KABANATA 2

12.3K 268 14
                                    

"Hoy Monica, kanina kapa nakasimangot dyan. May problema ba?" Bulyaw sakin ni Ann. Bumalik ang diwa ko sa katanongan niya. Nandito sila sa shop namin kasama si Bea, Mary at Besty.

"May problema ka ba?" Lumingon ako kay Mary na panay himas sa kanyang tyan. Yumuko ako bago nag-buntong hininga. May problema ba ako? Hindi ko alam kasi para sakin hindi iyon problema dahil past is past.

"Omg! Alam ko na ang problema nang babaeng 'to," pumalakpak si Besty kaya agad kong syang tinignan. "Don't tell us na ibinigay muna ang bataan mo kagabi?" Namilog ang mata ko sa sinabi niya. Panay tawa naman ng tatlo.

"What? Ano bang pinagsasabi mo Besty. Hindi noh, tumigil ka nga." Iwas tingin ko sa kahihiyan. Ramdam na ramdam ko ang awkward sa pagitan naming lahat.


"Oh my ghad," Si Ann sa gulat na tono "Masarap ba? Masakit ba?" Sunod-sunod niyang tanong na ikinaubo ko.

"Tell us madam huwag madamot," niyug-yog naman ako ni Besty. Napahilamos ako saking mukha. Hindi ko bukod maisip na iyon ang nasa isipan nilang lahat.

May malaking question mark parin sa kanilang mukha. Si Bea na tawang-tawa sa reaksyon ko ngayon. Nakakahiya dahil kapatid sya ni Justin. Ang awkward tuloy!

Pero isa lang ang naiisp ko. Alam kaya ni Bea ang tungkol dito?

Nagbuntong hininga ako bago pumikit at sumandal sa upoan. Sobrang bigat talaga ng nararamdaman ko, kailangan kong ilabas ang hinanakit ko.

"Ghad. So you mean yes? Nakuha niya agad-agad?" Si Ann na halos sinabotan si Besty sa kilig. Ayaw kong magalit dahil hindi naman talaga totoo. Nababaliw lang talaga ang mga kaibigan ko.

"Anong feeling?" Mabilis  akong napalingon kay Bea at nang-aasar ang kanyang ngiti.

"Wala," Tipid kong sagot. Napabuntong hininga ako.

"Anong wala?" Sabay ni Ann at Besty. Sinamaan ko sila ng tingin.

"Wala kang naramdaman habang alam muna?!" irritable na wika ni Ann. Ano bang nararamdaman ang sinsabi nila? Kong meron man akong nararamdaman ngayon ay itong sobrang bigat na dibdib ko at sobrang sikip nang puso ko.

Hinimpas ko ang dalawa kong kamay sa mesa kaya nagulat silang lahat. Nakakainis kagabi ko pa naiisip ang picture frame na 'yon. Sino ba talaga iyon?

"Walang nangyari samin pwede ba tumigil nga kayo." Nguso ko sa inis. Natahimik ang apat.

"Kasi naman kanina kapa nakasimangot dyan. Akala naman kasi namin wala na! As in wala na ang lahat-lahat sayo!" Maarteng saad ni Besty. Hindi ko sya sinagot.

Sumulyap ako kay Bea na ngayon ay nakangiti.

"Bea?" tumango sya habang sumisipsip ng kanyang hawak na tea. "Sino si Lovely?" Dugtong ko na ikinagulat niya at tila mauubo na sa tanong ko.

Dahan-dahan niyang ibinaba ang tea bago sila nagkatinginan ni Mary.

"Bakit mo sya kilala?" Gulat niyang tanong. Bakit nga ba? Pwede ko naman syang kilalanin.

"May nakita kasi akong picture frame sa closet ng kuya mo kagabi. Then, hindi ko sinasadyang makita ang isang larawan ng babae. Binasa ko ang nakasulat sa likod ng larawan. At Lovely ang pangalan," Salaysay ko na ikinabuntong hininga ni Bea. Muling sumakit ang puso ko.

The Happy Ending [ Book3 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon