AN: bilis ko magupdate... XD sinipag eh.. XD
well enjoy this chaptie na lang. XD
--------------------------------------------------------
Chapter 13
Araw araw na kaming naguusap ni Cath sa phone tsaka skype. Ngaun may pinuntahan daw sila kaya hindi kami makakapagusap ngaun. Miss ko na siya T.T
"Hoy!! Bro!!" tawag ng kuya ko sakin.
"Anu?"
Nagkataong lumabas din kaming magkakapatid. Wala lang. Trip lang namin lumabas.
"Tulala ka. Iniisip mo nanaman si Cath. Anu nga pala papanoorin natin?" sabi ni kuya
"Hay naku... Kung wala naman kayo mapili wag na lang tayo manood. Magbowling na lang tayo." sabi ni ate.
"Sige ba!"
"Wala talo na tayo ate."
Bowling kasi ang sports ni kuya. Si ate naman billiards. Oh ha! Astigin ang aking mga kapatid. Hahaha. XD
"D yan. pumapalya din yan. Hahaha." sabi ni ate
"Korek!"
"Hala! Lagot ka kay Cath." sabi ni kuya
"Bakit naman?!"
"Buminigay ka na Bro!!"
"Siraulo!!"
Pumunta kami sa bowling center. Nagbilliards muna kami ng 1 oras tsaka kami nagbowling. Akalain mo natalo ko ate ko sa billiards. Galing ko noh. XD
"Alex turn mo na." sabi ni ate.
Pagod na ko. Gutom na pati. After namin maglaro kumain na kami tsaka umuwi. May sleepover ngaun sa bahay namin. Kaya kailangang umuwi ng maaga.
Habang pauwi kami si ate nakatulog tapos kaming dalawa na lang ni kuya ang gising. Nasa may passenger seat ako.
"Alex...Mahal mo ba talaga si Cath?"
"Bakit? May balak kang ligawan?"
"Grabe kung makaassume. Shempre hindi noh. Hindi ako pumapatol sa bata."
"Yabang!"
"Sagutin mo na lang tanong ko."
"Isa lang naman sagot din eh."
Ngumiti siya. Pagdating namin sa bahay nandun na si Mommy. Pati na rin sila Leo.
"Leo!" sabi ni kuya.
"Oy!! Kuya Walter. Musta?"
"Eto...."
I dont like eavesdropping. Pumunta ako kay mommy at kumiss sa pisngi. Grabe napagod ako sa gala namin magkakapatid ah.
"Dude! Tumawag na ba sayo si Cath?" sabi ni Nathan
"Hindi pa bakit mo natanong?"
Tumingin siya kay Carmela. Nakangiti. Okay ang wierd ng mga tao ngayon. Anung meron?
"Tumawag sakin si Cath kanina eh." Sabi ni Carmela.
Nanaman? Bakit lagi na lang si Carmela ang tinatawagan nung babaeng yun. Ako ang boyfriand d ba? Argh!!
"Anung sabi?" trying to be calm.
"Sorry daw at hindi siya makatawag sayo."
"At ikaw ang nagawa niyang tawagan."
"Eto naman galit agad. Hindi ka daw niya mareach."
Tinignan ko yung cp ko. Ang tanga ko. Lowbat na pala phone ko. Ang boggarts. >.<
"Kumain na ba kayo?" tanong ni mommy.
"Kami ni Alex kumain na po." sabi ni ate.
"Pero Ma kung ikaw ang magluluto baka kumain uli ako." sabi ko.
"Hinay hinay lang my dear little brothe baka pagbalik ni Cath hindi ka niya makilala." sabi ni kuya.
"Ang yabang!! Parang ikaw halos ubusin mo na nga yung inorder natin sa resto kanina."
Nagtawanan kaming lahat. Laging talo sakin si kuya sa barahan. Si mommy nga yung nagluto so kumain ako ng konti. Pagkatapos nun Umakyat na kami sa kwarto ko. Malaki naman yung kwarto ko kaya nagkasya kaming lahat.
"Bakit ganun mas malaki ang kwarto mo sa kwarto ko?" sabi ni kuya.
"Kasi bunso ako."
"Ganun?"
"Oo ganun na ganun. teka lang bakit ka nasa kwarto ko, dun ka sa iyo."
"Oo na!"
Umalis na siya. Naiwan na kaming magkakaibigan. Chinarge ko na yung phone ko baka kasi tumawag nanaman si Cath sakin eh. Kahit alam kong 11 na dun.
"Anu nga pala sabi ni Cath?" tanong ko kay Carmela.
"Something about sa paguwi niya."
Sa paguwi niya? Bakit naman niya paguusapan yun?
"Oh? Anung meron?"
"Muhakng mapapaga daw sila ng uwi."
"Bakit?"
---------------------------------------------------------
AN: sorry kung walng cast yung story wala pa kong mahanap eh XD hanap niyo ko. :)
anyway thanks sa pagbasa ^^
comment and vote na lang po kayo ^^ mamats!! ^^
BINABASA MO ANG
We belong together??
Teen Fictionkapag ba naging karelasyon mo ang kaibigang sobrang lapit sayo kaya ko kayang patunayan na kahit anung mangyari...you will still be belong to each other??