CHAPTER 36

107 4 0
                                    

September 21, 2015 *monday afternoon*

Habang nag lalakad ako pauwi, may naka salubong akong couple na masayang nag kekwentuhan habang nag lalakad.

Huminto ako sa harap nila at huminga ng malalim bago ako magsalita.

"May forever naman talaga eh, nakadepende lang talaga sa taong mahal mo kung bibigyan ka nya ng forever o hinde."-nakangiting sabi ko at nginitian ako ng babae.

"Masaya kayong dalawa, kayo na sana ang para sa isat isat."-nakangiting sabi ko atsaka ko pinagpatuloy paglalakad ko.

Ewan ko ba, parang magaan ang pakiramdan ko pag nakakakita ako ng couple.

Narealized ko kasi na lahat ng tao kailangang sumaya.

Hinde naman kasi lahat ng oras puro sakit at lungkot lang ang pwede mong maramdaman, dadating talaga sa punto na may dadating sayo para tulungan kang maging masaya.

huminto ako saglit sa park may nakita akong magkakaibigan na babae, lahat sila ay may kanya kanyang boyfriend at masaya sila, kaso napatingin ako sa isang babaeng kasama nila, sya lang yung babaeng walang boyfriend na kasama.

"Cyla!! Picturan mo naman kami!! Tutal ikaw lang naman walang lovelife dito eh!! Hahaha."-tumatawang sabi ng isang babae.

"Oo sige, akin na yang phone mo."-nakangiting sabi nung single na babae.

Nag-pose yung mga kaibigan nyang couple at kinuhanan nya ng picture ito, pagkatapos nyang ibalik yung phone ng kaibigan nya, umupo sya sa may swing at malungkot na pinag masdan ang mga kaibigan nya.

Napailing ako kaya naman naglakad ako papalapit dun sa babae at umupo ako sa swing na katabi nya.

Pinagmasdan ko din ang mga kaibigan nya, napangiti ako bigla atsaka ako masiglang nag salita.

"Single ka? Yehey! Ako rin eh, hahaha! Let's talk about single life, sa totoo lang, masarap ang buhay single, pero mas masarap nga lang pag may nag mamahal sayo diba?"-panimula ko, napatingin sya sakin, at parang nag tataka pa sya kung sino ako para kausapin sya.

"Kung tutuusin, ang dami mong pwedeng gawin pag single ka, hangga't single ka, namnamin mo yung buhay mo, madaming taong nakapaligid sayo at madaming sakanila ang pwedeng magpasaya sayo, yung mga friends mo, barkada mo, tropa mo, sakanila ka mag focus, masaya mag adventure kasama ang mga friends."-dagdag ko pa, hinde sya nag salita pero nanatili syang nakikinig.

"Kapag single ka, walang hassle, pag may gagala kayo ng mga kaibigan mo, wala kang boyfriend na mag tatanong sayo kung anong oras ka uuwi, sinong mga kasama mo, walang mag tetext ng magtetext sayo kung nasan ka, ganito ganyan, walang kukulit sayo pag busy ka."-nakagiting sabi ko.

Hinde sya nag salita, nginitian nya lang ako kaya naman nag salita ulit ako.

"Kapag single ka, yung time mo maibibigay mo ng buong buo sa family mo, nandun yung bonding nyo, nandun yung tunay na saya, pamilya mo sila eh, dapat sila ang pinaprioritize mo, kasi dadating ang araw na, tatanda sila, pero aminin mo man o sa hinde, pag tumanda sila, bihira ka na lang sa tabi nila, dahil may asawa kana sa panahong yun, kaya ibuhos mo na yung 100% na pagmamahal mo sa pamilya mo, lalo na sa parents mo."

Hay, grabe, ito nanaman ako sa mga hugot ko, perks of being single.

"Boyfriend? Dadating ka dyan, pero hanggat masaya ka habang single ka, ituloy mo lang yung enjoyment, kung may lalaki mang dadating, edi wow, haha. Joke, kung may lalaki mang dadating, edi maganda, madadagdagan yung taong nag mamahal sayo, pero yun nga lang, medyo mababawasan yung benefits ng single life mo."-natatawang sabi ko.

"Boyfriend? No. I have wattpas books, manga books, comic books, foods, friends, family and money, yan yung daily part ng schedule ko, kapag nagka boyfriend na ako, baka hinde ko na mabigyan ng oras yung pag babasa ko, atsaka yung pakikipag bonding ko sa pamilya ko, sa friends, at sa kung sino pa."-sa wakas ay nagsalita na sya, yan ang sinasabi nya habang nakangiti syang pinag mamasdan ang mga kaibigan nya,

"Kapag single ka, magagawa mo lahat ng gusto mo, pwede kang kumain kasabay ng kahit sino ng walang nag tatanong sayo ng "sino yung kasama mo?", "Lalaki ba?", "kaano-ano mo?" Etc, syempre, kailangan mo din ng freedom."-dagdag ko ulit.

"Asahan mong pag pumasok ka sa isang relasyon, mababago at mababago ang mga nakasanayan mong gawin pag single ka."-muli kong hugot, medyo natawa sya sa sinabe ko kahit wala namang nakakatawa.

"Single life doesn't mean sad life, sinong nag sabing mga taken lang ako masaya? Pag single ba, malungkot na agad? Kapag single ka, madaming oportunities para lumigaya ka, nandyan yung family mo eh, nandyan yung friends mo, sa ngayon, sakanila ka muna mag focus hanggat nandyan pa sila, kasi we don't know kung kelan sila kukunin satin, diba nga, diba nga hinde lahat ng bagay at tao ay hinde permanente sa mundo."-dagdag ko pa.

"Sa totoo lang masaya naman ako sa pagiging single ko eh, yun nga lang, minsan may kulang, minsan parang hinde ako kumpleto, minsan hinihiling ko, sana may lalaki din na nagmamahal sakin."-malungkot na sabi nya.

"Nakakapagod na din kasing mag-isa."-malungkot na dagdag nya.

"Hinde lang naman ikaw ang nag-iisang single sa mundo, yung iba nga, wala ng pamilya, walang magulang, walang mga kaibigan, swerte ka nga kasi ikaw, boyfriend lang ang wala sayo, kaya wag kang malungkot kung single ka, isipin mo na lang yung mga taong literal talagang mag-isa."-seryosong sabi ko bago ako tumayo.

"Sige, una na ako ha? Kailangan ko ng umuwi."-nakangiting paalam ko.

"Uhm, teka, anong pangalan mo?"-tanong nya sakin kaya napangit ako.

"Ako si clover, ang huguterang bitter, pero umaasa parin na may forever."-natatawang sabi ko atsaka ako umalis sa park.

Napangiti ako.

Sana sa mga hugot ko, nakakainspire ako ng mga tao,
Kung di man sila nainspire,
Sana ay nagising ko sila sa katotohang nasa realidad tayo.




















~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Sorry medyo natagalan
yung update nawalan kasi
ako ng wifi katamad gumastos pang load eh bawi na lang.

VOTES

COMMENT

Storya Ng Bitter (On-going)Where stories live. Discover now