Road to Forever❤

7.7K 155 1
                                    

Monica Point of View

Pagkatapos ng mahabang preperasyon para sa kasal namin ni Justin ay sobrang nakakapagod.

Matapos naming ma meet ang wedding planner ay agad kaming umuwi ni Bea. Nagpahatid ako sa condo ni Justin habang nag-mamaneho si Bea.

Kanina ko pa sya nahahalatang masaya. Tila blooming at sobrang pula ng magkabilang pisnge.

"B-Bea? Nananghalian ka ba?" gad syang lumingon sakin na nakangiti parin.

"Oo bakit?" ngiti niya parin. Hindi ba sya nanga-ngawit ngumiti?

"K-Kasi kanina ka pa nakangiti dyan. Mukha kang eng-eng." komento ko. Sumulyap ulit sya sakin na may ngiti.

"Bakit? Bawal bang ngumiti?" taas kilay niya kaya kumunot ang noo ko. Napangiwi ako.

"Hayy iwan ko sayo para kang buntis." irap kong saad kaya narinig ko ang malakas niyang pagtawa. Napailing ako sa pagod. Ano kayang kinasisiyahan ng babaeng ito?

Tahimik kami sa buong byahae hanggang sa makarating kami sa condo.

"Hatid na kita sa taas," anyaya niyang nakangiti.

"Huwag na. Okay lang. Salamat sa paghatid huh. Mag-iingat ka sa pag-uwi." dali-dali akong bumaba ng kotse bago kumaway kay Bea.

Pinanuod ko pa ang paalis nyang kotse na may bahid na pagtataka. Nababaliw na ba si Bea? Bakit kaya masiyahin ang babaeng iyon ngayon.

Tumulak na ako sa condo ni Justin.

Pagdating ko sa loob ay agad akong bumulagta sa kama. Sobrang nakakapagod ang araw na ito. Hindi ko maipaliwanag kong gano ako kasaya.

Nextweek na ang kasal namin ni Justin at sobrang kinakabahan ako sa mangyayari sa kasal. Ayaw ko sanang ituloy ang kasal namin ni Justin hanggat hindi pa nahuhuli si Sammantha. Natatakot ako sa ano man ang mangyari. Disesyon ito ni Justin at wala na akong magagwa. Magpapakasal kami, umulan man o bumagyo. Bumalik man si Sammantha o Hindi. Basta tuloy ang kasal at walang makakaharang.

Pumikit ako saglit hanggang sa nakaidlip ako. Pagod ang katawan ko at isip kaya sobrang haba ng tulog ko.

Naalimpungatan nalang ako ng makarinig ako ng ingay sa labas ng kwarto. Dahan-dahan akong bumangon.  Limang buwan na ang tyan ko kaya medyo mabigat narin.

Lumapit ako sa pintoan.

Marahan ko iyong pinihit. Bumungad sakin si Justin na may kausap sa cellphone. Nanliit ang mata ko sa nakita.

Smilling? While talking in the phone? Sino naman kaya ang kausap ng komag na 'to. Sobrang sikip ng dibdib ko. Naikuyom ko ang aking kamao sa galit. Pakiramdam ko ay sasabog na ang ulo ko sa init.

Bakit sya nakangiti? Sino ang kausap niya at bakit ganito sya kasaya? Sobang bigat ng damdamin ko.

"No, I'm not totally busy." Dali-dali akong nagtungo sa kama ng papalapit sya sa kwarto namin.

Hindi ko alam kong anong nasa isip ko.  Agad akong nagtago sa ilalim ng kama at nagtago. Mabuti nalang at medyo mataas ang stand nito.

Humanda ka talaga sakin higante ka. Humanda ka talaga sakin. Pag nalaman kong niluluko mo lang ako? Puputolan talaga kita ng balls.

Kahit nahihirapan na ako sa ilalim ng kama ay minabuti kong mag-tiis. Gusto kong marinig kong sino ang kausap niya.

"Ang tagal namang pumasok ng higante na iyon ah! pagmamaktol ko.

The Happy Ending [ Book3 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon