September 18, 2015 *friday night*
"Happy birthday to you, happy birthday, happy birthday, happy birthday to tou."- kanta naming mag kakaklase atsaka nag blow ng candle si jake
"More chix to come!"-singit ni ash at nagtawanan kaming lahat.
Kinain namin yung cake atska yung buttered chicken, spaghetti, sisig at iba pa, anyway, paborito ko ang sisig haha..
Nang matapos kaming kumain umupo kaming lahat sa palibot ng malaking mesa nila jake sa garahe at nagsimula ng mag labas ng beer si jake.
"Ikaw cyla! Umiinom ka?"-tanong ni jake kay cyla at pumayag naman si cyla na uminom.
"Ikaw joana?"-tanong ni jake.
"Oo naman! ako pa ba!"
"Ikaw aillene?"
Isa isa nyang tinanong ang mga babae at pumayag silang lahat.
"Ikaw clover? Iinom ka? Bawal ka ata eh, baka pagalitan ako ng papa mo."-sabi ni jake sabay kamot sa ulo.
"Ha? Deee! Juice lang ako!"-diretso kong sabi at binigyan akp ng juice ni jake, ayoko talaga uminom ng alak dahil mahina ang tolerance ko sa alcohol.
Nagsimula na silang mag-inom. Napatingin ako kay tris na naka upo sa dulo ng mesa, ang ingay ingay nya tapos hinde sya nauubusan ng ikekwento sa mga kaklase namin, ang daldal nya.
Nagtaka naman ako ng juice ang iniinom nya, seriously?
"Bawal sa alak si tris, may allergy sya dun."-bulong sakin ni jake ng mapansin nyang nakatingin ako kay tris.
"A-Ano namang paki ko? tintanong ko ba?"-asar na sabi ko kay jake kunyari.
"Haha, deny pa clover, mukha namang interesado ka kay tris eh, pa hard to get ka pa."
"Alam mo, hinde ako pa hard to get, ayoko lang sa lalaking sumusuko agad."
"Sigurado ka bang sumusuko na sya sayo?"
"Oo naman, sabi nga nya hinde na nya ako kukulitin kahit kailan eh."
"Ah, kaya pala sya kanina yung nagturo sakin sa physics imbes na ikaw."-pang aasar ni jake kaya hinampas ko sya ng mahina sa braso atsaka tumayo.
"Pahangin muna ako ah? Nakakabwisit yang mukha mo eh."-pang aasar ko kay jake atsaka ko lumabas ng garahe nila.
Umupo ako sa may garden atsaka ininum yung juice na hawak ko.
Tahimik lang akong nakatingin sa langit, ang onti ng stars.
"Ay tae!!"-gulat na sabi ko ng biglang may umupo sa tabi ko, si tris pala!
"Tao ako."-pamimilosopo nya.
"Bakit ka nandito? Dun ka nalang muna sa kanila, mag kwentuhan kayo."-sabi ko pero umiling sya.
"Pagod na ako mag kwento, knaina pa ako kwento ng kwento sa kanila eh, pagod na yung bibig ko, haha."
Hinde ako umimik at tanging katahimikan lang ang bumalot saamin.
"A-Ah tris, m-may sasabihin ako."-nauutal na sabi ko.
"Ano?"-tanong nya habang umiinon ng juice nya.
"Diba g-gusto mo akong ligawan?"- nauutal nanamang tanong ko.
Napatingin sya sakin bigla.
"A-ah, yun ba--"
Natigilan sya sa pagsasalita ng biglang nagring yung cellphone nya, kinuha nya sa bulsa nya at nakita kong babae ang pangalan ang nakalagay sa coller.
Sinagot nya agad yung tawag.
"Oh? Napatawag ka?"-tanong nya sa kausap nya.
"Nasan ka ba?"-tanong nya ulit.
"Sige sige, sunduin kita ngayon?"-tanong nya ulit sa kausap nya.
"Ge, papunta na ako."-sabi nya bago pinatay yung tawag.
Tumayo na saya at biglang nagsalita.
"Una na ako ha? Ingat ka sa pag-uwi mamaya."-sabi nya sakin atsaka sya dumiretso sa mga kaklase namin at nag paalam na din sya sakanila na mauuna na syang umalis, nag-mamadali syang umalis maya maya ay wala na sya.
Napabuntong hininga ako.
"Ang tangkad ni regret, lagi syang nasa huli eh."-hugot ko sa sarili ko at saka tinungga yung juice.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
VOTESCOMMENT
YOU ARE READING
Storya Ng Bitter (On-going)
RandomKwento ng isang babaeng minsan Nang nasaktan kaya wala syang Lovelife ngayon, ang daming Pinagdaanan kaya bitter sya Hanggang ngayon. Hinde sya naniniwala sa forever Kaya lahat ng makakasalubong Nya, sinasabihan nya ng Pamatay nyang linya. Samahan n...