Monica Point of View...
Pareho kaming naging busy ni Justin sa isat-isa.
Halos wala na kaming oras sa isat-isa. Naging busy sya sa hotel at naging busy rin ako sa shop ni Mama.
Oras lang ang nabubuhos ng pagsasama namin. Hindi pareho noon na umaga hanggang gabi kami nagsasama.
Hay nakakamiss nga eh. Pero kailangan kong intindihin sya para naman sa amin itong dalawa.
Hindi ko lang talaga maiwasang magalit at magtampo paminsan-minsan.
"Hoy Madam. Kanina ka pa kumakain ng cake. Hindi ka ba nagsasawa niyan?" Bumalik ang diwa ko sa sinabi ni Besty. Tinignan ko syang nakasimangot.
"Hindi ah. Sobrang nagugutom lang talaga ako." Sagot ko. Namilog ang mata niya sa sinabi ko. Tila nagulat at di umano'y hindi makapaniwala.
"Gutom? Kanina ka pa kumakain dyan. Nakakailang plato kana kaya. Sigurado akong malulugi itong shop nyo." Natatawang sambit ni Bea habang titig na titig sakin. Nandito kasi ang dalawa sa shop.
"Oh ayan na pala sila," Si Besty. Sabay kaming lumingon sa main door ng shop.
"Hey girls," Si Mary kasama si Ann. Nakipag beso-beso sila samin.
"Anong trip mo Monica?" Si Mary. Lumapit sya sakin at tumabi. Kunot noo niyang tinititigan ang mga chocolate sa mesa.
"Gusto mo?" Lahad ko ng kutsara pero kumaway lang sya.
"Na naman?" Si Ann. Nagulat ang tatlo sa inasta niya.
"Bakit Ann?" Sabay ni Mary at Bea sa gulat.
"Araw-araw kasi yang kumakain ng chocolate cake. Pati sa bahay ganyan rin yan." Salaysay ni Ann.
Isa-isa nila akong tinignan. Bahagya akong yumuko at nagpatuloy sa hapag. Ramdam na ramdam ko ang tiitg nila sakin.
"Buntis ka ba Monica?" Napaubo ako sa tanong ni Mary kaya hinimas ni Ann ang likod ko. Binigyan naman ako ni Bea ng tubig.
Mabilisan ko iyong ininum. Kinabahan ako sa tanong ni Mary. Yung feeling na hindi pa ako nakontento sa kinakain ko. Feeling ko ay palagi akong gutom.
"Sigurado akong buntis ka, Monica." Ulit ni Mary. Napalunok ako at the same time.
"K-kasi," Utal ko.
"Shit," Mura ni Ann. Humalukip-kip ako. "Isinuko muna kahit wala pang kasal? Hindi manlang kayo nakapaghintay?" Bulyaw niya na ikinalingon ng ibang costumer. Tawang-tawa ang tatlo sa reaksyon ni Ann.
"Oh my gosh. May pamangkin na ako." Saad ni Bea sa tuwa. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
"H-Hindi noh. Ano ba kayo." Usal ko. Nagsi-kunotan ang mga noo nila. Kagat-kagat ko ang kutsara habang tinitignan sila.
"Sigurado ka madam? Bakit di mo nalang kaya e try mag pregnancy test," Si Besty.
Ewan ko!
Pero dinatnan ako nong isang araw. Pano ako mabubuntis? Bukod sa nangyari samin sa Paris ay hindi nanamin uli ginawa iyon. Pero pano nga ba?
"Yan kasing trip-trip to Paris na yan. Ayan tuloy!" Singit ni Ann sa iritasyong tono. "Naku talaga. Ewan ko lang talaga. Hayy!" Pagmamaktol niyang dugtong.
"Siguro Ann. Ikaw ang buntis kasi ang highblood mo." Nanlaki ang mata niya sa sinabi ni Besty. Halos natataranta ang kanyang kilos kaya nag-tawanan kami.
BINABASA MO ANG
The Happy Ending [ Book3 ]
Romance-COMPLETED BOOK [3] of THE REVEAL & REVENGE- Minsan na akong nagmahal,minsan na rin akong nasaktan. Minsan naging tanga dahil minahal ko sya, Pilit parin akong pumapayag na patawarin ka,alam mo kong bakit? Dahil minsan lang ako naging MASAYA.... Kah...