AN: heto ka naman kumakatok saking pintuan muling naghahanp ng makakausap...ahahaha kumanta XD im damn crazy!! XD update update din XD
enjoy this boring chaptie XD
----------------------------------------------------------
Chapter 16
"Hoy! NArinig mo ba ko?"
"Huh?"
Anu ba naman tong si Alex hindi ako pinapakinggan.
"Ang sabi ko. Anung gagawin natin sa MOA."
"Ahh...Magbobowling daw sabi ni ate. Bakit may iba ka bang gustong gawin?"
"Meron."
"Anu?"
"Umuwi at matulog."
Hindi na siya sumagot pero hindi nagiba yung tinatahak namin na daan. So it means na tuloy pa rin ang gala. Hay bukas hindi na ko makakatayo sa higaan ko.
Dumating kami at nandun na silang lahat. May kausap si Nathan na girl at medyo hawig ng ate ni Alex. Siya kaya si Gaile.
"Kuya Alex!!" tawag nung babae.
"Kuya ka dyan buwan lang tanda ko sayo noh."
"Kahit na matanda ka pa rin sakin."
Dinilaan niya si Alex. Kuha din ang pagkaisip bata. XD Si Gaile kaya yun? Hinawakan ni Alex yung kamay ko ng mahigpit. Tumingin ako sa kanya.
"Bakit?" sabi ko.
"Wala..Akala ko kasi nagseselos ka nanaman. Tahimik mo eh."
Kasalukuyang papalapit kami sa mga kapatid niya.
"Bakit ako magtatampo? Pagod lang ako kaya ako tahimik."
"Hi, Cath!" bati sakin ng ate niya.
"Hello po." nakangiting sagot ko.
"Hope you dont mind na isama ka sa gala namin ngayon."
"Ahh..hindi po okay lang..namiss ko naman po si Alex kaya sure ako mageenjoy ako."
"Good. So tara na?"
"Gora na tayo Ate Camille!" sabi nung girl.
Hindi pa ko sure kung si Gaile to ayaw naman pakilala ni Alex eh.
"Psst!! Insan lika dito." tawag ng kuya ni Alex dun sa girl.
Lumapit samin yung girl. Inakbayan siya ng kuya ni Alex.
"Cath, pinsan namin si Gaile." pakilala ni Kuya Walter.
"Ah hi. Abegail Samantha Valencia. Sorry kung dahil sakin nagaway kayo ni kuya Alex."
Polite naman pala eh. Sweet niya ah.
"Okay lang. Ayos naman na kami eh."
"Good. Kaya ikaw Kuya Alex. Magtino kana!"
Biglang takbo kela Nathan. Type niya si Nathan? Ang cute nilang tignan.
"Hon.."
Tumingin ako sa kanya. Sinundan ko kasi ng tingin si Gaile eh. Ang cute niya kasi eh. >.<
"Oh?"
"Tara na. Iniiwan na nila tayo oh."
Tinuro niya yung mga kasama namin. Oo nga naiiwan na kami so lumakad na ko. Nakarating na kami sa bowling center. Nagintay muna kami ng ilang minutes bago makapagbowling.
BINABASA MO ANG
We belong together??
Novela Juvenilkapag ba naging karelasyon mo ang kaibigang sobrang lapit sayo kaya ko kayang patunayan na kahit anung mangyari...you will still be belong to each other??