CHAPTER 45

82 4 3
                                    

September 30, 2015 *wednesday*

"ARGHHH, BAKIT KO BA INIISIP YUN?!"-sigaw ko, eh kase, naiimagine ko kung anong ginagawa ni tris at yannah sa bahay nila tris, shete.

Ayon sa kinwento sakin ni tris,  magiging kapatid nga daw nya si yannah, hinde padin ako makapaniwala.

"Omg excited na ako sa camping bukas! Sasama kayo? 2 day yun oh my god! Hanggang friday!"-masayang sabi ni queenee.

"Wag kang maexcite baka di matuloy, bwahahaha."-hugot ko at bigla akong binatukan ni cyla.

"Cyla, alam ko na kung anong ganap mo sa buhay ko."-inis na sabi ko.

"Ano?"

"Taga-batok ko sa twing huhugot ako! Letche! Namimihasa kana sa pambabatok sakin ah."-reklamo ko.

"Eh namimihasa kadin sa kakahugot eh!"

"Aish, bahala kayo, basta, sama tayong lahat bukas ah? Para masaya."

"Oo naman! Kelangang sumama ng buong highschool department, like whaaattt, mula grade 7 hanggang grade 10 kasama bukas, naeexcite akoooo!"-sigaw ni aillene.

"Grade 10! Ano bayan, akala nyo ang lalayo nyo sa isa't isa at nagsisigawan kayo."-biglang sigaw samin ni ma'am davis. Haha.

"Sinong katabi mo bukas sa bus?"-tanong nila at naghanapan na sila ng makakatabi nila sa bus, ako naman, automatic na yung plano namin ni jacque na magkatabi kami sa bus, bwahaha! Syempre, bespren ko yang si jacque'no!
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
October 1, 2015 *thursday*

"Oraaaaaaaaaayt!!!"-sigaw nila jake dun sa likuran ng bus, sa likod kasi sila pumwesto, kami naman ni jacque pumwesto sa medyo likod din pero hinde sa likod na likod.

Syempre malupit yung dala kong bag XD medyo malaki dahil puro damit at pagkain ang dala ko, hahahaha,

Nakaupo na kami ni jacque at syempre sa tabi ako ng bintana pumwesto, kinuha ko yung phone ko at yung earphones ko, sinaksak ko yun sa tenga ko at nakinig ako sa mga music kahit hinde pa nagsisimula yung byahe.

Ang ingay ingay sa bus grabe mga kaklase ko.

Nakita ko namang sumakay din sa bus namin yung mga grade 9, so sila pala yung kasama namin sa bus.

Nakita ko si yannah na kadarating lang at umupo sya sa harapan ng upuan namin ni jacque.

"Uy, si tris ayun oh, yiiee."-pang-aasar sakin ni jacque, hays, wala nga palang nakaka alam na hinde totoo lahat ng pinapakita sakin ni tris.

Naglakad si tris papunta sa pwesto namin at----

"Oy, lipat ka nga sa likod, haha."-utos nya kay jacque at agad na kinilig si jacque para sakin at agad agad syang tumayo at lumipat ng pwesto, tinabihan ni jacque si cyla sa gilid namin.

Umupo naman si tris sa tabi ko at napasimangot naman ako, inis akong tumingin sa labas ng bintana, pero bago yun syempre tinodo ko muna yung aircon para damang dama ko yung soundtrip XD.

Tumingin ako kay tris at nakita kong nagsasoundtrip lang din sya.

"Okay kana?"-tanong ko sakanya.

"Oo, salamat pala kahapon, haha! Naks, wifey goals! Hahahaha."-pang-aasar nya at tumingin na lang ulit ako sa bintana.

"Totohanin mo na lang kase... para hinde na ako masaktan sa huli..."-mahinang sabi ko at napabuntong hininga ako, hinde naman nya narinig yung sinabi ko kaya okay lang yon.

Napatingin ako kay break dahil kakapasok nya lang ng bus at cold lang syang naglalakad papunta sa likuran.

"Di ka inaantok?"-tanong sakin ni tris at umiling naman ako.

"Oh? Naknang, dapat antukin ka, tapos matulog ka sa balikat ko. Haha."-tawa pa nya kaya lalo akong napasimangot.

Lahat yan gingawa nya para pagselosin lang si yannah.

"Mas gugustuhin ko pang manatiling gising, kesa matulog sa balikat mo, alam ko namang anytime aalis ka din sa tabi ko."-hugot ko atsaka sya napatitig sakin ko na para bang nagulat sya sa sinabi ko.

"Sino bang nagsabi sayong aalis ako sa tabi mo? Classmate mo kaya ako, di kita iiwan, haha."

Hays. #classmatezoned

Maya maya lang umandar na ang bus at nagsimula na ang byahe.

Mga lagpas 12 songs na siguro ang napakinggan ko ng biglang pagpatong ng ulo ni tris sa balikat ko.

Napatingin ako sa kanya at napangiti nalang ako bigla.

Isip bata talaga sya kahit kailan, mukha akong nanay na may anak na natutulog sa balikat ko, haha, oo, natutulog sya at ang bango ng buhok nya. Tae!

Makalipas ang isang oras, nagising na sya at inayos na nya ang upo nya, huminto kami sa bus terminal para daw maka CR yung mga gustong umihi.

"Teka, CR lang ako."-sabi ko kay tris.

"Samahan kita?"

"Hinde, wag na, dyan ka nalang, babalik din naman agad ako.

"Sige."

Tumayo ako at lumabas ng bus, hinanap ko pa yung mismong CR kaya medyo natagalan ako, pagkabalik ko sa bus ay nadismaya ako ng makita kong si yannah na nakaupo sa pwesto ko at magkatabi sila ni tris, tahimik sila pareho at si yannah naman ay natutulog sa balikat ni tris.

Napatingin sakin si tris at sinenyasan nya akong humanap na lang ng bagong mauupuan .

Naghanap ako ng bakanteng upuan at napanganga ako ng makita kong ang bakanteng upuan na lang ay sa tabi ni break, wala kasi syang katabi.

"Pwedeng tumabi sayo?"-tanong ko sakanya, tinignan nya lang ako gamit ang malamig nyang mga mata at hinde sya kumibo.

Hays, marunong ba syang magsalita? Grabe di ko pa ata sya narinig magsalita simula ng mag transfer sya samin eh.

Umupo na lang ako sa tabi nya kahit hinde sya pumayag, sa tabi sya nga bintana nakapwesto tahimik lang sya.

Tumunog yung phone ko kaya kinuha ko agad ito at nakita kong may message si tris.

From: tris panget
Nahihilo si yannah kaya pinaupo ko muna sya sa tabi ko, di sya sanay sa byahe, eh.

Hinde ko alam kung anong irereply ko kaya naman.....

To: tris panget
Okay

Itatago ko na sana ulit yung phone ko sa bulsa kaso tumunog ulit.

From: tris panget
Sino palang katabi mo? Si jacque? Si cyla? Si joana? O si romelyn?

Aish, ang dami nyang tanong.

To: tris panget
Hinde.

From: tris panget
Eh, sino pala?

To: tris panget
Si break.

Naghintay ako ng reply nya pero nakalipas na ang ilang minuto pero hinde parin sya nag rereply, psh.

Problema nun? d-_-b














~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Ang pag-ibig parang internet shop yan, kahit mag extend kapa ng oras, darating talaga yung time na matatapos ka at may uupo na iba para plitan ka.

Hugot of the day ni author.

VOTES

COMMENT

Storya Ng Bitter (On-going)Where stories live. Discover now