KABANATA 11

8.5K 232 6
                                    

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang hawak niya ang braso ko.

"Ewan ko sayo." Tinalikuran ko agad sya saka bumalik sa cottage.

"Oh bakit ka nakasimangot?" Sinalubong ako nang tanong ni Cris. Tumabi ako kay Mary at Ann.

"Food is ready," Si Besty.

Titig na titig sakin si Justin habang nakangiti parin. Sinamaan ko sya ng tingin kaya mas lalo itong natawa!

"Anong nangyari?" Bulong ni Ann sakin. Siniko ko agad sya.

"Here is the wine giys," Nilapag ni Besty ang iilang baso ng champagne. Isa-isa kaming kumuha sa gitna.

"Maraming salamat at nandito kayong lahat. I'm so happy guys. Thank you for the greetings. I really appreciate it, lalo kana Cris. Yong greetings mo may panglalait eh." Nag-tawanan kaming lahat sa sinabi ni Besty.

"For the birthday Boy," Itinaas ni Cris ang baso niya. Sinamaan sya ng tingin ni Besty. "I mean for the birthday Girl." Dugtong nito na ikinatawa naming lahat.

"Happy Birthday!" Sabay naming lahat.

"Cheers," Sabay naming itinaas ang mga baso.

Ininom ko ang alak kaya lahat ng emoji ay gumuhit saking mukha. Sobrang pait ng lasa. Halos masuka ako! Sobrang saya ng kaarawan ni Besty. Sayang nga lang eh wala si Bea.

Palubog na ang araw. Ang mga ibon sa langit ay nag-sisiliparan narin. Ang alon sa dagat ay mas lalong nasisilayan at umalon ng malakas. Sobrang sarap panuorin. Nakakagaan sa pakiramdam.

"Painumin natin to mga dude," Bahagya akong lumingon sa direksyon nila Justin. Hindi ko alam kong bakit kanina pa nila pinapainom si Justin. Naging pulotan pa ito sa kasiyahan nila. Kumunot din ang noo ko dahil magkatabi sila ni kuya Drake.

"Kailangan mo ito dude, sige na." Si Zin. Napailing ako. Hayy bahala nga sila dyan. Lasing na silang lahat at naaantok narin ako!

Lumapit ako kina Mary sa may dalampasigan.

"So anong nangyari kanina?" Direktong tanong ni Ann ng makalapit ako.

Nag-simula na akong magkwento sa nangyari. Panay tawa nila sa sinabi ko at tila natutuwa pa talaga sa ginawa ko kanina. Nag-katuwaan din kaming taltlo. Ilang sandali lang ay naging seryoso ang aming usapan.

"Anong feeling ng buhay may pamilya, Mary?" Biglaang tanong ni Ann kay Mary.

Naging seryoso ang mukha ni Mary.

"Mahirap ngunit masaya." Buntong hininga niyang may ngiti. "Alam nyo. Na mimiss ko ang pagiging isang dalaga." Sumulyap samin si Mary na may ngiting pilit. "Pero nong dumating sakin si Morgan. Doon ko nalang nalaman na mahirap palang maging isang ina, kailangan mong unahin yong priority mo. Kailangan mong unahin ang anak mo kahit hindi muna na'aalagaan ang sarili mo, and beside sobrang sayang maging ina." Biglang sumikip ang dibdib ko sa sinabi ni Mary. Lumingon ako sa cottage kong saan nag-kakatuwaan ang mga boys. 

Nakaka miss naman talaga yung college at highschool life namin. Awayan, inggitan at laitan sa isat-isa. Siguro isa sa mga nakakabaliw na ginawa ko noon ay ang bumalik ako para mag-higante. Ang bumalik ako bilang ibang tao.

"Ang bilis talaga ng panahon noh? Akalain nyo may anak na ako." Nag-tawanan kami sa sinabi ni Mary.

"I'm so happy for you Mary. Meron ka ng gwapong asawa, may cute ka pang baby." Lumapit sya sakin at niyakap niya ako ng mahigpit.

The Happy Ending [ Book3 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon