CHAPTER 47

105 7 1
                                    

October 1, 2015 *Thursday continuation*

8pm na ng gabi kaya pinapasok na kaming lahat sa tent namin, syempre kasama ko si cyla at kc sa tent kaya agad kaming pumasok sa tent namin at nagkwentuhan bago natulog.

Nagising ako bigla, tinignan ko yung relo ko at nakita kong 11pm palang, naiihi ako jusmee!

Lumabas ako ng tent at tumingin sa paligid, tahimik na ang lahat at halata mong tulog na ang lahat, aish! Wala nga palang CR dito! Eh san ako iihi?! Asar naman!

Dali dali akong pumunta sa kawayan at kinilabutan ako dahil malawak yung kagubatan, aish, San ba magandang umihi dito? Yung walang makakasilip sakin kahit hayop. Bwahaha!

Natigilan ako sa pagtawa sa isip ko ng mahulog ako sa bangin. Pucha! Hinde ko Alam na may bangin pala dito!

Nagderederetso and gulong ko pababa at ang hapdi na ng balat ko dahil naramdaman ko na gumagasgas ako sa mga bato bato at lupa.

Napatingin ako sa baba at nanlaki ang mata ko dahil mahuhulog ako sa dagat!

Namalayan ko na lang na bumagsak ako sa dagat.

WTF. hinde ako marunong lumangoy!

Pilit akong lumulutang sa tubig at sumisigaw ng tulong kahit Alam kong walang makakarinig sakin.

Sigaw ako ng sigaw at tumutulo na unti unti ang luha ko.

Ng hinde ko na maangat ang sarili ko sa tubig ay bigla nalang akong nagderederetso sa ilalim ng tubig, hinde ko kayang iligtas ang sarili ko, hinde ako marunong lumangoy.

Kusa akong nawalan ng malay at hinde ko na alam ang nangyari sakin.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
TRIS' POV

Nagising ako sa ingay na naririnig ko.

"HALA KANINA MAY NARINIG AKONG SUMISIGAW NG TULONG! AKALA KO NGA MULOTO EH!"

"Teka! Wala si clover dito sa tent namin!"

"Baka si clover yun!"

Agad akong napabangon.

"Pre nawawala daw si clover!"-sabi sakin ni regi sa tabi ko at bumangon kami ng sabay sabay nila gray, lumabas kami ng tent at nakita naming nagkakagulo ang mga teachers at studyante.

"Kaylangan natin syang hanapin!"-sabi ni sir Raymond at nag labas kami ng flashlights.

Ako yung nauna sa paghahanap. Fuck. Asan si clover?

Hinde ako mapakali, pano kung may mangyaring masama sakanya?

"Cloveeerr!!!"-sigaw ko pero katahimikan ng gubat ang naririning namin.

"CLOVEERRR! NASAN KA!"-sigaw nila cyla.

Naiinis ako sa sarili ko. Nasan sya? Dapat pala hinde muna ako natulog at binantayan muna sya.

"Tsinelas yun ni clover ah!"-sabi ni kc. Kaya napatingin kaming lahat dun sa tinuro nya. Nakita namin malapit sa bangin yung isang tsinelas ni clover kaya agad akong tumakbo at naghanap ng daan para makababa ng bangin.

Storya Ng Bitter (On-going)Where stories live. Discover now