September 24, 2015
Nagrereview kami nila cyla sa AP ng biglang may naglapag ng teddy bear sa harap ko.
"Goodmorning!"-energetic na sabi ni tris kaya nagkantsawan ang mga kaklase ko.
"Goodmorning din."-sabi ko.
"ENG TEMES NEMEEEEN."-pang aasar ng mga kaklase namin at napasimangot ako.
"May sasabihin sana ko."-sabi pa ni tris kaya agad na naexcite ang puso ko. ( HALA ANO DAW, JOKE LANG YUN T__T )
"Kaso wag dito, dun tayo sa labas, pwede?"-tanong nya sakin at pumayag na rin ako, lumabas kaming dalawa at hinintay ko syang magsalita.
"Lahat ng ginagawa ko, wag mong bigyan ng meaning ha?"
Natigilan ako bigla dahil sa sinabi nya, di ko maintindihan, hinde ako kumibo.
"Let's just pretend na nililigawan kita."
"Teka, ano ba talagang sinasabi mo? Hinde kita maintindihan."-naguguluhang sabi ko.
Tumawa sya bigla atsaka nya kinurot yung ilong ko.
"Bakit ang slow mo? Haha."-tumatawang sabi nya sakin.
Hinde ako nagsalita kaya naman huminga muna sya ng malalim atsaka nya hinawakan ang magkabilang balikat ko.
"We'll pretend na nililigawan kita, you should help me to bring back my ex, ano? Payag ka?"
Mas lalong nanlaki ang mata ko atsaka ako nakaramdaman ng konting pagkirot sa dibdib ko, bakit parang--- ang sakit pakinggan yung sinabi nga?
"Ibig sabihin, hinde mo talaga ako gusto?"-napapahiyang tanong ko, tinawanan naman nya ako atsaka nya ako inakbayan.
"Naniwala ka sa mga sinabi ko? HAHAHA! ang galing ko ata masyado, haha! Hinde kita gusto, wag kang assuming, pinagseselos ko lang yung mahal ko."
Inis kong inalis yung kamay nyang nakaakbay sakin.
"Oo, ang galing mo, napaniwala mo ko, sobrang galing mong magsinungaling, sobrang galing mong magpanggap, sobrang galing mong magpakitang tao, sobrang galing mong mag pakilig, sana sinabi mo na nung umpisa pa lang, akala ko kasi totoo lahat, yun pala walang totoo sa mga pinapakita mo."-inis kong sabi, sa totoo lang, parang nasasaktan ako, hinde ko matanggap na ginagamit nya lang pala ako, akala ko kasi totoo lahat.
"Sige, magpapagamit ako sayo, ano bang plano mo?"-lakas loob na sabi ko, nagliwanag naman bigla yung mukha nya atsaka sya ngumiti.
"Pag sinabi sakin ni yannah na gusto nya ng maging kami ulit, dun mo mo babastidin, ha?"
"Ok, yun lang pala eh, easy."-pagmamayabang ko, kahit ang totoo, parang hinde ko yata kaya.
Pano ko babastiden yung lalaking sinanay ako sa presensya nya?
Hay.
"Basta, wag kng magkakagusto sakin ha? Ayokong masasaktan ka sa huli eh, ikaw yung pinili ko kasi alam ko namang malabo kang magkagusto sakin na kahit na ano pang gawin ko sayo, bitter mo kasi, haha."-pang aasar nya sakin atsaka ako nang hina.
Huli na ang lahat, nasaktan nanaman ako, nagkagusto nanaman ako sa maling tao, bakit ba ang tanga tanga ko pag dating dito?
Napangisi na lang ako, ewan ko ba, biglang mas nangibabaw ang galit ko.
'Tignan lang natin tris, tigna ko lang kung hinde ka magkagusto sakin.'
Gagawin ko lahat para mahulog ka sakin, tapos pag nahulog kana, dun kita sasaktan katulad ng ginawa mo sakin.
'ipararamdam ko kung paano mahulog ng wala man lang sumasalo.'
Natawa ako ng mahina atsaka ako bumulong sa sarili ko.
"Akala ko iba ka, kapareho ka lang din pala nila."
"Ha?"-tanong nya, hinde nya narinig dahil mahina lang pagkasabi ko kanina.
"Ah, wala, sabi ko sige lang, ligawan mo lang ako."-nakangising sabi ko.
Sorry, tris, pinaglaruan mo yung maling tao.
'You played with me without knowing that i'm a better player than you.'
"Let's start pretending while playing, we'll flirt, play fights, talk 24/7, say goodmorning and goodnight everyday, give each other nicknames, hang out, talk on the phone for hours, take cute pictures together, make promises to each other and hold each other."-sabi nya at mas lalo akong ngumisi.
"Player ka lang, coach ako, sinong talo?"-deretsong tanong ko sakanya pero hinde nya naintindihan ang sinabi ko.
"Anong sabi mo? Hinde ko gets."-tanong nya at nakakunot pa ang noo nya, iniisip nya kung anong ibig kong sabihin. d--,b
"Wala."-malamyang sagot ko.
Iba talaga pag nangingibabaw ang galit ko, pag nangingibabaw ang galit ko, nakakalimutan ko agad ang nararamdaman ko para sa isang tao.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
VOTES
AND
COMMENTS
YOU ARE READING
Storya Ng Bitter (On-going)
RandomKwento ng isang babaeng minsan Nang nasaktan kaya wala syang Lovelife ngayon, ang daming Pinagdaanan kaya bitter sya Hanggang ngayon. Hinde sya naniniwala sa forever Kaya lahat ng makakasalubong Nya, sinasabihan nya ng Pamatay nyang linya. Samahan n...