Give in to you:18

10.9K 224 7
                                    

Kahit sobrang pagod galing sa byahe ay mas pinili namin ni Justin na mamasyal kami. Ito ang pinakagusto ko sa lahat. Ang gumala tuwing gabi dahil naaliw ako sa mga liwanag sa buong paligid. Lalo na sa mga naglalakihang building at ang pinaka gusto ko sa lahat ay ang tower.

Napagdesyonan naming kumain saglit. Hindi ko alam kong saan kami pupunta ni Justin, ang sabi niya ay isa itong klaseng cafe kong saan malapit lang sa klasada. Naiisip ko palang ang sinabi niya ay mukhang streetfoods yata, maybe.

Le Cafe Ele St. Louis.

Mukhang ito na yata. Sumulyap ako kay Justin at sobrang lapad ng ngiti nito. Hawak-hawak niya ang kamay ko at di umano'y ayaw akong pakawalan. Nag-hanap kami ng bakanteng upoan. Sobrang saya pala dito. Habang kumakain ang mga tao ay may nag pi'perform sa mini stage.

"Ako na ang mag order. Stay here." Iniwan niya ako. Tumungo sya sa counter. Iginala ko ang aking paningin. Ang ganda! Kitang-kita parin ang tower mula dito.

Ilang sandali lang ay dumating si Justin na may dalang tray. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Ang gwapo-gwapo talaga ng fiancee ko. Hinding-hindi kita papakawalan Justin. Walang makakaagaw sayo. Pangako!

Lumapit sya sakin na may ngiti. Nanatili akong nakatulala.

"Are you okay?" Umupo sya sa may harap ko. Naipilig ko ang aking ulo.

"Oo hehe. Tinitignan ka kasi nila." Nguso kong turo sa mga babaeng nasa kabilang mesa. Kinikilig sila kanina pa, at alam kong si Justin ang punterya nila.

"Tssss," Iling niyang tawang-tawa. "My eyes is just only for you," Kindat niya na ikinanguso ko. Mas lalo niya akong pinapainlove eh. Humanda talaga sya pag sinaktan niya ako.

"Let's eat," Nagsimula na syang kumain habang ako ay nakatitig lang sa pagkain na hindi ko maintindihan kong ano ang mga 'to. "May problema ba labs?" Inangat ko ang ulo ko.

"Anong klaseng pagkain 'to?" Turo ko sa halo-halong gulay na may malaking burger at nakapatong na fries.

"Burgerbrasserie topped with brie, carmalized onions and smoked bacon." Huh? Ano raw? Grabe ang taas ng pangalan. Ang hirap pang e'memorise. Napakati ako sa batok.

"Eh ito?" Turo ko sa isa. Hindi ko alam kong anong itsura dahil hindi ko maguhit.

"Mozarella and tomato stack." Pang-aasar niyang sagot. Sinamaan ko sya ng tingin.

"Ano ba yan. Itong strawberry shake lang ang alam ko." Pagmamaktol ko bago sungkabin ang pag-kain. Panay tawa ni Justin sa reaksyon ko. Wala na akong pakialam kong kikunan niya ako ng larawan habang kumakain. Gutom na gutom na ako eh.

Busog na busog ako sa kinain namin. Ang sunod naming pinuntahan ay ang Parisian Graden, kong saan ay mas lalo mong makikita ang tower ng malapitan.

May mga 50 step lang naman paakyat para makapunta sa napakataas at malawak na gusali. Isa syang malawak na lobby.

Naawa na nga ako kay Justin dahil hinihila niya ako paakyat. Minsan ay nasa likod ko sya at itinutulak ang likod ko upang hindi mapagod.

Ilang minuto lang naman ngunit sobrang hingal na hingal kaming dalawa.

Nalaglag ang panga ko sa nakita. Halos makita ang lahat ng building. Tumakbo ako patungo sa railing. Dumungaw ako mula sa ibaba. Halos manginig ang tuhod ko sa takot subalit mas nangibabaw ang tuwa at saya. Para akong bata sa pagkakataong ito.

Napagtanto kong wala si Justin sa tabi ko. Bahagya akong lumingon. Nasa likuran sya at nanatiling nakatayo.

Kumunot ang noo ko.

The Happy Ending [ Book3 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon