September 14, 2015 *monday*
Last subject sa hapon ay math, asar lang, bakit 4:00pm pa yung math eh yun yung pinakanakakatamad na oras sa boung araw.
Sa tabi pa naman ako ng bintana naka pwesto kaya lalong nakakatamad.
"Aish! Ayoko ng topic nayan!"-reklamo ko atsaka ako sumobsob sa arm chair ko, narinig ko naman yung biglang pag usog ng upuan mula sa likod ko, tch, si tristan yan malamang, sa likod ko sya nakapwesto sa sitting arrangement eh.
Naramdaman kong kinalabit nya ako sa likod ko kaya naman tamad na tamad akong lumingon sakanya.
"What?"-bored kong tanong.
"Ayaw mo ng topic?"-tanong nya sakin, psh, palibhasa matalino sya.
"Nakakatamad makinig kay sir, tsaka ayokong pag-aralan, di ako interesado."-seryoso kong sagot pero bigla nya akong tinitigan ng seryoso atsaka umiling iling.
"Kung di mo pag-aaralan, pano mo matututunan? Kung di mo matututunan, pano mo magugustuhan?"-hugot nya kaya natawa ako ng malakas, as in hagalpak na tawa.
"CLOVER DELIGHT PEEWEE! ANONG NAKAKATAWA SA LESSON KO?!!"-sigaw ni sir cruz kaya napatakip ako ng kamay sa bibig ko, tinawanan ako ng mga kaklase ko at narinig ko rin ang pagtawa ni tris, letse.
"Sir, wala po, hehe."-palusot ko.
Hinde na ako pinansin ni sir at nag disscus ulit sya, kinalabit naman ako ni tris kaya inis akong humarap sa kanya.
"Bakit ba kasi tumawa ka sa sinabi ko? Eh seryoso ako dun sa sinabi ko, kung di mo pag-aaralan buksan yang puso mo, paano mo matutunang tumingin sa lalaking tulad ko? Kung di mo matututunang tumingin sa lalaking tulad ko, magugustuhan mo pa kaya ako?"
Hinampas ko sya ng notebook ko atsaka ako nagsalita.
"Alam mo ikaw, ang landi landi mo, wag nga ako!! Iba na lang landiin mo, hinde ako interesado."-mahinang sigaw ko.
"Ikaw lang naman nilalandi ko, kase ikaw lang naman ang gusto ko."-seryosong sabi nya atsaka ako nginitian.
AY PUTSPA, LUMUNDAG ATA NG LIMANG HAKBANG YUNG PUSO KO!! AYY LANDEE...
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
VOTESCOMMENT
YOU ARE READING
Storya Ng Bitter (On-going)
RandomKwento ng isang babaeng minsan Nang nasaktan kaya wala syang Lovelife ngayon, ang daming Pinagdaanan kaya bitter sya Hanggang ngayon. Hinde sya naniniwala sa forever Kaya lahat ng makakasalubong Nya, sinasabihan nya ng Pamatay nyang linya. Samahan n...