chapter 20: bwal ba maging sweet?

86 0 0
                                    

Chapter 20

CATH'S POV

1 week after that day. Lagi na kong nasa bahay nila. Parang dun na nga ako nakatira eh. At ngayong oras na toh papunta ako sa kanila. Sinalubong niya ko sa labas ng bahay nila.

"Mahal!" sabi niya

"Parang ang tagal natin hindi nakita ah." sabi ko.

"May surprise ako sayo."

"What?"

"Sa loob."

Pumasok ako sa loob. Wala naman kasurprise surpeise dito. The same as ever.

"Asan?"

"Sa rooftop."

"Ang layo naman."

"Gusto mo buhatin kita hanggang doon?"

"Wow ah."

At bunihat nga niya ko. Kakahiya! Feeling ko namumula ako. Bigla niya kong binaba sa may second floor. 

"Akala ko ba hanggang rooftop."

"Hanggang dito lang ako Mahal eh."

"Anu bang meron dun?"

"Tignan mo na lang."

Umakyat ako hanggang rooftop. Ang dami ngang signs na 'This way please'. Para akong nawawalang bata. Hanggang sa maabot ko yung last na sign. Kaso hindi na yung tinuturo kung saang direksyon ako pupunta. Ang nakasulat na is.....

"Turn around?" sabi ko.

 Tumalikod naman ako. Pagtalikod ko nakita ko siya may hawak na bulaklak. Ang buong akala ko eh siya. Yun pala si Kuya Walter. Binigay niya sakin tapos may inabot na letter. Binuksan ko yung letter.

To: Mahal ko

Ganda nung flowers noh? Gift ko yan sayo. Ingatan mo mahal yan. Hehehe joke lang po. Anyways Punta ka mamaya sa resto ni mommy. Alam mo naman yun d ba? Tsaka may next destination kapang pupuntahan. Good luck mahal. I love you po. Mua!

From: Mahal mo

PAgkatapos kong basahin yun may binigay pang isang papel si Kuya Walter. Nginitian niya ko tapos umalis na. Binasa ko yung nakasulat.

"Sa kwarto ni Alex?" sabi ko.

Anu kayang meron dun? Bumaba na ko papuntang kwarto ni Alex. BUkas na yung pinto at para nanaman akong naliligaw na bata. Puro sign yung nakikita ko. Atlast nakarating na rin sa kwarto niya.

"Hello Cath!"

"Ate Camille. Anung meron?"

"Hindi nga namin alam eh. Makautos nga yun samin parang mas matanda siya samin."

"Ahahaha..Ganun ba. Asan na siya?"

"Umalis na. Sabi niya sakin. Lagyan daw kita ng light makeup at magshopping tayo ng damit na susuotin mo mamaya sa dinner niyo."

"Ate wala akong pera eh. Anu pangshoshopping ko?"

"Wag kang magalala. BInigyan ako ni Alex ng pera."

"Ang yaman naman nun."

"Kaya nga eh. Gulat din kami. Anu gora na ?"

"Okay."

Umalis na kami ni Ate. After siguro ng 2 hours nakabalik na kami sa bahay nila. Its 6:40 na. I need to be at the resto in 7. Patay ako kay Alex pag nalate ako.

"Ate malalate na ko." sabi ko.

"Wag ka ngang magpanic dyan. Wala pa yung service mo."

"May service ako?"

"Natin. Kasama kami noh."

"Ahhh...akala ko ba kaming dalawa lang ang magdidinner?"

"Paano naman kami?" nagpout.

May pinagmanahan si Alex.

"Eto naman si Ate tampo agad. Asan na ba yung service? Naiinip na ko eh."

"Excited much. Wait ka lang dyan."

Pumunta siya sa kwarto niya at nagayos. Ang bilis nga eh. Within 15 minutes tapos na agad si. Sabay pa nga silang sumundo sakin ni Kuya Walter. Pansin ko lang ah. Kanina pa tahimik si Kuya Walter. Pero nginingitian niya ko. Andyan na yung service namin.

Nung dumating na kami sa resto ni Tita Alice(moomy ni Alex). Nasa may pinto si Tita. Nagiintay samin. Kilala naman niya ko.

"Good Evening po Tita." bati ko.

"Good evening iha. KAmusta ang araw mo?"

"Okay naman po."

"Tara na at naghihintay na si Alex dun."

Pumasok na kami sa loob ng resto. Muhkang kami lang ang kakain ng dinner dun. Si Alex lang ang nakikita kong nakaupo eh. Kumakaway sakin.

Ang gwapo naman nito ngayon. Oh my Gosh kinikilig ako sa itsura niya. Ahahaha. Baliw na ko! XD

"Hello mahal!" sabi niya sakin nung nakalapit na kami sa kanya.

Nginitian ko lang siya. Wala na kong masabi eh. Hindi ko naman kung paano ko siya papasalamatan sa magandang araw na binigay niya. Tumabi na lang ako sa kanya at hinawakan yung kamay niya. Tumingin siya sakin bigla. Nginitian ko lang siya. Ngumiti na rin siya.

"Magtititigan na lang ba kayong dalwa dyan?" sabi ni Kuya Walter.

"Care mo! maghanap ka ng katitigan mo!" sabi ni Alex.

Dinilaan bigla siya ni Alex. Nagasaran nanaman silang dalawa. Nginitian niya ko. Napangiti na rin ako.

After namin kumain ng dinner. Hinatid na ko sa bahay ni Alex. Patay hindi pala ako nagpaalam kay kuya.

"Hi kuya Micheal." sabi niya.

"Kamusta ang dinner?" sabi ni kuya

Paanong alam ni kuya na may dinner kami ngayon. PInagpaalam kaya ako no Alex kanina? Handang handa talga siya.

"Kuya pasok kana sa loob sunod na ko."

"Sige. Wag kang magpatagal dyan. May pasok na kayo bukas."

Oo nga pla. Its our last year in high school. Kaya pala nagdinner kami ngayon with his family. Tumingin ako sa kanya.

"Good night na po Mahal." sabi ko.

"Kiss ko muna."

KIniss ko siya sa cheeks. 

"Bakit cheeks lang d ba pwedeng lips?"

Ang demanding niya pero pagbibigyan ko na. He made my day perfect. Kiniss ko siya sa lips. Smack lang.

"OKay na?" sabi ko ng nakasmile.

Nagthumbs up siya.

"Thanks for the day Mahal. I love you po."

"Para sayo gagawin kong lahat makita lang yung ngiti mo. I love you more. Good night. Sunduin kita bukas ah."

"Okay po."

Binigyan niya ko ng hug at kiss sa noo. Then umalis na siya. Pumasok na rin ako sa loob ng bahay. Hindi ko alam andun pala si Ate Hazel.

"Hi ate!" sabi ko.

Tinignan lang niya ko. Nakakatakot siya tumingin ah. So umakyat na lang ako sa kwarto ko. May war siguro. Tinignan ko yung phone ko. Nagtext si Alex.

To: Mahal ko

good night mahal. sweet dreams. sasabay nga pala si gaile at nathan satin bukas. okay lang ba sayo? i love you po.

From: mahal mo

Okay lang naman sakin. Wala akong pangreply kasi wala akong load. Ubos na eh. XD Natulog na ko. Sana maging okay ang araw namin bukas.

---------------------------------------------------------

AN: sorry sobrang tagl nung update hinahabol ko yung deadline nung mga plates ko eh XD summer na mga dre!! miming na!! XD

thanks for reading it....comments and votes na lang po :)

We belong together??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon