Jerick Point of View
Para akong nababading habang kainuman namin si Justin ngayong gabi.
Dalawang araw na syang ganito. Hindi namin mapigilang mag-alala dahil araw-araw nakipag anyayang makipag-inuman ang lalaking ito.
Kanina pa sya lagok ng lagok ng alak kahit na may luhang dumadaloy sa kanyang mata.
Hindi naman basihan ang mga luha sa pagiging tunay na isang lalaki. Pag umiyak? Bading agad? Mahina agad? You're wrong guys.
Dahil ang tunay na lalaki, iniiyakan ang mga babe.
Siguro ay mahal namin sila kahit hindi namin sila naiintindihan.
Nandito kami ngayon sa bahay ni Zin kasama si Kevin at Cris. Ilang case na ang naubos namin at mukhang hindi pa kami tinatablahan ng lasing.
"Dude, baka magagawan pa iyan ng paraan." sambit ni Kevin pagkatapos lumalagok ng alak.
"Fuck!" Mura ni Justin habang sinasabunotan ang sariling buhok.
Kanina pa sya mura ng mura. Lahat ng sinasabi at tinatanong namin ay pagmumura lang ang tangi niyang sinasagot.
"Jus? Hayaan na muna natin si Monica. Just what she said. Just give her a time. Sigurado akong babalik iyon sayo," singit ni Mary habang karga-karga si Morgan.
"Time?" bagsak boses niya. "Pati kasal namin pina cancel niya? Pati kasal namin ay bibigyan ko rin ng time?" gusto kong matawa sa sinabi ni Justin. Putcha! Kong alam nyo lang kong anong itsura niya ngayon. Halos hindi ito maguhit.
Walangeya. Napamura ako sa isipan ko. Para akong naapektohan sa relasyon nila. Tila sumakit din ang puso ko.
"Nasabi niya lang iyon dahil nasaktan sya. Hayaan na natin sya sandali. Huwag kang mag-aalala kakausapin ko sya," nag-alalang sambit ni Mary.
Lumagok ulit ng alak si Justin.
Kitang-kita sa mukha niya ang pagod at sakit. Naiintindihan ko si Justin dahil gaya kay Bea nang hihingi din sya ng oras. Putcha talaga. Ang sakit eh. Binigay ko sa kanya ang hinihingi niyang oras. Ewan ko lang sa mga babae huh!? Gano ba dapat kadaming oras ang gusto nila? Hindi ba nila iniisip na pasikreto din kaming nasasaktan? Walangeya talaga!
Minsan kasi nakakalimutan nilang isipin na nasasaktan din kaming mga lalaki.
"Mahal ko sya eh. Pero hindi ko sya maintindihan. Hindi lang naman sya ang nasasaktan, ako rin." binagsak niya ang baso sa mesa.
Lasing na lasing na talaga sya dahil pulang-pula na ang kanyang pisnge. Nagkatinginan kami ni Zin, Kevin at Cris. Tila wala ni isa samin ang magsalita. Nagbuntong hininga ako. Hindi ko alam kong tama ba itong sasabihin ko.
"Mahal ka non," Sambit ko kaya napatingin sakin si Justin. "Kailangan mo lang sigurong ayusin ang connection nyo ni Lovely. Patuloy masasaktan si Monica kong patuloy namang pumapasok si Lovely sa relasyon nyo," tila na tahimik silang lahat. Tanging hagik-ik lang ni Morgan ang naririnig namin.
"I agree," si Mary. "No offense huh!? Sigurado ka bang hindi mo niluluko ang kaibigan ko? As far as I know. Nakita ko iyong mga larawan nyo ni Lovely." napamura si Justin sa sinabi ni Mary. Tinignan niya kaming may luha sa mga mata nito. Walangeya. Bakit nahahawa ako sa mga luha niya? Aba, virus ah.
Sa totoo lang ya kinabahan ako sa reaksyon ni Justin.
"Dude, hanggang ngayon ba naman ay ginugulo ka parin ni Lovely? tanong ni Zin na ikinatahimik namin. Bahagyang napayuko si Justin habang sinasabunotan ang ulo niya.
BINABASA MO ANG
The Happy Ending [ Book3 ]
Romance-COMPLETED BOOK [3] of THE REVEAL & REVENGE- Minsan na akong nagmahal,minsan na rin akong nasaktan. Minsan naging tanga dahil minahal ko sya, Pilit parin akong pumapayag na patawarin ka,alam mo kong bakit? Dahil minsan lang ako naging MASAYA.... Kah...