The reveal:42

8K 189 38
                                    

Monica Point of View

Dalawang araw ng tahimik si Kuya Drake at halos hindi sya humihiwalay sa tabi ni Jennifer. Sobrang nasaktan sya sa nangyari.

Naapektohan ako sa bawat patak ng mga luha ni Kuya habang hawak-hawak niya ang singsing na ibinigay niya kaya Jennifer.

Nagulat ako sa sinabi nila Mary na nag propose si Kuya nong gabing sumabog ang bahay ni Jennifer.

Naaawa na ako kay Kuya dahil hindi niya magawang kumain o kausapin kami dahil sa tulala sya. Halos hindi sya nakakausap at tanging buntong hininga lang ang kanyang maisasambit.

Akala ko ako lang ang pinaglalaruan ng tadhana, bakit pati pamilya ko ay pinag-lalaruan niya? Ganon na ba talaga ako makasalanan sa mundong ito?

Sana ay maging okay na ang lahat. Sana ay maging masaya kami hanggang dulo.

Katabi ko si Ann at Kevin habang nag-uusap ng masinsinan. Naunang umuwi si Mary dahil kailangan sya ni baby Morgan.

Napalingon ako kay Jerick at Bea. Buti pa sila at nagtagal ng ganito. Mahal na mahal nila ang isat-isa. Sigurado akong mag happy ending ang dalawang ito.

Ibinalik ko ang tingin kay Kuya. Malalim akong suminghap. Mahal na mahal niya talaga si Jennifer.

"Monica," inagat ko ang aking ulo. Tumambad samin si Zin na sobrang lapad ng ngiti.

"Can we talk?" saad nito na ikinalingon ni Ann at Kevin.

Tumango ako bago tumayo. Nag-paalam kami saglit sa kanila.

Hindi ko alam kong anong pag-uusapan namin ni Zin, dahil hindi ko mabasa ang ekspresyon ng mukha niya ngayon.

Nagtungo kami sa isang kapelya dito sa hospital. Nagulat ako dahil dito niya napagdesyonang makipag-usap.

Kahit kailan ay hindi ko nakitang pumasok ng simbahan si Zin noon. Ewan ko lang ngayon na sila na ni Mary. Huli kong kita ay nong binyag ni Morgan. Kahit kailan ay ayaw na ayaw niyang pumasok sa ganitong lugar. Nakakagulat lang.

Umupo sya malapit sa altar at sumunod naman ako.

Simula nong naging kami hanggang sa maghiwalay ay hindi ko pa sya nakikitang ganito ka seryoso. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang tinititigan sya. Ang mapupungay niyang mata at ang medyo magulo niyang buhok ay nagpapagwapo sa kanya. I'm soo deeply inlove on him before. Pano ba ako nainlove sa komag na 'to?

Hindi ko alam, dahil basta-basta lang nangyari ang lahat. Pero sya ang dahilan kong bakit nakilala ko si Justin.

"Naalala mo iyong dinala mo ako sa simbahan?" Una niyang salita habang nakatitig sa harap ng altar. Hindi ako sumagot at humalukip-kip nalang.

"Galit na galit ako sayo noon dahil sa dami-daming lugar na gusto mong mag date tayo. Sa simbahan pa talaga?" natawa ako sa sinabi niya. Naalala niya pa iyon?

Pinilit ko syang pumasok sa simbahan noong araw na iyon. Pwede namang mag date sa simbahan diba? Mas gusto ko kaso doon tahimik at payapa.

"I'm sorry Monica." sumulyap sya sakin na may bahid na pag-aalala.
"Hindi ko magawang protektahan ka kay Justin. Ayaw ko sanang maniwala na niluko ka niya ngunit nabuntis si Lovely at duon na ako naniniwala sa sarili ko." Yumuko ako sa sinabi niya. May namumuong luha saking mata.

"I'm sorry. Kong sana ay ipinaglaban kita noon hindi ka sana nasasaktan ngayon," mabilisan ko syang tinignan. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Nakakatawa dahil sobrang komportable ko na sa kanya.

The Happy Ending [ Book3 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon