Positive:40

7.3K 159 8
                                    

Monica Point of View

Nagising nalang ako dahil nakaramdam ako ng gutom. Sobrang sakit ng aking kalamnan at tila wala itong laman.

Dahan-dahan akong umupo sa kama habang napakapit ng mahigpit saking ulo. Sobrang sakit at para bang pinupuk-pok ng iilang martelyo sa loob. Binuksan ko ang isa kong mata habang nakapikit naman ang isa.

Dali-dali akong nagtungo sa banyo.

Dali-dali akong naghubad bago binasa ang sarili sa shower. Pumikit ako habang dinaramdam ang bawat bagsak ng tubig saking mukha. I really want to move forward. I want to erase all the memories I haven't for him. It's a bad dream that I wont never ever back again. Ayaw ko na! Ayaw ko nang matulog sa gabi na luhaan at gumising sa umaga na walang nagmamahal. Inaamin ko, mahal na mahal ko parin sya.

Mahirap kalimutan kapag first everything.

Inayos ko ang sarili ko ng matapos akong maligo. Agad akong nagtungo sa dinning area kong saan si Daddy ay nagkakape. Malakas na si Daddy ngayon kumpara noon.

Nakaupo sya sa wheelchair while reading a magazine. I felt so guilty. Sobrang sakit sa dibdib dahil wala na syang buhok sa ulo kahit isa. Tanging makapal lang na bonet ang nagsisilbing pantakip sa ulo niya. He's private Doctor said the cancer will be cure by love and prayer. Palagi ko iyong pinaparamdam kay Daddy. Gusto kong sulitin ang mga panahon at oras na kasama sya.

Napadpad ang tingin niya sakin kaya agad akong nagtungo sa kanya. May ngiti akong lumapit.

"Good morning, Dad." hinalikan ko sya sa pisnge.

"Good morning how's your sleep?" Tanong ni Daddy bago ako umupo sa kabilang upoan.

"Okay lang Dad. Medyo masakit lang ang ulo ko." sagot ko. Nag-simula na akong nagtimpla ng kape.

"Namamayat ka yata. May sakit ka ba?" mabilis kong sinulyapan si Daddy. Namamayat? Hindi ko alam.

Wala lang akong ganang kumain iyon lang naman ang nararamdaman ko.

"Wala naman po, Dad." iwas tingin kong sagot. Nagkibit sya ng balikat habang nasa akin parin ang tingin.

"Good morning," masayang bati ni Mama na palabas ng kitchen. May dala itong tray na may lamang pag-kain.

"Good morning, Ma." masaya ko ring bati. Lumapit sya sakin at hinalikan ako sa pisnge.

Siguro tulog pa si Ann sa mga oras na ito. Napuyat yata sa araw-araw na ska'skype nila ni Kevin.

"You have to eat a lots Kuya," nilapag ni Mama ang tray sa mesa saka ito tumabi kay Daddy.

"Hindi na ako bata, Belle." Bagsak boses ni Daddy kaya napangiti ako sa kanila. Ang cute'cute nilang magkakapatid.

Sinubuan ni Mama si Daddy ngunit hinawi ito ni Daddy.

"What do you think are you doing?" Taas kilay ni Daddy kaya naglaban sila ng titig ni Mama. Ang cute talaga kahit matanda na. Napa hagik-ik ako sa tawa.

Dahan-dahan binitawan ni Mama ang kobyertos bago ito humalukip-kip na nakanguso. Natahimik ako bigla. Napawi ang ngiti ko dahil naging seryoso ang titigan nila.

"I want to takecare of you Kuya Gusto kitang alagaan at pagsilbihan." may namumuong luha sa mata ni Mama kaya sumikip ang dibdib ko. Puno ng pag-aalala at sakit ang mukha niya ngayon. "Natatakot akong mawala ka. Natatakot akong maiwan ulit Kuya. Kinaya kong mag-isa noon dahil nasa tabi ko si Jenry. Ngunit hindi ko na kaya mag-isa ulit kong pati ikaw ay mawala sakin," hindi ko alam peri kusang tumulo ang luha ko sa eksenang ito. Mabilisan kong hinawi ang luha ko.

The Happy Ending [ Book3 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon