Came back:44

7.6K 174 36
                                    

Monica Point of View

Ilang minuto ko itong pinag-isipan. Ilang minuto akong natulala sa kinauupoan ko ngayon.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Nahati ang isip ko sa pangyayaring ito.

Kailangan kong bumalik sa Korea dahil nasa hospital ulit si Daddy. Ngunit kailangan kong makausap si Justin dahil sa nalaman kong ito.

Hindi ko alam kong ano ang dapat unahin. Hindi ko alam kong sino ang dapat alalahanin.

"Monica okay ka lang?" Naramdaman ko ang kamay ni Janice sa balikat ko. Ilang minuto akong natulala kaya halos hindi ko na narinig ang sinasabi niya.

Kailangan ko ng magdesisyon ngayon. Kailangan ko ng magmadali. Kailangan ko ng ipaalam sa kanila ang lahat.

Kailangan ko ng kausapin si Justin. Kailangan ko syang puntahan. Kailangan ko syang makita.

Agad akong tumayo sabay ng pag-kagulat ni Janice.

"Monica? Saan ka pupunta." hinila niya ang kamay ko kaya agad ko syang niyakap ng mahigpit. Sobrang mapaglaro ang tadhana. Salamat at dito kami nagkita ni Janice.

"Thank you Janice," huli kong sabi bago sya tinalikuran.

Tumatakbo ako sa hallway na koneksyon ng daan ng plane. Sobrang bilis ng puso ko. Halos manghina ako sa bilis nito. Hinayaan kong tumulo ang mga luha ko sa mata. Ang saya ko na may bahid na takot at lungkot. Hindi ko alam dahil halo-halo ang aking naramdaman.

Hinarangan ako ng security guard.

"Ma'am. Aalis na po ang plane hindi na po pwedeng lumabas." saad nito.

"Hindi na ako aalis," Hindi sya nakasagot at tuloyan ko syang tinalikuran.

Sumoguk ako sa dagat ng mga tao. Kailangan kong makita at makausap si Justin.

Kinapa ko ang phone ko sa bulsa tsaka nag-simulang nagtipa.

Me: Ma? May kailangan pa akong puntahan saglit. Kumusta si Daddy?

Napasinghap ako at hinihintay ang reply ni Mama. Panay yuko ko habang nag-lalakad sa gitna ng airport. Kinakabahan ako. Gumugulo sa isip ko ang sinabi ni Janice. Kanina pa tumutulo ang mga luha ko sa mata.

Ang daming katanongan sa isip ko kong sino si Lovely? At kong sino talaga ang babaeng kasama ni Justin ngayon. Kinakabahan ako sa iniisip ko hindi ko alam pero sana mali ito.

Sana mali ang kutob ko tungkol kay Lovely. Minsan na niya kaming winasak at alam kong kaya niyang wasakin kami ulit.

Dalawang taon ng nanahimik ang buhay namin. At dalawang taon narin namin syang pinapahanap. Ngunit walang nakitang katawan sa bangin na kinahuhulogan niya..

Tumunog ng ilang ulit ang aking cellphone. Dali-dali kong kinapa ang phone ko ng may sunod-sunod itong text.

Huminto ako sa paglalakad sa gitna ng airport bago binasa ang mga text galing sa mga kaibigan ko.

From: Ann

Oh my ghad, Monica. Nakaalis ka na ba? Si Justin papunta ng airport.

From: Bea

Monica. Please came back. Kuya Justin wants to talk to you. It's really important.

From: Mama

Nakey. Okay na ang daddy mo. Pwede na syang makalabas bukas. Nahilo lang sya kanina dahil sa spray na nilagay ko sa banyo.

Para akong nabunotan ng tinik sa huling nabasa.

The Happy Ending [ Book3 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon