CHAPTER 30

93 4 0
                                    

September 15, 2015 *tuesday*

"Maghanap kayo ng kapartner nyo, sa thursday ay kakanta kayo ng R&B na genre ng kanta, kahit anong kanta basta R&B."-announcement ni sir Cruz.

"Lory! partner tayooooo!"-sigaw ko agad.

"Ay! Si gray na partner ko eh."-sagot ni lory kaya napasimangot ako.

"Joy! Partner tayo."-sigaw ko ulet.

"sorry si rose na partner ko."

d=_=b

"Cyla partner tayo!!"-sigaw ko ulet.

"Partner ko na si jhoana."-sagot naman ni cyla kaya napapoker face na lang ako, letse, ang bilis naman nilang magkapartner.

"Lahat na lang ayaw sakin, ano bang pagkukulang ko? May mali ba sakin? Bkt ayaw nila akong piliin?-pahugot ko kaya binatukan ako ni Jessa.

"Clover umuwi kana nga! Hugot ka ng hugot eh! Hugutin ko yang kulangot mo!"-sigaw sakin ni jessa kaya sumimangot ako, kadiri eh, kulangot daw. -_-

"Tayo na lang, wala pa akong partner!"-biglang singit ni tris, pumayag agad naman ako dahil tama nga naman sya, sya na lang walang partner at ako na lang din ang walang partner.

"Oh eh anong kakantahin natin?-tanong ko naman.

"Superhuman, R&B yun, maganda kanta para satin kasi duet yun."

"Okay sige chat mo na lang ako mamaya tungkol dyan."-sabi ko naman.

"Bakit chat pa? Magkausap naman tayo ngayon ah, haha."

"Loko hahaha, eh basta!"

"Ikaw ah, gusto mo kong kachat no? Haha!"-tumatawang sabi nya kaya binato ko sya ng ballpen.

"Wag kang assuming, masasaktanka lang."-hugot ko kaya nagbago agad ang mood nya.

"Pwede namang umasa, alam ko naman kase talagang may pag-asa."-nakangising sabi nya.

"Dun ka sa pag-asa mo, mag report ka ng panahon at iinform mo kami kung may bagyo."-pamimilosopo ko pero nanlaki ang mata ko ng akbayan nya ako at ginulo buhok ko.

"May nanliligaw ba sayo ngayon?-biglang tanong nya.

"Meron, madami, bakit?"-pagsisinungaling ko, bwahahaha, feeling maganda lang.

"Ah, kahit gano pa kadami manligaw sayo, titigan lang kita , mapapasagot agad kita ng oo."-nakangising sabi nya kaya piningot ko sya sa tenga, agad nyang tinanggal ang pagkaka-akbay nya sakin.

"Wala akong balak magpaligaw sayo! Mukha mo palang di na agad nakuha tiwala ko."-seryosong sabi ko.

"Bakit naman."-tanong nya.

"Mahirap magkaroon ng manliligaw na gwapo, lahat ng babae nagkakandarapa sayo, ayoko ng gulo."-kunot noong sabi ko at muli nanaman nya akong inakbayan.

"Edi ako mismo mag-iiwas sayo sa gulo, pag ako naging boyfriend mo, di ko hahayaang may mang-gulo sayo."-nakangiting sabi nya.

"Liligawan mo ako para saan? Para lang saktan?"-bitter kong sabi.

"Sabihin mo na ang gusto mong sabihin, isipin mo na ang gusto mong isipin, but you know what? All men are not the same, we are different in many ways, wag mo akong itulad sa kanila, siguro nga kung sakalimganligaw ako sayo, or kung sakaling maging tayo, dadating talaga sa point na masasaktan kita, hinde naman kasi tagala nawawala yan sa isang relasyon, di mo matatawag na pagmamahal yan kung wala ni isa sainyo ang nasaktan, normal lang namang masaktan, basta marunong lang tayong makipag-ayos at marunong tayong itama yung mali natin."-seryoso nyang sabi.

"Iba ka sakanila? Hinde ka nila katulad? Ganyan naman palagi sinasab nyo eh, tapos in the end, katulad karin naman pala nila."-bitter kong hugot.

"Hinde naman kasi kami pare-pareho, kung nasaktan ka dahil sa isang lalaki, wag mo akong idamay, paano ka nakakasigurado na sasaktan din kita tulad ng ginawa nya."

"Bali-baliktarin mo man ang mundo, masunog man ang yelo, maging plato man ang baso, pare-pareho parin kayong manloloko, mga paasa, mga magaling magsalita, mga taong nang-iiwan na lang bigl."-seryoso kong sagot atsaka nya tinanggal yung pagkaka-akbay nya.

Tumayo sya sa harapan ko atsaka nya ako tinitigan sa mata.

"Manloloko din naman ang mga babae, ah? Mga babae paasa din, sasabihin nilang gusto ka nila, yun pala hinde, sasagutin ka nila pag nanligaw ka, pero hinde dahil mahal ka nila, kundi dahil gusto lang nilang maki-uso sa iba, mga babae? Manggagamit lang sila, gagamitin ka nila tapos pagkatapos ka nilamg gamitin, babaliwalain ka na lang nila na parang tanga, kaya wag kang magsalita na parang ikaw lang ang taong nasaktan dito sa mundong to, hinde mo alam yung pinag daanan ko kaya wag mong isisi saming mga lalaki lahat ng nangyari sainyong mga babae.

Inis nya akong tinignan atsaka sya huminga ng malalim bago sya nagsalita.

"Don't blame me just because he left you, blame yourself for not putting an effort he deserves to recieve from you."-walang gana nyang sabi atsaka nya ako nilagpasan at tuloy tuloy syang lumabas sa class room.














~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
VOTES

COMMENT

Storya Ng Bitter (On-going)Where stories live. Discover now