CHAPTER 40

84 4 0
                                    

September 22, 2015 *tuesday continuation*

TRIS' POV

"Sagutin mo muna yan, wag mo na din akong ligawan."

Nagulat ako ng sabihin nya yon at gusto ko na lang syang tawanan, bigla syang lumabas ng kwarto kaya dun ako tumawa ng tumawa.

"Grabe talaga, hahaha."-sabi ko pa bago ko sinagot ang phone ko.

"Bakit?"-sagot ko kay yannah.

"Kuya, pinapapunta ka dito ni daddy ngayon."

Napahawak nalang ako sa sintido ko at inis akong sumagot

"Tell him na hinde ako pupunta."

"Pag di ka nanaman daw dumating, hinde ka daw sya bibigyan ng allowance for whole month."

"Aish! Oo sige na, maya-maya pupunta na ako dyan, pag na-discharge na ako dito sa ospital."

"Sige ingat kuya."

Maya-maya lang dumating na yung principal namin at yung physics teacher namin, sinabi nila na pwede na daw kaming i-discharge ni clover.

Pagkatayo ko ay lumabas agad ako ng kwarto at nakita ko si clover na nakasimangot habang nakaupo sa bench.

Naglakad ako papalapit sakanya at ginulo ko ang buhok nya, pero hinde nya ako pinansin, aish, mukhang galit ata talaga sya, pero wala akong time para suyuin sya ngayon eh, dibale, babawi na lang ako sa susunod.

"Kelangan ko ng umalis, may pupuntahan akong importante eh, ingat ka pauwi ha."-paalam ko sakanya pero hinde sya sumagot, mas lalo lang kumunot ang noo nya at mukhang lalo syang nainis sa sinabi ko.

Wala na akong nagawa kaya umalis na ko kaagad at pumunta sa tailor shop kung nasan sila daddy, tita megan at yannah.

"I thought you wouldn't come, sige na ikaw na ang susukatan ijo."-nakangiting sabi sakin ni tita megan.

Sinukatan ako para sa isusuot ko sa kasal nila ni daddy, pagtapos akong sukatan ay umupo ako sa tabi ni yannah  at pareho kaming nag-kape.

"Kamusta na yung binti mo kuya.?"-tanong nya sakin.

"Medyo mahirap pang lumakad, pilay eh."-sagot ko.

"Ah, pagaling ka na lang kuya tris ha."

Hinde na ako nagsalita.

"Let's have a dinner on mall, what do you think."nakangiting sabi ni tita megan.

"Meg, you'll drive or i will?"-malambing na sabi sakanya ni daddy.

"Ikaw na lang harry."-nakangiting sabi sakanya ni tita megan.

"Let's go yannah and tris."-sabi ni daddy kaya tumayo na kami ni yannah, nahuli ako sumakay sa kotse dahil ang bagal kong maglakad, letseng pilay kasi to, malas eh, ang epic ng pagiging superhero ko.

Magkatabi kami ni yannah sa backseat at magkatabi sa harap si daddy at tita megan, ng makarating kami sa mall, dumiretso kami sa paboritong chinese restaurant ni daddy at doon kami kumain, habang kumakain kami, puro about sa wedding nila ang pinag uusapan kaya hinde ako nagsasalita.

"Excuse me po mommy and daddy. I'll go to the restroom lang po."-paalam ni yannah at tumayo sya, pumunta sya sa restroom kaya naman nag paalam din ako kila tita na pupunta muna ako ng restroom.

Pumasok ako sa female's restroom at nakita kong sa yannah lang ang tao habang naghuhugas ng kamay sa lababo.

I locked the door at naglakad ako papalapit sakanya.

"K-Kuya, restroom to ng mga babae, labas kana dali."-utos nya sakin pero hinde ako nakinig lumapit padin ako sakanya, atsaka ko sya niyakap.

"Please let's do anything para hinde matuloy yung kasal nila."-pakiusap ko sakanya pero pilit nyang tinatanggal yung kamay kong nakakapit sa bewang nya.

"Tris, let me go, magiging magkapatid na tayo next month, can you please respect the decision of your dad and my mom?"-pagpupumiglas nya pero hinde ako nagpatinag, mas hinigpitan ko yung yakap ko sakanya.

"I won't accept you as my step sister yannah, alam mong mahal kita."

Tinulak nya ko bigla atsaka tumulo ang luha nya.

"Mahal din kita tris, pero hinde tayo pwede, my mom's happiness is your father, my mom's happiness is you, but my mom's happiness is more important than to my own happiness, tris, i want so see her happy and only your dad can give her the happiness she wants."

Di ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko at muli akong lumapit sakanya, hinawakan ko ang pisnge nya at tinitigan ko sya sa mata.

"Itatapon mo na lang lahat ng meron tayo? 2 years naging tayo yannah, ganun ba kadali sayo para itapon yung 2 years na yon?"

Umiwas sya ng tingin atsaka nya pinunasan ang luha nya.

"Yes, im willing to throw away everything for the sake of my mom's happiness, just move on, tris makakahanap ka din ng babaeng mas mamahalin ka."

Nilagpasan nya ako atsaka sya lumabas ng restroom.

'She gave up while i'm still fighting for us, wala nga ata talagang happy ending.'

Pagkabalik ko sa table, nagpaalam na ako kila daddy na mauuna na akong umuwi dahil nawala ako sa mood.

Pagdating ko sa bahay, humiga agad ako sa kama ko.

Naalala ko bigla si clover at natawa na lang ako.

Hinde ko talaga gusto si clover, nagkataon lang na palagi kong napapanood yung mga hugot nya, kaya nung nasa canteen, saktong katapat nya ng table si yannah nung oras na yun kaya ko aya tinabihan.

Bitter si clover, galit sya sa mga lalaki, she doesn't even believe in love, ayaw nyang magmahal ulit, she's the perfect girl for my plan, im really sure na hinde sya mahuhulog sakin at alam ko ring hinde sya magkakagusto sakin dahil sobrang bitter nya, so I'll use her para magselos si yannah, in that way, babalik sakin si yannah.











~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
So nakabawi na ba ako sa
Halos 1 week kong pananahimik and thank you nga pala sa nag aantay ng update ko..

Votes and share

Storya Ng Bitter (On-going)Where stories live. Discover now