Monica Point of View
Dalawang buwan narin ang dumaan at naging tahimik narin ang buhay namin ni Justin. Getting longer ang relation namin at wala ng makakapigil sa kasalan namin.
Umuwi kami dito sa Pinas for good. Sobrang saya naming lahat dahil unti-unting naghilom ang sakit ni Daddy
Stage two na ang cancer niya kaya sobrang pasasalamat ko sa Panginoon.
About lovely? Or we dont know kong sino talaga sya? Everything is under control with Private investigator and cops ni Daddy.
Pinuntahan ng iilang pulis si Lovely sa Canada but she's gone. She wasn't there.
Walang tao sa bahay na kinatutuluyan niya. Sana ay makita na sya. Sana ay makulong na sya at pagbayaran ang lahat ng ginawa niya.
Hanggang ngayon ay hindi pa nagagawang magsalita ni Jennifer. Tanging iyak at hawak niya ng kamay ko ang lagi niyang ginagawa.
Minsan ay nanghihingi sya ng papel at ballpen para isulat ang sasabihin niya samin, but she can't. Hindi niya magawang igalaw ang mga daliri niya. Nakabalot parin sya ng puting benda sa buo niyang katawan. Napagpasyahan ni Kuya Drake na pupunta sila ng Korea para sa pagpapaayos ng buong mukha ni Jennifer.
Magiging isang katulad narin sya samin ni Ann. Isang plastic surgery.
Kanina pa namin ito pinag-uusapan habang nandito kami sa bahay ni Mary. It's been back to normal at masaya kami. Justin continuely work for the hotel and it's quietly and peaceful. Walang nangyayaring masama at safe kami lahat. Pero kailangan namin mag-ingat at the same time.
"Hindi ako makapaniwala. Schoolmate namin si Lovely noon. Then she died two years ago? Kahit sa facebook hindi manlang pinost?" irritable na sabi ni Bea kaya napayuko ako.
Naawa ako sa nangyari sa totoong Lovely. Minsan narin akong nanakawan ng mukha pero naging matapang at matatag ako. Pano niya nagawa 'to?
"Kawawa naman pala noh? Pero alam nyo kinakabahan talaga ako eh. Sino kaya 'yong nag papanggap na Lovely? Hindi kaya si Sammantha?" Natahimik kaming lahat sa sinabi Ann.
Nag-sitaasan ang mga balahibo ko. Nag-simula akong kabahan.
"Bakit hindi pa kasi namatay yang Sammantha na iyan eh," sambit ni Besty habang karga-karga si baby Morgan.
"Hoy bakla baka marinig ka ni baby Morgan," Pigil ni Mary kaya agad itong nag peace sign.
"Oh my ghad. Nagtext na iyong wedding planner. We have to meet her tomorrow Monica. Dont worry she's good at sigurado akong bongga ang kasal nyo ni Kuya." masayang wika ni Bea. Sabay silang napangiti sakin. Ang kanilang ngiti ay napagkikitaang masaya sila para sakin.
Susunduin pa ako ni Justin ngayon para saking check-up.
"I'm soo happy for you, Monica." mangiyak-ngiyak na sabi ni Bea bago niya isinandal ang kanyang ulo sa balikat ko. Napangiti ako. Ito na! Aabot na talaga kami sa ending.
"Gusto nyo na talagang magpakasal noh? How about honeymoon? Eh lumulubo na yang tiyan mo." pang-aasar na sambit ni Ann. Uminit ang magkabila kong pisnge sa sinabi niya.
Nag-tawanan sila at tila ginawa akong pulutan.
"Okay lang yan noh. Uso na kaya yan ngayon. Here come's the bride five months inside," palakpak sabay kanta ni Besty kaya mas lalong lumakas ang tawanan nila.
Sabay kaming napalingon kay baby Morgan ng bigla syang pumalakpak habang tumatawa ito. Sobrang natutuwa kami sa kanya dahil mukhang nakikinig yata sa usapan namin.
BINABASA MO ANG
The Happy Ending [ Book3 ]
Romance-COMPLETED BOOK [3] of THE REVEAL & REVENGE- Minsan na akong nagmahal,minsan na rin akong nasaktan. Minsan naging tanga dahil minahal ko sya, Pilit parin akong pumapayag na patawarin ka,alam mo kong bakit? Dahil minsan lang ako naging MASAYA.... Kah...