ako eh.. anyway thanks for reading ^^

comment and vote na lang po kayo...chalamat ^^

We belong together??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon