Missing self:29

6.7K 171 15
                                    

Tatlong araw na akong ganito.

Hindi makatulog,

Walang ganang kumain,

Minsan naglalasing,

At minsan hindi na lumalabas ng kwarto ko,

Pero sa minsan na iyon ay hindi ko magawang makalimot. Hindi ko magawang ayusin ang sarili ko hanggang ngayon. Sobrang sakit lang siguro ng pagkawala ng baby ko kaya ako nagkaganito.

Nakaupo ako sa kama habang yakap ang magkabilang tuhod. Wala na akong maiiluha pa dahil pagod na ako. Pagod na sa kakaisip na nawalan ako ng isang anak. Kahit mag iisang buwan pa iyon ay hindi nyo ako masisisi. Madali lang akong masaktan.

Napaiyak akong muli. Naalala ko nanaman ang nangyari kahit ilang linggo na ang dumaan.

Biglang may kumatok sa pintoan. Lumingon ako mula roon. Hinayaan kong bumukas iyon at bumungad sakin si Daddy.

"Good morning," masayang bati niya. Hindi ako sumagot at nag-iwas lang ako ng tingin.

Nilapag niya ang dalang tray sa mesa.

Dahan-dahang tumabi sa gilid ng kama ko si Daddy. Hindi ko magawang tumingin sa kanya. Rinig na rinig ko pa ang buntong hininga niya.

"Alam kong nasaktan ka ng lubos. But daughter, I want you to fix yourself. Please kahit kumain ka lang. Kahit kunti lang, para magkalaman yang tiyan mo. I'm so worry about you daughter. It makes my heart ache when I see you like this,"

Ginalaw-galaw ko ang mga pilik mata ko dahil may na mumuong luha na gustong pumatak. Hindi ko magawang magsalita at tila may tape ang bibig ko. Sa ikalawang pagkataon ay nagbuntong hininga ulit si Daddy.

Tumayo sya sa pagkakaupo saka ako hinarap ulit.

"I'll go ahead. Kumain kana." bagsak boses niya saka ako iniwan.

Tinignan ko ang pagkain na nakalapag sa mesa. Naghanda talaga sila ng masasarap para sakin ngunit di ko magawang maglaway at maakit sa pagkain.

Hinawi ko iyon at bago humiga ulit sa kama.

Ilang sandali lang ay may kumatok ulit. Rinig ko ang pagbukas ng pintoan at yapak ng paa palapit sakin.

Umupo sya sa gilid ng kama bago hinimas ang ulo ko. Nag pikit-pikitan ako habang dinaramdam ang himas galing kay Mama.

"Nakey?" Buntong hininga niya. "Kumain kana. Alam mo bang nag-aalala na kaming lahat sayo." Napapikit ako sa sinabi ni Mama. "Hindi mo naman kailangan mag muk-mok habang buhay dito sa kwarto. Nandyan si Justin sa ibaba naghihintay sayo. Hindi mo naman pwedeng pabayaan nalang ang sarili mo, nakey. Nasasaktan kaming makita kang ganyan at mas lalo kaming masasaktan pag magkasakit ka,"

Tumulo ang luha ko sa sinabi ni Mama. Sobrang nasaktan ko silang lahat pero oras lang naman ang hinihingi ko. Dahil nasasaktan rin ako.

Alam kong umiiyak na si Mama dahil sa hikbi niya. Hindi ko sya magawang lingonin. Ayaw ko ring makita niyang lumuluha din ako.

Ilang sandali lang ay narinig kong tumayo si Mama sabay ng paghalik niya sa ulo ko.

"Magpahinga ka nalang muna. Mamaya ay babalikan kita dito. I love you, nakey." malumanay na sabi ni Mama saka ko narinig ang pagsara ng pinto. Ramdam ko ang mga luhang tumulo saking mata. Kahit hindi sya ang tunay kong Ina, ay nasasaktan ako pag nakikitang nag-aalala si Mama sakin.

Humagul-gol ako ng iyak sa sakit. Niyakap ko ang sarili ko. Hindi ba pwedeng maging masaya nalang? Bakit nagdudusa ako ng ganito? Bakit?

Narinig kong bumukas ulit ang pinto at rinig ko ulit ang yapak ng paa patungo sakin.

The Happy Ending [ Book3 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon