AN: still on Nate and Gaile story...bukas na sila Cath XD
enjoy! (^_^)
-------------------------------------------------------------------------
Chapter 31
Eto na. Umaga na! Haharapin ko na siya. Kaya ko kaya? Bumukas yung pinto ko.
"Ready kana?" tanong ni Cath
"Wait...Anung oras na?"
"5:30 am. Susunduin o siya d ba?"
"Nakakatakot kasi siya eh."
"Ginawa mo namang multo si Gaile. Sige na pumunta kana doon. Andyan na rin naman si Alex."
"Hindi niya kasama si Gaile?"
"Muhka ba?"
Biglang sumulpot si Alex. Alam niya ba? Tinignan ko si Cath. Nagnod lang siya sakin. Sinabi niya na kay Alex. Tumayo ako sa higaan ko.
"I can do this!" sabi ko.
"Para kang bading dre! LUmakad kana baka ihatid na ni Kuya yun."
Umalis na ko at pumunta sa bahay nila. HUminga muna ko at nagdoorbell. Si Gaile naman yung nagbukas.
"Nate? Bakit andito ka?" sabi niya.
"Sabay na tayo pumasok. Tara." sabi ko
Sa totoo lang kinakabahan ako. Baka kung anu nanaman magawa ko sa kanya. Mahirap na.
"Ang aga pa. Pasok ka muna. Kain muna tayo."
"Gaile."
Papasok na kasi siya ulit sa loob. Ako nakatayo sa harap ng gate nila. Nakayuko hindi maintindihan ang nararamdaman.
"Bakit?" sabi niya
"Galit kaba sakin?" sabi ko.
"Wag mo munang isipin yun. Tara kain muna tayo sa loob."
"Teka Gaile. Sagutin mo muna tanong ko."
Hawak ko braso niya. Nakatingin ako sa mata niya. Halata ko naman na hindi siya makatingin sakin ng diretso. HInatak ko siya papalapit sakin. Tsaka ko siya niyakap.
"Gaile. Im sorry kng galit ka. Hindi ko naman expected na mararmdaman ko toh eh. Titiisin ko na lang para sayo. Wag ka lang lalayo."
"Ang tanga mo talaga!!! Nakakainis kana!! Pwede ba Nate. Iwasan mo muna ang pagdadrama mo. Nakakasira ng bait yan!"
Hinigpitan ko yakap ko sa kanya. Hindi ba niya alam seryoso ako sa sinasabi ko! My goodness Gaile!!
"Gaile! Serious ako. Alam mo ikaw lang ang nagparamdam sakin ng ganito."
Hinampas niya braso ko. Ouch!! Napabitaw ako bigla sa kanya. Tinignan ko siya. Hinimas ko yung braso ko.
"Ang bigat ng kamay mo ah!"sabi ko
"D ba sinabi ko sayo wag muna ngayon?! Alin ba dun ang hindi mo maintindihan?! Nate nahihirapan ako! Alam mo ba yun? Ang hirap umiwas kahit gusto ko."
Pumasok na siya sa loob. Sumunod ako. Nakita ko si Ate Camille kasama si Kuya Walter. Kumakain ng breakfast.
"Nate!" tawag ni Kuya Walter.
"Hi. Wait lang Gaile! Magusap naman tayo." sabi ko.
Hinahabol ko kasi si Gaile papunta dun sa kwarto niya. Pinagsaraduhan pa nga niya ko eh.
"Gaile...please..." sabi ko.
"Leave me alone Nate. Hindi ako papasok ngayon." rinig kong sabi niya
BINABASA MO ANG
We belong together??
Teen Fictionkapag ba naging karelasyon mo ang kaibigang sobrang lapit sayo kaya ko kayang patunayan na kahit anung mangyari...you will still be belong to each other??