AN: Salamt sa nagbabasa nitong story ^^ I appreciate your effort to read this. XD
Well enjoy this next chapter :))
---------------------------------------------------
Chapter 9
After ng tatlong araw naming bakasyon ni Alex. Umuwi din kami. Nakalipas na din ng isang linggo. Nakalipat na rin sila Alex. Pero lagi naman nasa bahay namin. Namabobola pa nga minsan eh. XD
Anyway 1 araw na lang pupunta na kami sa Australia. Si Alex nandito nanaman sa bahay. Alam na ng parents namin yung relationship namin. Pati mga friends namin. Nagulat nga si Carmela na kami na eh.
*flashback*
"Seryoso!!! Kayo na?!" sabi niya.
"Grabe ang lakas ng boses mo. Pwedeng hinaan. Hindi ka naman siguro galit noh kasi ako yung pinili ng man of your dreams mo."
"Baliw ka ba?! Bakit ako magagalit? Ang tagal ko kayang pinagdasal na maging kayo. Ayoko kay Dennis. Playboy yun tsaka hindi kayo bagay."
*end of flashback*
Nakakatuwa talaga yung sinabi niyang yun. Parang botong boto siya kay Alex.
"Hon! Saan mo gustong pumunta ngayon?"
Since nung sinabihan ko siya ng i love you eh yun na ang tinawag niya sakin. Kilig naman ako. EEEE!!!
"Hindi ba tayo tutulong maghanda para sa party mamaya?" Tanong ko
"Sabi ng mommy mo sakin eh ilabas na lang muna daw kita ngayong umaga tapos mamayang gabi na lang daw tayo bumalik. Yung oras ng Party tayo babalik."
"Ahh...edi sa bahay niyo na lang muna tayo. Ayokong gumala ngayon eh."
"Bakit? Wala ka sa mood?"
"Parang ganun na nga."
"Hmmm....Tara MOA na lang tayo."
Makulit talaga tong lalaking toh. Wala nga ako sa mood eh. Nakahiga ako sa higaan ko at kakatapos lang namin magimpake ng gamit ko. Tinulungan niya ko.
"Hon! Ligo na! Susumbong kita."
Hala! Asal bata talaga tong lalaking toh. Tinayo niya ko sa higaan ko then bigla niya kong kiniss. Peck lang naman sa lips. Shitness!! Namumula ata ako. >.<
"Haha. You're face is red."
"It's your fault kissing me so suddenly!"
"Hey don't get mad at me. Go take a shower at I will take my shower at your brother's room."
KUmuha ako ng damit ko at naligo na. After nun nagpaalam kami sa parents ko. Kumain kami ng lunch sa MOA at nanood ng sine tapos pumunta sa bahay nila. Buti na lang walang tao. Nakakatakot pamilya nitong si Alex eh.
"Asan sila?"
"Ewan ko. Bayaan mo na sila ang mahalaga kasama pa kita."
At dahil dun naalala ko na malapit na pala ako mawalay sa kanya. Napahawak ako ng mahigpit sa kamay niya. Napatungo na rin ako.
"Oh bakit?"
Umiling ako. PInipigilan ko yung mga luha ko sa pagtulo. Ayokong malayo sa kanya. Sino na ang magaalaga sa Mr. Seloso ko pag wala na ko. T.T
"Hon? Okay ka lang?"
Nasa kwarto na niya kami. Tumango ako. Pero sa loob loob ko hindi ako okay. Parang feeling ko part ng buhay ko ang mawawala kapag pumunta ako sa Australia. Bigla niya kong niyakap. Nahalata na ba ako?
"Wag ka nang malungkot. Kaya nga we spend together this day d ba? Hindi naman kita ipagpapalit sa ibang babae eh. Kahit gaano pa sila kaganda hindi na matatanggal pangalan mo sa puso ko."
"Alex naman eh! Pinapaiyak mo ko eh."
"oh sige na hindi na. Wag ka na kasing malungkot. Smile ka na dali."
Nagsmile ako. Pero naramdaman kong may tumulong luha sa cheeks ko. Ayan hindi ko tuloy napigilan. Umiiyak na ko. Nakaupo na kami ni Alex sa kama niya.
"Sabi sayo wag kang malulungkot eh. Alam mo namang ayokong umiiyak ka eh."
"Hindi ko na mapigilan eh. Mamimiss kasi kita eh."
"Tingin mo ba hindi kita mamimiss. Alam ko Cath Ikaw lang ang babaeng magpapaiyak sakin kung sakali...pero alam mo gusto kitang pigilan sa pagpunta pero decision ng parents mo yan eh."
Pinunasan niya yung luha ko. Nakasmile siya. Hinalikan niya yung noo ko.
"Matulog ka muna. gisingin na lang kita kapag aalis na tayo."
Nagnod na lang ako sa kanya. Nahiga ako sa kama niya. Pumunta naman siya computer niya at naglaro. Makatulog ako saglit. Pagkagising sakin ni Alex. Pinagshower niya muna ako. May dala siyang damit ko. Yung damit kong susuutin para sa party.
After kong magshower. Umalis na kami. Wala pa ring tao sa bahay nila. Pagdating namin sa bahay Sinalubong ako ni Carmela.
"Bhestie!!!"
Sabay yakap sakin ng mahigpit na halos na hindi na ko makahinga. Nagbitawan niya ko ang sabi ko...
"Carmela naghihysterical ka nanaman."
"Eh mamimiss kita eh. Hindi kana ba talaga pwedeng pigilan? Alex Napigilan mo na toh?"
"Oo eh. Ilang beses na. Pati nga magulang niya kinukulit ko na eh. Hindi pa rin pwede." sabi niya.
Tumingin ako sa kanya. Nagwink siya sakin tapos nagsmile. Magkahawak kami ng kamay. Lahat ng friend ko pumunta dun including Dennis. Nagalit nga sakin si Alex eh.
"Wag mo akong ipagpapalit ah." sabi niya habang kumakain kami.
"May papalit ba sayo? Ikaw lang naman mahal ko ah..."
"Sa ngayon oo paano kapag...."
"Hon...Don't worry too much my heart only belongs to you and only you can have it."
Nagsmile ako sa kanya. First time ko siyang tawaging Hon. Nagsmile siya sakin.
"Ang cheesy niyo!! grabe mamatay na ko sa kilig dito!!" sabi ni Carmela.
Panira talga ng moment tong si Carmela. Grabe mamimiss ko silang lahat. Lalong lalo na siya. Tumingin ako sa kanya. Nakasmile pa rin siya sakin.. Hawak niya pa rin yung kamay ko. Napasmile ako dahil dun.
"I love you." bulog niya sakin.
"I love you more Alex."
Para kaming bagong kasal kasi nagkiss kami sa harap ng mga kaibigan namin. Nangaasar naman sila. Isa pa daw?!
"Isa pa dali!!" sabi ni Nathan
"Siraulo ka Nathan!" sabi ni Alex.
Nagtawanan kami. Nang matapos yung party. Dito muna sa bahay matutlog si Alex. Maaga ang alis namin Bukas eh. 12:00 nn ang alis namin. Ihahatid niya ko. Ayoko ko pang umalis!! Lord please take care of Alex while im not at his side.
--------------------------------------------------------
AN: salamat sa mga readers ko ^^ Sorry maikli yung update tsaka magulo yaan niyo bawi ako sa next update ^^
comment na lang po and vote na rin....mamats marami XD ^^
BINABASA MO ANG
We belong together??
Teen Fictionkapag ba naging karelasyon mo ang kaibigang sobrang lapit sayo kaya ko kayang patunayan na kahit anung mangyari...you will still be belong to each other??