Dali-dali akong bumalik sa kama ng palabas na si Justin galing sa banyo. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Ramdam na ramdam ko ang pangi-nginit ng katawan ko.Bahagya akong yumuko. Ramdam ko ang mga apak niya sa sahig at alam kong papalapit sya sakin. Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko at tumambad sakin si Justin na nakatoples lang. Ngumiti ako ngunit pilit.
"Good morning," Lumapit sya sakin. Umupo sya sa tabi ko bago ako hinalikan sa noo. Halos hindi ako makatingin sa katawan niya.
Dapat ba akong mailang? Baliw kana talaga Monica. Future fiancee mo 'yan. Bahagya akong yumuko ulit.
Dahan-dahan niyang inangat ang baba ko kaya nahuli niya ang titig ko.
"I'm sorry labs. Mukhang nauna yata ang honeymoon natin." Kitang-kita sa mata niya ang lungkot.
Pero diba dapat masaya sya? hindi ba sya masaya na sya ang unang lalaking sinukoan ko!?
"Hindi ka ba masaya? Nagsi-sisi ka ba kagabi?" Nguso ko. Hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit.
"Hindi! Hindi sa ganon. Kasi hindi pa tayo kasal at baka nanghihinayang ka dahil ibinigay mo agad sakin." Agad ko syang hinila at niyakap ng mahigpit. Amoy na amoy ko pa ang mabangong sabon na ginamit niya. Ang sarap nguyain!
Hindi ko alam kong pano ko sya sasagotin. Hindi naman ako nanghihinayang. Sobrang saya ko nga dahil sa kanya ko binigay yun.
Kumalas ako sa yakap. Tinignan ko sya mata sa mata.
"Hindi ako nag-sisi labs. Sobrang saya ko nga eh." Isa-isang tumulo ang luha ko pagkatapos sabihin 'yon. Sa totoo lang ay ramdam na ramdam ko parin ang sakit saking pagkababae.
Pinunasan niya ang mga luha ko.
"Masakit pa ba?" Tumango ako sa tanong niya. Yumuko ako sa kahihiyan! "Masyado ba kitang nasaktan? Sorry labs," Napangti ako sa saad niya. Unti-unti narin akong ngumiti. Bumagsak ang mata ko sa katawan niya.
"Hindi naman masyadong masakit." Umaliwalas ang mukha niya sa sinabi ko."Magbihis ka nga," Agad syang napatayo dahil sinuntok ko sya sa dibdib.
"Alright! Alright!" Bahagya niyang itinaas ang kanyang kamay. Tinaasan ko sya ng kilay.
Dali-dali syang nagtungo sa closet. Pinapanunuod ko syang magbihis. Ano ba yan. Sinabihan ko na ang mata ko na huwag sumilip.
Mabilisan niya akong tinignan. Nag-iwas agad ako ng tingin.
"Maligo kana o baka gusto mo ako ang magpapaligo sayo!?" Namilog ang mata ko sa sinabi niya. Dali-dali akong tumakbo patungong banyo na namumutla ang labi.
Namasyal kami ni Justin sa isang park, isa itong classic Beerpark kong tawagin nila ay stadium communal. May ilog, naglalakihang puno. Iba't-ibang statue at rebulto ng mga hero's nila.
Ang daming nag pi'picnic sa park. Mula sa pamilya at mag babarkada. Sobrang lapad ng ngiti ko.
Naiisip ko tuloy kong magkakaroon kami ng sariling pamilya ni Justin ay sigurado akong sobrang saya namin. Hayy ang sarapan isipin.
"Are you okay?" Umakbay sya sakin habang naglalakad kami dito sa park.
"Oo naman labs. Sobrang saya ko lang talaga." Hinalikan niya ako sa ulo. Ang sarap sa pakiramdam.
Napadpad ang mata ko sa maliit na tulay mula sa ilog.
"Labs...picture tayo don," Nguso kong turo sa maliit natulay.
BINABASA MO ANG
The Happy Ending [ Book3 ]
Romance-COMPLETED BOOK [3] of THE REVEAL & REVENGE- Minsan na akong nagmahal,minsan na rin akong nasaktan. Minsan naging tanga dahil minahal ko sya, Pilit parin akong pumapayag na patawarin ka,alam mo kong bakit? Dahil minsan lang ako naging MASAYA.... Kah...