September 1, 2015 *tuesday continuation*
Naglalaba ako ng mga damit ko kaso sa kamalas-malasan nga namang panahon, bumabagyo, tss, tinigil ko muna ang paglalaba ko at nagpayong ako papunta sa malapit na tindahan.
Kaso natigilan ako sa paglalakad kasi may naabutan akong eksena sa kalsada.
"Pagod na ako sa kakaintindi sayo, ayoko na, pagod na ako, tigilan na natin to."-sabi nung gwapong lalaki atsaka sya naglakad papalayo, nanatiling nakatayo ang babae at halos hinde sya makapaniwala sa narinig nya kaya tuloy tuloy syang umiyak.
Lumapit ako sa babae atsaka sya inabutan ng payong kasi nauulanan na sya, napatingin sya sakin kaya nginitian ko muna sya bago magsalita.
"Lagi mong tatandaan na magkaiba ang nagsawa sa napagod, ang term na NAGSAWA ay para lang sa taong hinde totoo yung feelings para sayo, ang term na NAPAGOD ay para sa taong binigay na ang lahat lahat sayo at wala ng tinira sa sarili nya."-sabi naman sakanya.
"Sino ka?"-tanong nya.
"Ako si Clover minsan na akong nasaktan, at minsan na din akong pinagsawaan."
"A-Ah, s-sorry to hear that."-sinserong sabi nya kaya muli akong ngumiti.
"Kung pinagsawaan ka nya, ako na mismo nagsasabi sayo, hinde totoong minahal ka nya, dahil kung talagang mahal ka nya, hinds sya magsasawa sayo, pwede syang mapagod, pwede syang magpahinga, pero kung talagang mahal ka nya, hinde magiging dahilan ang PAGSASAWA para lang iwan ka nya."
"P-pero pwede pa naman naming ibalik sa dati diba."-umiiyak na tanong nya sakin pero umiling ako.
"Pag nagsawa na sya sayo, mahirap ng ibalik ang lahat sa dati, hinde mo alam kung saan ka lulugar kasi hinde mo na alam kung ano ung mga bagay na dapag mong baguhin para lang hinde na sya ulit magsawa sayo, pag napagod na sya sayo, maaring iwan ka nya agad, pero kung mahal ka talaga nya, magpapahinga lang sya saglit at itutuloy parin nya kung anong meron sa inyong dalawa."
Tinapik ko sya sa balikat atsaka inabot sakanya yung payong.
"Sige, una na ako, may kakausapin lang ako."-paalam ko sakanya atsaka ako tumakbo, kahit nababasa na ako ng ulan, wala akong pakialam, hinanap ko kung saan nagpunta yung gwapong lalaki at buti na lang magaling ako maghanap.
Nakita ko yung lalaki sa waiting shed habang nakatayo at tinitignan ang malakas na pagbuhos ng ulan.
Nilapitan ko sya atsaka ko sya kinalabit kaya sya napatingin sakin, umubo ubo muna ako bago magsalita.
"Iba yung nagsawa sa napagod, alin ka dito sa dalawa."
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
VOTESCOMMENT
YOU ARE READING
Storya Ng Bitter (On-going)
RandomKwento ng isang babaeng minsan Nang nasaktan kaya wala syang Lovelife ngayon, ang daming Pinagdaanan kaya bitter sya Hanggang ngayon. Hinde sya naniniwala sa forever Kaya lahat ng makakasalubong Nya, sinasabihan nya ng Pamatay nyang linya. Samahan n...