Naging busy narin ako sa shop nitong mga nakaraang araw. Maging si Justin ay naging busy rin ngunit palagi niya rin naman niya akong binibisita dito. Si Bea narin ang naghanap ng magaling na planner, designer etc. Para sa kasal namin ni Justin.Hindi ko alam kong bakit ganito kalakas ang impact sakin ng kasal. Kinakabahan ako na may halong excitement.
Napasinghap ako!
Miss ko na tuloy si Justin. Kahit hindi kundi sya nakikita ay palaging may paru-paro saking dibdib. Ang sarap sa pakiramdam. This time ako na naman ang dadalaw sa kanya sa office. Sigurado akong matutuwa sya.
"Nakey ano yang niluluto mo?" Lumapit sakin si mama at tinignan ang niluluto ko. Hindi ako magaling pagdating sa kusina, but I try.
"Kare-kare at ginataang baboy," Sagot ko tsaka inamoy ni Mama ang luyo ko.
"Masaya ako para sayo nakey," Napalingon ako kay Mama. Pinunasan ko ang magkabila kong kamay gamit ang apron. Hinawakan ko ang kamay niya.
"Salamat Mama. Hindi ako magiging isang kasing tibay mo kong nagpabaya ka sakin. Mahal na mahal kita, Ma." Isa-isang tumulo ang luha niya sa sinabi ko. Agad ko 'yong pinusan.
"Kahit hindi ka galing sakin nakey. Masayang-masaya ako dahil nagmana ka naman sa kagandahan ko." Natawa ako sa sinabi ni Mama. Tutulo na sana ang luha ko kanina eh.
Pagkatapos kong magluto ay agad kong inilagay sa garapon. Nagpa-alam narin ako kay Mama. Nagpahatid ako kay Manong Jose. Medyo tinatamad akong magmaneho.
Panay ngiti ko habang nakatingin sa labas mg bintana.
"Ang swerte ni sir Justin sayo Ma'am Monica." Sinulyapan ko si Manong. Nakatingin sya sakin mula sa rear mirror.
"Salamat Manong." Sagot ko na may ngiti. Ibinalik ko ang tingin sa labas ng bintan. Sana nga lang ay maging mabuti akong asawa sa kanya.
Panay bati nila sakin nang makapasok ako ng hotel. Isa-isa ko silang nginitian pabalik. Bit-bit ang paper bag na may lamang pagkain ay excited na akong matikman ito ni Justin. Sana ay pasok sa panlasa niya.
"Good morning Ma'am Monica," Msayang bati sakin ni Maris. Bumagsak ang mata ko sa hawak niyang mug.
"Nandyan ba si Justin?" Baling ko sa kanya.
"Nasa meeting pa po Ma'am. Pero patapos na 'yon," Masaya niyang bati.
"Ok, pakisabi nasa office niya ako naghihintay." Tumango sya saka ako tuluyang tumulak sa office ni Justin.
Pagbukas ko ng pinto ay unang bumungad sakin ang sobrang gulo niyang mesa. Mukhang kaylangan ayusin.
Inilapag ko ang paper bag sa kabilang desk at nag-simulang maglinis. Napahinto ako sa paglilinis ng mapadpad ang tingin ko larawan naming dalawa. Bahagya akong napangiti.
Kinuha ko yun saka tinitigan.
Sobrang saya ko. Magiging isang Mrs. Glavez na ako. Hindi na ako makapag-antay. Gusto ko ng makasama si Justin araw-araw.
Binalik ko ang frame saka nagpatuloy sa paglilinis. Nang mapagod ako ay napaupo ako sa swivel chair ni Justin. Hingal na hingal ako sa pagod. Iginala ko ang aking mata sa buong office. Wala akong alam sa pagpapatakbo ng kompanya. Gano kaya nahirapan si Justin dito? Kawawa naman ang fiancee ko.
Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto. Naikuyom ko ang aking kamao ng bumungad sakin si Lovely na sobrang pula ng labi. Sobrang ikli din ng damit nito at tila halos kita na ang kaluluwa.
BINABASA MO ANG
The Happy Ending [ Book3 ]
Romance-COMPLETED BOOK [3] of THE REVEAL & REVENGE- Minsan na akong nagmahal,minsan na rin akong nasaktan. Minsan naging tanga dahil minahal ko sya, Pilit parin akong pumapayag na patawarin ka,alam mo kong bakit? Dahil minsan lang ako naging MASAYA.... Kah...