Maaga akong bumisita sa bahay ni Mary. Nakakahiya nga dahil alas dyes pa ng tanghali ay nandito na ako sa kanila. Wala akong magawa sa shop at gusto ko rin makita si Mary kahit kakakita lang namin nong isang araw.
Ngayong week na lalabas ang baby nila kaya super excited narin ako.
"Nag-away na naman ba kayo ni Justin?" Tanong ni Mary habang ngumunguya ng mangga. Dinalhan ko sya ng hilaw na mangga, pano kasi panay text at gustong kumain ng mangga.
"Niluluko yata ako ni Justin," ngiyak-ngiyak kong sagot. Nagulat sya nang biglang tumulo ang luha ko.
"What? Are you serious?" gulat niya.
"Sinong nagluko?" Sabay kaming napalingon kay Zin na galing sa kusina at may dala itong juice. Hindi ako sumagot at yumuko nalang!
"Nagluko si Justin? Nakita mo?"
Ulit ni Mary. Sobrang sikip ng dibdib ko habang iniisip na niluluko ako ni Justin."Hindi iyan magagawa ni Justin. Patay na patay sayo yun eh. Believe me!" Sambit ni Zin habang naka akbay kay Mary Napanguso ako!
"Malay mo babe baka nam'babae na yang kaibigan mo huh!" Natawa si Zin sa sinabi ni Mary na para bang hindi sya makapaniwala.
"That's impossible babe." Iling ni Zin sa natatawang tono. Napatitig ako kay Zin at ramdam kong pinapanindigan niyang hindi magagawa ni Justin iyon.
"Talaga lang huh?" Taas kilay ni Mary. "Ganyan naman talaga kayo mag kakaibigan diba? Panay takip nyo sa isat-isa." Napakati si Zin sa kanyang batok. Mukhang mag-aaway na naman ang dalawang 'to dahil sa sitwasyon ko.
"Huwag nyo nalang isipin ang sinabi ko." Sambit ko saka kumuha ng iilang mangga at kinain yon. Natahimik ang dalawa habang pinapanunuod ako. "Anong feeling ng buntis?" Iba ko sa usapan.
"Bakit? May plano na ba kayo ni Justin?" Ngiting aso ni Mary kaya napaubo ako. Nag-tawanan ang dalawa.
"Grabe ang hina pala ng komag na 'yon ah," Natatawang singit ni Zin kaya agad syang hinampas ni Mary sa braso. Natawa ako dahil sobrang cute nilang dalawa.
"Usapang babae 'to babe kaya huwag ka ng sumambat!" Napakati ulit si Zin sa kanyang batok. Sumulyap ulit si Mary sakin. "So ano na? May balak na ba kayong dalawa?" Ulit ni Mary sa natatawang tono.
"Wala noh," Umiwas ako ng tingin bago yumuko. Dinadaan ko nalang sa ibang usapan dahil gusto kong makalimutan panandalian ang nangyari kagabi. Sino kaya ang babaeng 'yon?
Sabay kaming napalingon sa mesa ng tumunog ang cellphone ni Zin. Inabot niya 'yon na may ngiting pang-aasar.
"Guess what?" Pinakita niya samin ang cellphone niya at tumambad samin ang pangalan ni Justin mula sa screen. Bakit ako kinakabahan?
"Sagotin muna," Marahang sabi ni Mary. Agad sinagot ni Zin ang tawag ng walang pag-alinlangan.
"Oh dude napatawag ka?" Nakatitig sakin si Zin habang nang-aasar ng ngiti. Tinaas ko ang kamay ko saka sya sininyasan at sabihing Wala ako! "Si Monica? hmhmhm!" Kinindatan niya ako habang nakangiti parin. "Sabihin ko raw sayo na wala sya dito eh," Namilog ang mata ko sa sinabi niya. Tawang-tawa si Mary sa ginawa ng magaling niyang asawa.
Dali-dali akong tumayo at aagawin sana ang phone ni Zin ng tumakbo sya palayo samin.
"Eh loud speaker mo babe!" Komento ni Mary na agad sinunod ni Zin. Nakapamewang ako sa galit.
BINABASA MO ANG
The Happy Ending [ Book3 ]
Romance-COMPLETED BOOK [3] of THE REVEAL & REVENGE- Minsan na akong nagmahal,minsan na rin akong nasaktan. Minsan naging tanga dahil minahal ko sya, Pilit parin akong pumapayag na patawarin ka,alam mo kong bakit? Dahil minsan lang ako naging MASAYA.... Kah...