September 17, 2015 *thursday*
Absent ngayon si tris at maiiyak na ako sa inis dahil wala akong makakapartner mamaya sa kanta namin sa musik, nakakainis, nag-volunteer syang maging partner ko tapos absent naman pala sya.
Oo nga pala, kahapon hinde nya ako kinausap, hinde nya ako kinikibo, nakakainis lang.
Sasabihing gusto ka, tapos sa mga susunod na araw hinde na.
Tae, ni hinde pa nga kami nag pa-practice para performance namin mamaya, maiiyak na ako, baka bumagsak ako sa performance mamaya dahil wala akong partner.
Nag practice na lang ako mag-isa at napatingin ako sa paligid ko, lahat sila nag papractice kasama mga partner nila, samantalang ako, nag-iisa.
Ewan ko ba, humina bigla yung loob ko parang ayoko ng magperform mamaya tutal naman mababang grades lang makukuha ko dahil wala akong partner, sabi kasi ni sir kung anong score ng partner yun din yung score mo eh absent si tris edi wala din akong grades kahit kumanta pa ako mamaya huhuhuhu T__T.
Sumapit ang 4pm, music na ang subject namin kaya naman sunod sunod na yung mga kumakanta kasama mga partners nila, buti na lang pinaka last kaming kakanta kaso wala sya.
Natapos na silang kumata kaya naman tinawag na ni sir pangalan ko at pangalan ni tris ako lang yung tumayo at matamlay akong pumunta sa harapan.
"Nasaan si tris?"-tanong sakin ni sir.
"Absent po sir."
"So, half score lang ibibigay ko sayo dahil absent ang partner mo, ok, magsimula kanang kuman--"
"Good afternoon sir, sorry po late ako."
Napalingon kaming lahat sa pinto at nakita si tris na hingal na hingal at pawis na pawis.
"Syempre hinde ko iiwan ang partner ko sir."-nakangiting sabi nya atsaka sya tumingin sakin kaya biglang nagtama ang mata namin.
Napangiti ako ng de-oras dahil sa sinabi nya.
"Okay go infront."-utos ni sir kay tris, nag punas ng pawis si tris gamit ang panyo nya atsaka sya cool na naglakad papunta sakin.
"Game na?"-tanong nya sakin at tumango tango naman ako bilang sagot.
Sya ang nag simulang kumanta kaya napahanga naman ako sa boses nya.
"I have been crying and crying for weeks
How'd i survive when i can barely speak
Barely eat
On my knees~"-tris
Bakit naman hinde ko sya napapansin dati eh kaklase ko naman sya? Tch, nagsimula na akong kumanta sa part ko.
"But that's the moment you come to me
I don't know what your love has done to me
Think i'm invicible i see
Throught the me
I used to be~"-ako
"You change my whole life~"-tris
"Don't know what you're doing to me with your love~"-ako
"I'm feeling all super human
You did that to me
Super human heart beats in me~"-tris.
YOU ARE READING
Storya Ng Bitter (On-going)
RandomKwento ng isang babaeng minsan Nang nasaktan kaya wala syang Lovelife ngayon, ang daming Pinagdaanan kaya bitter sya Hanggang ngayon. Hinde sya naniniwala sa forever Kaya lahat ng makakasalubong Nya, sinasabihan nya ng Pamatay nyang linya. Samahan n...