KABANATA 12

8.9K 221 15
                                    

Pagkatapos naming maligo sa dagat ay  napagdesyonan narin naming umahon. Nag-linis ako saglit saking sarili bago bumalik sa cottage.

Pinag-patuloy nila ang inuman at mukhang hindi pa na kontento sa iisang case. Habang kami ay nililigpit narin ang mga iilang kagamitan.

"So okay na kayong dalawa?" Biglaang sambit ni Ann. Tumango ako bilang sagot. Okay na ba talaga kami? "Yeeee...buti naman at nasuyo ka. Kong alam mulang sana Monica. Kong alam mo lang sana!" Kumunot ang noo ko sa reaksyon ni Ann. Anong kong alam ko lang sana? May itinatago ba sila sakin? Pakiramdam ko ay may kakaiba sa gabing ito.

"Hahay-----" Humikab si Besty kaya naputol ang usapan namin ni Ann.

"Mauna kanang mag pahinga Besty. Kami na ang bahala dito!" Suhestyon ko bago kami nagkatinginan ni Ann.

"Ako rin kailangan ko nang magpahinga." Si Mary at humikab din ito.

Nauna ang dalawa dahil sa pagod. Naiwan si Justin, kuya Drake at Jerick at ang sobrang lasing sa lahat ay si Cris. Pinapanuod ko silang nag-iinuman. Buti nalang talaga at hindi pa ako inaantok.

Biglaang lumapit sakin si Justin at  pulang-pula ang kanyang pisnge.

"Magpahinga kana," Saad niya. Umiling ako.

"Mamaya na." sagot ko bago nag-iwas ng tingin.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako palabas ng cottage.

"Saan tayo pupunta?" Kunot noo ko. Tumayo si Kuya Drake at hinarangan kami. Lasing narin ito.

"San mo dadalhin ang kapatid ko?" Hamon ni Kuya Drake.

"Napag-usapan na natin to dude diba?" Kumindat-kindat ang dalawang mata ni Justin kaya nagtaka ako. Anong meron? May itinatago ba sila sakin? Kanina ko pa kasi sila napapaghalata eh.

"Maaga pa." Komento ni Kuya na tawang-tawa at hindi ko alam kong bakit tawang-tawa sya.

"Huwag kang epal dude, hayaan muna." Si Cris na tawang-tawa rin.

"Over protective kuya. Si Drake nagpapa kuya na mga dude!" Si Jerick. Nagtawanan ang dalawa dahil sa kalasingan. Sobrang nagtataka na talaga ako sa lahat.

"Don't worry dude. Papatulogin ko lang naman 'to. Wala akong gagawing masama. Trust me!" natahimik si kuya nang panandalian. Pagkatapos ay tumango sya ng ilang ulit. Tuluyan akong hinila ni Justin, at rinig rinig ko pa ang tawanan nilang lahat sa likuran ko.

Sobrang tahimik ni Justin at mukhang walang balak mag-salita. Hawak-hawak niya ang kamay ko. Ano kayang iniisip niya? Hanggang sa makarating kami sa kwarto ay wala talaga syang balak mag-salita.

"Hindi pa ako na inaantok." Putol ko sa katahimikan naming dalawa. Napahinto sya sa paglalakad at hinarap ako.

"Gagawan natin yan nang paraan para antukin ka." Namilog ang mata ko sa sinabi niya. Pinalo ko agad sya sa braso kaya ngumiwi sya sa sakit. "Bugbog talaga ako sa pagmamahal mo noh?" Ngisi niya. Sumilay ang ngiti ko sa labi. Kahit kailan talaga, kahit gano ako kagalit nagagawa ko paring ngumiti ngayon.

Tuluyan kaming pumasok sa kwarto. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sumunod sya sakin mula saking likuran. Tila nabalotan kami ng katahimikan.

"San ka matutulog?" Tanong ko. Kinati niya ang kanyang batok bago nag-iwas ng tingin sakin.

"Tabi tayo," Nagulat ko sa sinabi niya. Nilagpasan niya ako at inayos ang kama.

The Happy Ending [ Book3 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon