chapter 7: basta yun na yun! >.<

113 1 0
                                    

AN: expect niyo po na hindi ako magaaraw araw ng update damiing gawain sa school eh ^^

well anyway just enjoy this chapter ^^

--------------------------------------------------

Chapter 7

Nakababad pa rin kami sa tubig dagat. Grabe nilalamig na ko! Pero okay lang. Hindi ko iiwan magisa si Cath dito.

Walang nagsasalita samin dalawa. Anu ba! Sasabihin ko na ba? Sandali hihinga muna ko. Yung pinakamalalim ng mawala yung kaba ko. Game!

"Uhmm...Cath....Ahon na tayo baka magkasakit ka pa ng di oras."

Anak ng!! Hindi ko masabi! Pero totoo naman eh kung magiistay pa kami dito ng matagal baka bukas magkalagnat pa kami at hindi makauwi.

Nakaluhod kami kaming parehas sa ilalim ng tubig. So hinanap ko yung kamay niya tsaka ako tumayo. Tinulungan ko siyang tumayo. Parang nanghihina siya. huhuhu... Nacoconsensya na ko T.T.

Umalis kami na magkahawak ang kamay. Ako lang ang nakahawak siya parang ayaw gumalaw na napipilitan lang kasi hinihila ko siya. Pagbalik namin sa room namin. Pianaupo ko siya sa may toilet bowl. Binaba ko muna yung takip nito tsaka ko siya pinaupo. Nakatungo pa rin siya. Hay....

I can't do this anymore. Inangat ko yung muhka tapos binigyan ko siya ng peck. Nagulat ako nung bigla niya kong tinulak pagkatapos ko siyang bigyan ng simpleng halik. Saan? Sa lips. XD

Nakita ko yung titig niya parang gusto niya kong bugbugin pero nanghihina siya. Sa mga mata niya kitang kita yung paglalito. Hay...

"Cath...Sorry dun sa mga nagawa ko...Hindi muna ako nagiisip e. PInangungunahan ako nung bugso nung damdamin ko."

Nakatitig pa rin siya sakin. Parang iiyak na siya. OH NO! Please wag kang iiyak. Bakit ka ba umiiyak? Grabe sumasakit dibdib ko!

"Please wag kang iiyak. I can't stand to see you cry."

"And why is that?" her voice is shaking. T.T

"Because....I....I...love you."

Napatungo na ko. Ang hirap magconfess. Grabe puso ko lakas ng tibok. Kaba ba to o yung nararamdaman ko?

"W-What?"

Pinaulit pa! I'll say it a thousand more for you to understand. Tumingin ako sa kanya at inipon ang lakas ng loob.

"Catherine Mikaela Garcia Santos. I love you."

Gulat na gulat yung tingin niya sakin. Nawala na yung kaba ko pero yung tibok ng puso ko ganun pa rin. I'll explain.

"Cath alam kong it's so sudden. Pero you're now 18 years old. Sasabihin ko na ang lahat sayo. You need to know."

"........"

"Alam mo ba yung ginagawa mo sakin?"

Kinuha ko yung kamay niya at tinapat ko sa puso ko. Sa reaction niya kitang kitang gulat na gulat siya.

"Ang totoo lang hindi ako kinakabahan eh. Alam mo bang yan ang nararamdaman ko sa tuwing magkasama tayo. Kagabi alam kong nagalit ka dahil nakainom ako at hinila kita. Yun ang ginawa ng selos. Minsan gusto kong laklakin yung buong bar ng mawala yung pagkaseloso ko pero hindi eh. Bakit ka ba kay Dennis  ka nagkagusto? Ako ang laging nasa tabi mo ah...Bakit siya? Bakit hindi ako?"

Shitness! Bakit parang iiyak na ko! 

"Cath...Siya ba talaga? Okay lang naman sakin eh." Tanga! Anung okay dun!

Naku Alex! Magpakatotoo ka nga! Argh!!!! Nasabi ko na yung gusto kong sabihin pero bakit hindi pa rin ako mapakale. Hay...

Tumayo na ako at kinuhanan ko ng damit si Cath nilagay ko sa lavatory tapos lumabas ulit. humiga na lang ako sa higaan ko. Gusto kong umiyak, magwala, suntukin yung pader iuntog sarili ko. Dennis bakit ikaw pa ang napili niya?! Bakit hindi ako? Anu bang meron ka na wala ako? Argh!!! This is so frustrating!

After several minutes nakatulog na pala ako ng hindi ko namamalayan. Putcha! Hindi pa pala ako naliligo! Tumayo agad ako sa hingaan.

@.@<-----itsura ko pagtayo.

Shitness!! Nahihilo ako. Kumuha ako ng damit ko tapos dumiretso sa cr. Wala na si Cath. Nasa labas na siguro siya. Pagakatapos kong maligo binuksan ko yung tv. It's already ten 0'clock am. Ihahanda ko pa ba yung mga foods? tinignan ko yung ref. Teka parang nangonti ata tong pinamili ko.

Then bumukas yung pinto ang nakita ko si Cath. Nakangiti. Carefree. Parang walang nangyari samin kanina. Which means na wala siyang pakielam? HUHUHU T.T Siya pa rin ang pinili niya. Si Dennis pa rin. T.T

BUmalik na lang ako sa higaan ko. Hindi kasi maganda pakiramadam ko. Parang feeling ko sinisinat ako. At yun na nga may sakit na ako. Sino ba kasi hindi magkakaskit sa ginawa ko nagpatuyo ako eh basang basa ako kanina.

Nahihilo pa rin ako. Paano ko naman maeenjoy tong bakasyon na toh. May sakit na ko. Galit pa sakin yung babaeng mahal ko. Can i enjoy this trip with that kind of problems! T.T I'm so desprate. Sigh.

Nakapikit ako nang may biglang humawak sa noo ko. At dahil dun napadilat ako. Si Cath hinahawakan yung noo ko. Napatingin siya sakin. Tapos bigla siyang ngumiti. Lalo akong naiinlove sa ginagawa niya.

"May sinat kana. Nagpatuyo ka kasi eh." sabi niya.

Putcha! Wala nanaman akong masabi! May double personality pa naman ako kapag may sakit ako. Patay ka sakin Cath. >:)

"Pinabayaan mo ko kanina eh."

"Ako pa talaga noh?! Sino ba yung umamin at humalik sakin?!"

At dahil dun nagvanish ang double personality ko. Bumalik yung dating ako. Nagiba yung tibok ng puso ko. Grabe parang hinahabol ng kabayo puso ko.

"Siya pa rin ba? Si Dennis pa rin ba gusto mo?"

"Ayan ka nanaman eh. Asking me a question like that won't change you're condition."

"But it will change the way i feel for you."

"Dennis is just my crush. Not other than that. I don't like him."

"Then who?"

Natahimik kaming parehas. Pero nakasmile pa rin siya. What's the meaning of that smile? Nakatitigan. Bigla siya lumapit at may binulong sakin.

"Siguro ikaw."

HOLY MACARONI!!!! Totoo ba itong naririnig ko? Hindi ba ko nanaginip. Sana hindi. Bigla siya lumayo ulit at may kinuha sa ref. Kunuha siya ng isang vodka. Iinom siya?!

"Hep hep!!" sabi ko.

"Bakit?"

"Nakailan ka na niyan?"

Tinuturo ko yung vodkang hawak niya. Nagsmile siya ulit. Tumingin sakin.

"Una ko pa lang po toh Mr. Seloso. Labas ka na lang pagkaya mong gumalaw. May gamot dyan sa ref uminom ka na baka hindi pa tayo makauwi bukas."

Tapos lumabas na siya. Ako masunuring bata. Uminom ako ng gamot at sinundan siya. Grabe para akong tanga nung sinabi kong nagseselos ako. Pero this is a dream came true. Sana totoo itong mga nangyayari.

------------------------------------------------------

AN: bwahahaha!! XD makulet akong writer. XD sabi ng kapatid ko panget daw pag tagalog sinusulat ko. sa english daw ako magaling kaya hinaluaan ko ng english XD

anyway comment na lang po pag may mali at kung may complain..

salamat sa nagbabasa ^^

We belong together??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon