chapter 17 : stay or go away? T.T

80 0 0
                                    

AN: nais kong malaman niyang nagmamahal ako. yan lang ang nagiisang pangarap ko. gusto ko lang sabihin do ko kayang simulan. pag nagkita kayo pakisabi na lang...ahahaha another lyrics hulaan niyo na lang kung ano XD

well..enjoy po kayo in this chaptie :))

-----------------------------------------------------

Chapter 17

Pagising ko. Wala na yung angel ko sa tabi ko. Saan kaya nagpunta yun? Bumaba ako nakita ko si manang nagluluto ng umagahan.

"Manang si Catherine po?"

"Kakaakyat lang ah. Hindi mo ba nasalubong?"

"Hindi po eh."

"Kakaakyat lang niya. Tignan mo na lang dun sa terrace baka andun."

"Ahh..Sige po. Salamat po."

Bumalik ako sa taas. Dumiretso ako sa terrace nila. Andun nga nakaupo parang may iniisip.

"Mahal?" sabi ko.

Tumingin siya sakin then bigla siya ngumiti. It lightens my day when she smiles. :")

"Good Morning!" sabi niya.

Nagsmile lang ako. Umupo ako sa tabi niya.

"Aga mo ata nagising." sabi niya.

"Nung oras na ba?"

"8 pa lang noh."

"Okay lang yun."

"Ahh..okay."

Bakit parang ang tipid niyang sumagot ngayon. Parang may problema.

"Okay ka lang?" tanong ko.

"Ahh..oo naman."

"Mahal please tell the truth."

Napabuntong hininga siya.

"Lex, tingin mo tatagal tayo?"

Anu daw?! Totoo ba tong nangyayari?!

"Shempre tatagal tayo, bakit nagdadalawang isip kana ba sating dalawa?"

"Hindi naman sa ganun.."

"Eh bakit mo tinatanong?"

"Nanaginip kasi ako kagabi tungkol sating dalawa."

"Mahal panaginip lang yun. Hinding hindi mangyayari yun."

"It seems so real for me."

Tumingin ako sa kanya. Nakatingin siya sa harap. Bakit ka hindi tumitingin sakin? Tumingin ka naman please.

"Cath..."

 Tumingin siya sakin. Bakit malungkot siya? Bakit siya nagkakaganyan? Nagigiveup na ba sa relationship namin?

"Hindi mo na ba kaya?" tanong ko.

"Hindi ko alam Alex."

"Anung hindi mo alam?! Alam kong naguguluhan ka lang Cath."

"OO naguguluhan ako! Hindi ko naman talaga gusto ang maging tayo!"

Alex kalma lang ha!! Wag na wag kang mangigilgil. Wag ka din sasabog kahit anung mangyari.

"Alex sorry mali ata yung nasabi ko."

Mali mo muhka mo!! Tumayo ako at pumasok sa loob ng bahay nila. Bhala ka dyan!

CATH'S POV

Shitness!!! Bakit ba ko ganto! Because of that stupid dream nagkakaganito na ko. Kasalukuyang hinahabol ko si Alex.

"Lex! Wait lang!"

Hindi niya ko pinapansin! Anu ba!

"Alexander! Teka lang naman kasi! Hindi ko naman sinasadyang sabihin yung mga word na yun eh."

"It seems like you do."

Palabas na siya ng bahay. Hinawakan ko yung braso niya.

"Please can we at least talk for a while."

"Do we need to?!"

"Please naman oh."

"Anung meron dito?" Kuya wrong timing ka.

Tinignan ko lang siya. Tinanggal niya yung kamay ko sa braso niya tsaka siya lumabas. Hindi na ko makatakbo para habulin siya. Nanghihina ako. Kuya kasi eh!!

"May war?"

Hindi ko siya pinansin. Tumakbo ako papunta sa kwarto ko. Dun ako umiyak ng todong todo. Hindi ko kaya toh!! Halos buong araw din akong hindi lumabas. Dapat mageenroll ako ngaun pero sabi ni kuya siya na daw bahala sa enrollment ko.

"Anu ba kasi ang nagyari?"

Kasama ko si Carmela ngayon. Tinawag siya ni kuya para sakin.

"Naguluhan ako. May nasabi akong hindi maganda at yun nagalit siya."

"Anu ba yung nasabi mo?"

"Ayoko nang sabihin lalo lang ako nadedepressed eh."

"Bakit mo kasi nasabi yung hindi mo dapt nasabi?"

"Ewan ko..Hindi ko alam na masasabi ko yun pero I swear hindi ko sinasadya yung masabi ko yun."

"Mahal mo pa ba?"

"Oo naman."

"Yung totoo."

Tumingin ako sa kanya. Madali ba kong mabasa ngayon? Mahal ko naman si Alex ah. Anung sinasabi nitong totoo?

"Catherine. Anu? Mahal mo pa ba?"

--------------------------------------------

AN: sorry sobrang tagal kong hindi nagupdate..tagalan ko pa next tym hehe joke lang po ^^

Comments and vote na lang po kayo.

Thanks !! ^^

We belong together??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon