September 13, 2015 *sunday*
Linggo ngayon at balak ko talagang tulungan si mama sa gawaing bahay dahil wala namang akong kapatid na pwedeng tumulong kay mama.
Naghihiwa ako ng labanos at gabi at pati narin sibuyas, sinigang kasi ang ulam namin ngayon si mama naman tinaga yung spare ribs at mga karne.
Ewan ko ba ang sipag ko lang pagdating sa gawaing bahay, pero pagdating sa lovelife? Ang tamad ko na.
Pagdating ng tanghalian, tinawag ko na si papa sa garahe namin kase nag cacarwash sya nang koste namin, sabay sabay kaming kumain ng lunch ni mama at papa napangiti na lang ako, ganito pala pag single no? Mas nabibigyan mo ng oras ang magulang mo, ang sarap ng feeling, heheheh..
Pagsapit ng hapon, napagpasyan kong lumabas ng bahay at mag bike muna, habang nagba-bike ako, may nakasalubong akong couple na nagjojoging habang naglalambingan.
Huminto ako sa harap nila at nagtaka sila kaya naman tumingin sila sakin.
Tinawanan ko lang sila atsaka nagsalita.
"Maghihiwalay din kayo, ngipin ko nga naghihiwalay kayo pa pala!"-hugot ko atsaka tumawa ng tumawa dahil sa sobrang bitter ko.
Oo na, bitter na ako sa lahat ng may lovelife, ehh ayoko ng maniwala sa love na yan ehh, anong magagawa ko? Diba?
dO__Ob
Biglang may aso na dumaan sa harap ko kaya sumemplang ako at ang bike ko, tae ang malas.
Asar kong tinignan yung siko ko at nakita kong may gasgas ito at sugat naman sa tuhod, letse na.
Nanlaki bigla ang mata ko ng makita ko si tristan sa harap ko, lumuhod sya sa harap ko habang nakaupo ako sa kalsada atsaka nya tinignan yung sugat ko sa tuhod.
"Alam kong nasaktan ka, Pero may paraan naman para maging ok ka diba?"-sabi nya sakin habang nakatingin sa tuhod ko.
Ewan ko ba, parang double meaning ung sinabi nya, hinde ko alam kung ang ibig nyang sabihin ay yung nasaktan ako sa tuhod o yung nasaktan ako sa pag-ibig, tch! nababaliw nanaman ako.
"Siguro nga magiging ok din ako, pero kahit anong gawin ko, maaalala at maaalala ko padin ying katangahang ginawa ko, may naiwan na marka ng nasaktan ako, wala ng paraan para maalis ito."-bitter kong sabi.
Ngumiti lang sya atsaka nya ako tinulungang tumayo.
"Sa ngayon, ang kaya ko lang gawin ay tulungan kang bumangon, but trust me, mawawala din yang sugat mo sa tamang panahon."-nakangiting sabi ni tris at yun ang dahilan kung bakit napatitig ako sakanya ng matagal.
Bakit parang gumaan ang loob ko sa sinabi nya?
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
VOTESCOMMENT
YOU ARE READING
Storya Ng Bitter (On-going)
RandomKwento ng isang babaeng minsan Nang nasaktan kaya wala syang Lovelife ngayon, ang daming Pinagdaanan kaya bitter sya Hanggang ngayon. Hinde sya naniniwala sa forever Kaya lahat ng makakasalubong Nya, sinasabihan nya ng Pamatay nyang linya. Samahan n...